Chapter 15 "Love Drunk"

681 19 6
                                    

A/N:
Happy 1k reads readers! *putok fireworks!* Hahahaha

CHASE'S POV

"Sasaktan sino?" nanigas ko sa kinauupuan ko ng marinig ang boses ni Brook. Napaharap ako sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo niya.

"A-ahh. W-wala girl. Tinatanong ko lang si Fafa Lance kung s-sinetch ang jowa niya. T-tapos yun nga.. sabi niya, w-waley daw. At k-kung sino man daw ang magiging jowabels niya, eh h-hindi niya daw sasaktan. He-he. " bigla naman lumiwanag ang mukha ni Brook.

"Ahh. Alam mo kasi tong si Lance, eh never pa daw na inlove. Maraming flings yan. Pero yung girlfriend talaga? Naku.. wala!" sabi pa niyang tatawa-tawa. Pero kahit ganun ang tawa niya, mababakas mo parin ang lungkot. May gusto ba siya kay Lance?

Parang piniga naman ang puso ko sa naisip.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang minuto. As usual, tungkol na naman kay Lance. Pero nagpaalam narin ako pagkatapos. Ayoko ng marinig ang kahit ano tungkol sa Lance na yun.

***Kinabukasan***
"Uy Brook! Tulaley ka diyan?!" pag-aagaw ko ng pansin niya. Eh kasi naman kanina pa ako kwento ng kwento dito tapos siya nakatulala lang. Andito kasi kami ngayon sa cafeteria habang hinihintay sina Jas.

"O-oh? W-wala to. May iniisip lang." sabi niya. "Oh! Andiyan na pala sila eh." turo niya sina Alex na palapit sa table namin.

Sa wakas at nagpakita rin! I wonder kung galit parin ba sila sakin. Sana hindi na.

"Hi Brook. Hi Ch-chasey!" bati nila samin.

Umupo sa tabi ni Brook si Jas habang pinagitnaan naman ako nina Lala at Alex.
"Kamusta? Tagal niyong di nagpakita ah." ani ni Brook habang nginunguya ang french fries na kinakain niya.

"A-ah kasi.. busy lang sa mga majors namin. Tsaka madami rin kasi kaming p-projects." kahit kailan talaga obvious tong si Lala magsinungaling. Mabuti nalang at hindi naman napansin ni Brook yun. Tumango lang siya at pinatuloy ang pagkain.

Patuloy lang kami sa pagkwentuhan at biruan ng biglang magsalita si Brook na ikinabigla ng lahat.

"Bar tayo mamaya!"

Nagtinginan kaming apat bago tumingin sa kanya.

"Anong esperito ang sumapi sayo at nagyaya ka?" takang tanong ni Jas sa kanya.

"Wala lang. Feel ko uminom ngayon eh. And besides, saturday bukas. Walang pasok. Sige naaaaa. Please?" at nag puppy eyes pa siya.

Gosh. She's so cute!

Napabuntong hininga nalang ako at tumango.

"Yea sure. Parang feel ko nga rin maghanap ng papabels ngayon eh.  Hehe." sabi ko pa.

Wala naring nagawa ang tatlo at pumayag narin.

**Sa bar**

8PM na nang makarating kami dito sa The Cove. Nag dinner pa kasi kami sa bahay nina Brook at saka dumerecho na dito.

"Waiter. Tequila please." tawag ni Brook sa waiter.

Nagulat kaming lahat dahil hindi naman kasi hard drinker tong si Brook. Pero pinabayaan nalang rin namin.

T-ice lang ang inorder ko dahil ayokong malasing. Baka mamaya masabi ko pa nang wala sa oras kay Brook ang lahat.

Lumipas ang isang oras na puro tawanan at biruan ang ginagawa namin. Kaya hindi namin napansin na natamaan na pala si Brook.

I fell in love with my Gay Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon