Ika-labing isang Tula - Isang Surpresa Para Sa Iyo

13 1 0
                                    

Isang surpresa para sa iyo,

Pormang-porma akong dumalaw sa inyo,
Balak kitang sorpresahin, mahal ko.
Nakangiti akong kumatok sa pinto niyo,
Ngunit bakit lalaki ang nagbukas nito?

Teka, Skie! Kalma,
Baka kamag-anak lang niya, magtiwala ka.
"Nandiyan po ba si Wautie?" Tanong ko.
Laking gulat ko nang malamang kilala niya ako.

Dere-deretso akong tumango nang tanungin niya kung ako si Skie,
Magtatanong pa sana ako pero nakita na kita, Wautie.
May kasama kang bata, siguro ang edad niya'y lima,
Ang cute sana tignan kaso... tinawag ka niyang Mama.

LabinlimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon