A BEAST IN DISGUISE XII

2.9K 107 2
                                    

"Sigurado ba kayo d'yan?" hindi ko napigilan ang sarili ko na mag react ng marinig ko ang usapan ng mga estudyante sa hallway bago pa man ako makarating sa classroom.

"Oo. Si Max pa nga nagdala sa kanya sa ospital."

Napahilamos ako ng kamay ko sa mukha ko at imbis na dumiretso sa classroom ay tinungo ko ang office ni Max sa kabilang building.

"Come in." parang dumagundong ang dibdib ko sa baritonong boses niya.

Balak ko sanang ikwento kay Shane ang na-experience kong katakut-takot na pangyayari sa buhay ko kaso heto ako at inuuna ang kapakanan ng iba.

Ano ba kasing nangyari at bakit nagbalak magpasagasa ang babae na iyon? Okay naman siya kahapon. Okay kami.

"Max!" tawag ko sa kanya ng makapasok ako sa office niya.

Iniikot niya ang swivel chair niya paharapan sa akin at pumalumbabang ngumiti sa akin.

Bakit siya nakangiti?

Pinagmasdan ko ang mata niya at para itong walang buhay.

"Ano bang nangyari kay Shane? Okay lang naman siya kahapon ah? Bakit niya ginawa iyon? May nangyari ba? Nakita ko kasing kausap mo siya kahapon sa may gate."

"Siya ang tanungin mo kung bakit. Gusto kong marinig mo mismo mula sa kanya ang sagot sa tanong mo." walang emosyon niyang sagot.

Si Max ba talaga itong kausap ko ngayon?

Bakit ganito siya sumagot?

May nangyayari bang hindi ko alam?

"Max! Paano mo nasasabi iyan? Naaksidente si Shane! Estudyante nitong eskwelahan mo at kaibigan mo siya, natin!" naiinis kong sabi at hindi ko alam kung paano pero automatic na kumilos ang katawan ko at kinwelyuhan siya.

"I can't remember considering anyone as my friend. I treated you the way you wanted it."

"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ganyan magsalita?"

Marahan niya akong tinulak pero may naramdaman akong something na suot niya mula sa luob ng longsleeve niya.

Pinag walang bahala ko ito at lumakad siya palapit sa akin.

"Why? Because it's the real me. Didn't you noticed it?" halos mapako ang paa ko sa pwesto ko ng i-angat ng daliri niya ang panga ko.

Kinakabahan ako pero bakit ganun? Parang gusto ko itong side ni Max. Shit. I'm hopeless!

"Behaving easily, eh? What a good boy." bulong niya sa tenga ko at ng maramdaman ko ang dila niya sa tenga ko ay agad ko siyang tinulak palayo.

Natawa siya sa ginawa ko at ng lingunin ko siya sa huling pagkakataon ay nakita kong nakatayo lang siya sa pwesto niya at nakatingin sa akin ng makahulugan.

Hindi ako dapat umabsent ngayong araw dahil may long quiz kami pero heto ako at nag absent para puntahan si Shane sa ospital. Naiinis man ako sa ginawa ni Max sa akin kanina ay wala akong magagawa kundi tanungin mismo si Shane kung bakit ito nangyari sa kanya. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali.

"Room 105." sagot ng nurse sa akin ng makarating ako sa ospital na pinagdalhan kay Shane.

Agad ko itong hinanap at ng buksan ko ang pintuan ay isang pamilyar na pigura ang bumungad sa akin na nakaupo sa tabi ng patient's bed kung saan nakahiga si Shane na may mga bandages sa katawan at may aparatong nakadikit sa kanyang katawan.

Nabigla ako dahil sa pagsigaw ni Shane dito.

"I told you before to just forget about him! Now, look! You fell inlove with a beast and you drag an innocent person with your stupidity!"

A BEAST IN DISGUISE (BL)Where stories live. Discover now