A BEAST IN DISGUISE IX

3K 122 1
                                    

"Hoy bakla! Umamin ka nga. Magkakilala ba kayo ni Yu?" malisyosang tanong sa akin ni Shane habang kumakain kami sa cafeteria dahil lunch break.

"Ha? Pinagsasasabi mo?"

"You're both acting weird kasi kapag nagkikita kayo and because ako ang third wheel ay napapansin ko iyon."

Inilingan ko lang siya at nagpatuloy sa kinakain ko. Hindi pa sira ang ulo ko para aminin sa kanya dahil hindi naman ako hundred percent sure kung tama ang hinala ko na si Eugene at si Yu ay iisang tao lang thou madalas kaming magkita at magkasama dahil na rin kay Shane. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko dahil lagi niyang sinusundo itong babae na ito. Ang sabi lang ni Shane sa akin ay ngayon lang daw ito dahil may kailangan si Yu sa kanya. I wonder kung ano iyon dahil I tried asking both of them before pero nililihis nila ang usapan.

"Hindi iyon weird. Awkward lang siguro kaming dalawa sa isa't-isa."

"Well, sige. Sabi mo eh. Anyway, kamusta naman yung bagong trabaho mo?"

"Ayos lang. Sanay naman na ako sa pagiging night shift."  pero ang totoo kahit sanay na ako ay may times pa rin na inaantok ako pag sapit ng umaga at minsan nakaka idlip ako sa klase. Buti na nga lang at maintindihin ang mga professor sa school na ito sa tulad kong scholar at working student.

"Thats good to hear. Buti nalang at scholar ka dahil kung hindi naku, baka mas mahirapan ka sa trabaho kasi syempre hahanap ka ng mas malaki ang sahod para tustusan ang pagaaral mo and worse, baka wala ka na talagang time para sa sarili mo."

"Okay lang naman sa akin kung hindi na ako magka time para sa sarili ko basta makapag tapos ako. Iyon ang mahalaga."

"Naku, baks! Hindi iyan okay. Hello? Baka malosyang ang beauty mo. Paano ka na magkaka lovelife? Importante din iyon 'no!" natawa ako sa hitsura niya dahil sobrang stress siya sa sinabi ko na akala mo may lovelife siya.

"Wala iyon sa bokabularyo ko." natatawa kong sabi dahilan para hampasin niya ako sa braso ko.

"Sows! Baka naman kaya ka ganyan is because may someone ka from the past na hanggang ngayon ay die hard ka pa rin?"

Napa kagat ako sa labi ko sa sinabi niya at napa isip. Someone from the past? Hmm. .

"Oh natahimik ka? So, meron nga? OMG! Who's the lucky guy?" kinikilig niyang tanong with matching yugyog pa sa katawan ko.

"Wala. Ikaw tumahimik lang ako kung anu-ano na iyang naiisip mo. 'Di ba pwedeng na-exhaust na ako sa pakikipag human contact? At saka, kung meron man, matagal na iyon at hindi na dapat pang malaman ng kung sino dahil parehas na naming limot ang isa't-isa."

"Ar-ouch naman!" may pahawak pa siya sa dibdib niya na akala mo tinamaan ng pana at mamamatay na. Hahaha. Sira talaga.

"Kung parehas ninyo ng limot ang isa't-isa eh bakit naaalala mo pa rin?" umupo sa harapan namin ni Shane ang nagtanong at nakikain ng inorder kong fries. Luh!

"Max naman eh! Fries ko iyan!" sabi ko sabay pout sa kanya na kinatawa lang niya.

"Hahaha. Sorry. Nakain ko na."

"Max! Buti nalang at dumating ka dahil itong si Iden may issue from the past na kailangang masolusyunan!"

"Tumigil ka nga Shane! Dadamay mo pa si Max eh wala naman siyang kinalaman du'n or maski ikaw." napahilamos ako sa mukha ko dahil nai-stress na talaga ako. Bakit ba big deal ang tungkol sa someone na iyon kay Shane?

A BEAST IN DISGUISE (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon