A BEAST IN DISGUISE X

2.8K 108 5
                                    

"Iden, ito yung order sa table 12." saad ng kasama ko at kinuha ko ang tray ng pagkain na inilapag niya.

Habang hinahanap ko yung table 12 ay hindi mawala sa isip ko yung narinig kong usapan ng kapwa ko estudyante mula sa ibang university ng papunta ako dito kanina sa part time job ko.

"Good evening. Thank you for waiting here's your order of Braciola Di Maiale and Mint Apple Cooler." sabi ko at inilapag ko sa table ng customer ang order niya at nagulat ako ng bigla ako nitong batiin.

"Y-yu? Este Eugene?" anong ginagawa niya dito? Hindi ko kasi napansin na siya pala iyan dahil nakayuko siya at busy sa pagkalikot ng cellphone niya.

"Oh parang gulat na gulat ka na nandito ako? Am I not welcome?" binigyan niya ako ng isang ngiti na nagpailang sa akin.

"H-hindi naman. Hindi ko lang napansin na ikaw pala iyan. Sorry."

"No worries. So, dito ka pala nagtatrabaho?" tumango ako at pasimple siyang pinagmasdan. He really seems familiar to me habang tunatagal kaya lalong lumalakas ang kutob kong baka nga siya si kuya Yu.

"Then I should go here more often. Lately kasi parang madalas kang tumanggi sa mga lakad na aya ko kasama si Shane. Akala ko nilalayuan mo ako but now I know na busy ka dito sa trabaho mo. Buti nalang pala at dito ako nagpunta dahil kung hindi, hinahanap pa rin kita kung nasaan ka man." sabi niya pero hindi ko masyadong narinig yung huli dahil sa biglang pagbati ng iba kong kasama sa pumasok na customer.

"Ah sige, Yu. Balik muna ako sa trabaho ko." yumuko ako at nakita ko ang kakaibang ngiti na ibinigay niya sa akin.

Napabuntung-hininga ako ng makapasok ako sa employee's room at napahawak sa dibdib ko na tumitibok ng mabilis. Paano na? Ngayong alam niya na kung saan ako nagta trabaho ay sureball akong dadalasan niya ang pagpunta dito dahil kung siya talaga si kuya alam ko kung gaano siya kakulit pagdating sa akin or baka naman nagbago na siya?

"Talaga? Meron na naman?" dinig kong sabi ng katrabaho ko na kapapasok lang ng kwarto kung nasaan ako at may dalang mga platong hugasin kasabay ang isa pa naming kasama.

"Oo. Kaya mag ingat at ikaw na rin Iden."

"Ha? Saan?" inabot ko ang kalahati sa dalang hugasin at in-open ang sink para tumulong sa paghuhugas.

"Du'n sa pumapatay ng mga estudyante. Actually, natatakot nga ako minsan umuwi ng mag isa after ng mga nabalitaan ko kasi ang sabi wala namang trace ng similarities ang pinapatay nung killer bukod sa sinusundan niya ang nga victim na parang stalker at . ."

"At ano? Tuloy mo bago ka pa tawagin sa labas para magdala ng order." saad ng kasama ko na katabi ko sa sink na naghuhugas ng pinggan.

". . ginagahasa niya bago patayin."

Napalunok ako sa narinig ko dahil hindi ko alam kung kikilabutan ba ako dahil iyon din ang narinig ko sa mga estudyanteng taga ibang university kanina.

"Tanga. May similarities."

"Sige nga, ano?"

"Sabi ng kakilala ko, yung mga pinatay nung killer or stalker ay mga lalaki regardless kung straight or bakla."

"Baka naman babae yung killer?" sabat ko sa usapan kasi pwedeng mangyari iyon lalo na kung yung killer is may hatred towards male.

"Nah. Impossible."

"Ha? Paanong impossible? Eh di ba may mga lalaki din namang ginagahasa ng babae out of their will?" merong ganun lalo na kapag lasing. Ano bang tawah du'n? Napikot?

"Meron nga pero sabihin mo nga sa akin kung paanong magkakaruon ng semilya yung butas ng pwet ng iba sa mga lalaking pinatay? May babae bang may lawit?"

Natahimik ako sa sinabi ng kasama ko dahil bigla akong na-awkwardan sa pinaguusapan namin and to think na nasa labas lang si Yu na customer nitong cafe na pinagta trabahuan ko. Ah, fuck. Naalala ko na naman yung nangyari sa pagitan naming dalawa. Napakagat ako sa labi ko.

"Bakla siguro yung killer?"

"O baka naman nagahasa siya before ng bakla at gumaganti siya sa kung sino ma-tripan niya?"

Hinayaan ko nalang ang dalawa kong kasama na mag usap at hindi na ako sumali pa dahil sumama ang pakiramdam ko sa usapan nila.

"Sige, una na ako." paalam ko at lumabas sa backdoor ng cafe ng may makita akong gray na kotse sa di kalayuan na may lumalabas na usok mula sa gilid ng bintana nito. Napalunok ako. Simula ng magtrabaho ako dito tuwing out ko ng 11 pm ay nakikita ko itong kotse na ito pero hindi ko pa nakita ang hitsura ng driver dahil kahit nakababa ang bintana nito ay nakapatay naman ang ilaw sa luob. Hindi ko nalang ito pinansin at dumiretsong uwi na at bago ako tuluyan na makarating ng bahay ay pumasok ako sa luob ng convenient store para bumili ng makakain ko for dinner.

"Ai." napapitlag ako sa tumawag sa akin at ng lingunin ko ito ay nagulat akong si Yu ang sumalubong sa akin. Akala ko umuwi na ito dahil hindi ko na siya nakita ng mag out ako.

"Ikaw pala kuya Yu." sabi ko habang tumitingin sa rack ng pwede kong bilhin dahil naiilang ako tumingin sa kanya dahil sa naging usapan namin ng mga katrabaho ko per shit. Bakit ko siya tinawag na kuya? Gahd.

"Kuya?" ngumisi siya at bumulong sa tenga ko, "Sarap namang pakinggan mula sa labi mo."

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at kumuha ng tatlong noodles pack at lumakad papunta sa counter. Shit. Bakit niya ginawa iyon?

Habang kinukuha ko ang pambayad ko sa bulsa ng pants ko ay may nagbayad na ng pinamili ko para sa akin.

"Sorry. Natakot ba kita?" tanong niya habang hawak ang mga kinuha ko na binayaran niya.

"Medyo."

"Sorry. Ang cute mo kasi tignan ng tinawag mo akong kuya at may naalala din ako sa ginawa mong iyon."

"Anong naalala mo?" bakit interesado akong malaman?

"Wala. Saka nalang. Sige, una na ako kasi baka naaabala na kita. Ingat ka, Ai." binigay niya sa akin ang hawak niya at ginulo ang buhok ko bago siya lumabas ng convenient store at pumasok sa kotse niyang kulay pula.

Hindi ko namalayan na napahawak na rin ako sa ulo ko at naka ngiti akong umuwi ng bahay sa hindi ko malaman na dahilan.

------------------------------------------------------

A|N:

Posted: February 17, 2019 at 4:30 AM

Malapit na ba matapos ang kwento? Sadly, yes. I have few chapters to go before it ends and ano kaya ang magiging ending nito? Happy or Sad?


'Til next update. Stay awake and aware!

A BEAST IN DISGUISE (BL)Where stories live. Discover now