Ika-labing apat na Tula - Sa Isang Malabong Imahe Mo

8 1 0
                                    

Sa isang malabong imahe mo,

Daig pa ng mga mata ko ang elepante sa laki,
"Wautie?" Tangi kong nasabi,
Ngumiti ka, ngunit luha'y umagos,
Sakit na dulot ng nakita ko sa puso'y tumagos.

"Mahal na mahal kita, 'di iyon sikreto," iyong sinabi,
"Patawad, patawad sa aking paglilihim."
Nakatitig at umiiling akong napahikbi,
Mahal, bakit ba magalit sayo'y 'di ko maatim?

Inamin mo ang sikreto mo sa akin,
Buhay na pala si Waltre bago pa buhay mo'y aking pasukin.
Pagkatapos ng lahat ng luha natin ay hinawakan ko ang mga kamay mo,
"Mahal ko, uwi na tayo?"

LabinlimaWhere stories live. Discover now