A BEAST IN DISGUISE II

5.1K 145 0
                                    

Lumaki ako na ang tanging kinamulatan ay ang aking nanay dahil sabi niya ay namatay nuon ang aking tatay dahil sa isang aksidente dalawang taon matapos niya akong ipanganak at dahil kakailanganin niya akong buhaying mag-isa ay naghanap siya ng trabaho at naging isang mananahi sa isang patahian. Malaki ang kinikita niya dahil ang patahian na iyon ay nasa luob ng malaking subdivision at dahil maganda manahi si nanay ay madalas magpagawa sa kanya ang mga mayayaman na nakatira duon malapit sa shop.

Pitong taon ako ng una akong isama ni nanay sa kanyang trabaho dahil wala siyang mahanap na magbabantay sa akin at dahil naturingang bata ay may kalikutan ako ng mga panahon na iyon ay pinaglaruan ko ang mga pinutol na tela, sinulid, at ang ilan sa mga damit na malilit na pinapaayos sa kanya ay isinukat ko. Ang ending, napagalitan ako. Umiyak ako at umupo sa labas ng shop at duon nagmukmok hanggang sa may makita akong playground sa 'di kalayuan na may mga batang naglalaro.

Sa sobrang excited ko ay hindi na ako nagpaalam kay nanay at tumungo duon pero agad ding nawala ang excitement ko dahil ayaw makipaglaro sa akin ng nga batang kasing-edaran ko. Para pigilan ang nagbabadyang luha sa mga mata ko ay tinungo ko nalang ang swing at umupo du'n. Nakailang swing din ako hanggang sa mapagod ang paa kong kanina pa nagpapadyak para mapagana ko ito ng makita ko ang isang bata na di hamak na mas malaki at mas matangkad kesa sa akin na sa akin nakatingin. Ilang taon na kaya siya?

Kumaway ako sa batang nakatingin sa akin ngunit imbis na kumaway din ay inirapan niya ako. Hmp! Sungit! Palibhasa kasi gwapo siya at mukha ding mayaman gaya ng ibang batang nandito di gaya ko na maliit na nga, halata pang di mayaman. Hindi ko nalang siya pinansin ulit dahil mukhang paalis na siya. Nagulat ako ng may grupo ng mga batang lalaki na pilit akong pinaaalis sa pwesto ko sa swing. Luh. May ibang swing pa naman na bakante na pwede nilang upuan bakit nila ako pinapaalis? Di ko naman sila inaano ah.

Gusto ko sana sila awayin kaso naisip ko bigla si nanay. Baka mapaaway din siya kapag pinatulan ko sila. Tumayo na ako sa pwesto ko para umalis pero itinulak ako ng isa sa kanila kaya nasudsod yung tuhod ko sa lupa at narinig kong nagtawanan sila at hindi ko na napigilang umiyak ng makita ko ang sugat ko na dumudugo. Tiyak papagalitan ako ni nanay.

"Hey asshole! Why don't you pick someone on your age?"

"What did you say?"

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko at paglingon ko ay laking gulat ko ng malamang siya yung lalaking inirapan ako. Anong ginagawa niya dito? Akala ko umalis na siya?

"Didn't hear what I said, eh? I said you're a fuckin' weak asshole and dumb looser too." nakangising sabi niya sa tumulak sa akin at nagulat ako ng suntukin siya nito na nailagan niya na hudyat ng pagbuno nila sa damuhan.

Nagreact ang mga kapwa ko bata na nanduon at ilang yaya din ang kinailangan para maawat yung lalaki na walang humpay na sinusuntok yung lalaking tumulak sa akin. Nanunuod kaya siya ng WWE? Siguro nga, kasi mukhang may cable sila sa bahay di gaya ko na nakakanuod lang kapag may napuntahan kaming bahay ng mayaman ni nanay para magpatahi sa kanya.

"I'll tell my dad about this!" umiiyak na sabi ng batang lalaki na balak pa yatang gumanti pero nakatago sa gilid ng yaya niya.

"Go ahead. I'll be waiting. So I can tell him how douche his son was." sinamaan ako ng tingin ng tatlong bata kanina habang ang iba pang mga bata ay natakot bigla na lumapit sa akin at duon kay kuyang nag ala-WWE.

"C'mon. Let's treat your wound." hinila niya ako papunta sa ilalim ng puno kung saan ko siya nakita na nakapwesto kanina.

"Stay here and don't you dare leave." hindi ko man naintindihan ang sinabi niya ay nanatili ako sa pwesto ko dahil na rin sa takot na baka ako naman ang isunod niya kapag umalis ako.

Bumalik siya na may dalang puting kahon na may cross na kulay red sa gitna at umupo sa harapan ko. Marahan niyang ipinatong ang paa ko sa hita niyang naka-indian position. Habang ginagamot niya ang sugat ko ay panay ang tingin niya sa akin kaya napapatingin din ako sa kanya. Di ba dapat mas unahin niya yung sa kanya? May mga sugat din kasi siya pero parang wala lang iyon sa kanya.

"Where are you from? Ihahatid kita." nagulat ako ng bigla siyang mag tagalog. Akala ko kasi di siya marunong eh.

"D-d'yan lang po ako sa kanto sa may patahian." sabay turo sa street kung saan nakatayo ang shop.

"Okay." nagulat ako ng bigla niya akong buhatin na parang prinsesa kaya pumalag ako. Grabe naman kasi. Kaya ko naman maglakad kaso si kuya, ayaw paawat kaya ang ending nagpapasan nalang ako. Nakakahiya kasi yung buhat niya kanina. Feeling ko pulang-pula yung mukha ko sa ginawa niyang iyon.

Inihatid niya ako sa shop gaya ng sinabi niya at si nanay ay agad akong sinermonan sa pagkataranta ng makita ako kasama si kuya na puro sugat. Akala niya kasi nakipag-away ako pero buti nalang nag explain si kuya kay nanay kaya nanahimik na siya. Hindi ko na natanong ang pangalan niya kasi matapos kong magpasalamat sa kanya ay sakto namang nag ring ang cellphone niya at may kinausap siya na kung sino at nagpaalam na sa amin. Ang ganda nga eh. Kulay itim siya na flip phone.

Nang sumunod na araw ay hindi ko nakita si kuya na tumulong sa akin sa park. Ang totoo n'yan, ayaw na talaga akong payagan ni nanay na sumama sa kanya after ng nangyari kahapon pero nagpumilit ako at nagsabing hindi ako maglilikot na kalaunan ay pumayag din. Nagbabaka sakali kasi akong makita ulit si kuya kahit sa malayo pero ilang araw na ang nakalipas ngunit ni anino niya ay wala akong nakita. Nakakalungkot. Hindi kaya napagalitan siya ng nanay o tatay niya at dahil duon ay ayaw na siyang palabasin ng bahay? Hala. Eh di kasalanan ko pala. O' baka naman hindi din siya taga dito at dayo lang?

Napasalumbaba ako. Sana makita ko ulit si kuyang mabait na tumulong sa akin.

------------------------------------------------------

A|N:

Posted:  January 6, 2019 at 1:26 AM

Tara po at kumain tayo ng kitkat at ipanalangin na sana habaan ko naman ang update para sa short story na ito para hindi kayo nabibitin. Hahaha! 'Til next update.

Stay awake and aware!

A BEAST IN DISGUISE (BL)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin