Ika-sampung Tula - Kilala

12 1 0
                                    

Kilala,

Sobrang saya ko, mahal ko.
Pangarap ko sa wakas ay nagkatotoo.
Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo,
Ganoon din naman ang ginawa ko.

Sa wakas, tayo na!
Magulang mo'y payag na,
Ngayon, handa ka na bang makilala ang mga magulang ko?
Kinabahan ka, ramdam ko, pero pumayag ka parin sa gusto ko.

Hindi ako nagkamali sa aking akala,
Loob ng magulang ko'y agad mong nakuha,
Aabangan ko ang storya nating magkasintahan,
Paniguradong malalagpasan natin ang mga hamon hanggang sa katandaan.

LabinlimaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon