Chapter 24 "Date Me"

445 12 0
                                    

"Btch" I murmured.

Agad naman akong tiningnan ng masama nung Andrea.

"What did you say?!" Sigaw niya. Aba. Attention seeker ang lola niyo. Gustong-gusto na tinitingnan siya. Umismid lang ako.

"Ah wala. Ang sabi ko, ang ganda naman ng upuan mo. Mukhang komportableng-komportable ka eh." I said sarcastically sabay taas ng kilay.

Nagulat kami ng biglang tumayo si Chase dahilan para mahulog yung harlot. Take note. Yung pagkahulog niya is una yung mukha. Ibig sabihin nag french kiss sila nung tiles. Mabuti nga at tiles eh. Ano pa kaya pag putikan?

Ako, napipigil ko pa yung tawa ko kahit parang sasabog nako eh.

Pero etong si Jas eh walang pag-aalinlangang tumawa.

"BWAHAHAHAHAHHAHAHAHA!! Damn. Sakit ng tiyan ko. BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA" Tawa niya.

At dahil dun, di ko narin napigilang tumawa. Actually lahat kami tumatawa. Including yung mga nakakita sa ibang table. Kahit nga si Chase eh halatang pinipigilan lang tumawa. Tumingin siya sa taas at kinagat ang labi. Obvious namang pinipigilan lang.

Tumayo yung harlot at tiningnan kami ng masama.

"You'll pay for this!" Matinis na sigaw niya. Kulang nalang magtabon kami ng tenga eh.

Bigla namang kinuha ni Jas ang wallet niya at naglabas ng pera.

"Magkano?" Mapang-asar na tanong niya.

"Bwahahahahahahahahahahha!" Ayoko na! Ayoko na talaga! Sumasakit na tiyan ko. Kahit si Chase eh hindi na napigilang tumawa.

"Argh! I hate all of you!" Gigil na sigaw niya sabay walk-out. Habang kami eh tumatawa parin na parang walang bukas.

"Same to you!" Ganting sigaw ni Jas.

Grabe. Naluluha na ako sa kakatawa.

"Damn. That was epic." Sabi ni Law sabay tawa ulit.

"Have you seen the look on her face? Priceless!" Tawa rin ni Jas sabay pahid ng luha. Grabeng babae yun. Daig pang pinanood kami ng comedy eh.

"Wahahahahahahahahahahahahahahahahahahaha!! Dame kong tawa. Mga bente!" Exagg naman na tawa ni Lala sabay padyak ng paa. 

Sina Franco at Bryle eh tawa rin ng tawa. Habang si Lucas naman eh ngumingisi lang. Yung totoo! May bayad ba pag ngumiti ang taong to? -_-

Habang tumatawa kaming lahat, nahagip ng mga mata ko ang tumatawang si Chase. Di ko alam kung anong kaluluwa ang sumanib sakin para magustuhan ang tawa niya. It's like a music to my ears. So genuine. Parang may kung anong humaplos sa puso habang nakikita siyang tumatawa.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapatingin siya sakin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

"Titingin-tingin mo diyan?!" Singhal ko sa kanya. Pero yung bakulaw hindi man lang natinag. Ngisi parin siya ng ngisi.

"Ayeeeeeeeeeeee!" Nagulat pa ako ng bigla akong sundutin ni Lala sa tagiliran. I gave her my famous death glare. Nitong mga nakaraang araw kasi eh palagi nalang ako naka death glare eh.

"Heh! Magtigil ka nga Lalaine Mich! Kakalbuhin talaga kita. Nabibwisit pa naman ako kay Mich ng Jamich." sigaw ko.

"Meron ka, Brook?" seryosong tanong Franco. Pag-untugin ko kaya tong dalawang to. Dali-dali ko ng sinukbit ang bag ko at nagmamadaling lumabas ng cafeteria. Ewan ko pero naiinis parin ako sa harlot na yun. Lakas maka-kandong eh. Tapos yung damit niya. Pwe! Naghihirap ba siya para kulangin ng tela ang damit niya? Naging ex daw yun ni Chase. Oh eh ano naman? Psh.

I fell in love with my Gay Bestfriend (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon