Chapter 27 "Sweet Revenge"

132 3 0
                                    

BROOK'S POV

Dali-dali akong pumunta sa paanan ng kama at binuksan ang cute kong maleta. Kumunot ang noo ko. Langya! Ano to?!

Napatingin ako sa mga nakatuping mga damit. Puro sando at short shorts. Wala akong makitang medyo disenteng damit! Nak ng tipaklong naman oh! I'm sure pinlano talaga ng mga bruha kong kaibigan to. Sana ako nalang ang nag-empake! Bakit ko pa kasi ipinagkatiwala sa kanila yun.

Reminder: Wag na wag niyong hayaan ang mga kaibigan niyong mag-empake para sayo.

Tapos puro pa bikini. Mga lima ata ang mga bikini dito. Tsk

Nagdadalawang isip pa ako kung itutuloy ko pa ba yung plano ko. Pero what the hell! Maganda at makinis naman ako. Wala naman siguro silang maipipintas sakin?

Pumunta na akong banyo bitbit ang bikini kong itim. I stared at myself in the mirror.

"Yan, Brook. Ipakita mo yang makurba mong katawan. Eeehhh. Excited na akong makitang maglaway ang bakulaw na yun. Kala niya ha! Atleast yung sakin orig. Yung sa dalawang pugita, halata namang fake." Sabi ko sa sarili ko.

Kahit medyo ang weird sa feeling na naka bikini kasi para ka naring naka hubad. Pero okay lang naman siya. Maganda namang tingnan sa akin eh. Pa halter style ang top kaya mas na define yung shoulder ko. Maganda naman katawan ko eh. Hindi lang talaga ako mahilig ibalandra.

Nagsuot parin naman ako ng sando at short shorts. Kinuha ko ang rayban ko at lumabas na ng kwarto.

Naabutan kong nagva-volleyball ang mga boys kasama sina Lala and Alex. Habang si Jas naman nakaupo lang sa dagat at nakabusangot ang mukha. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.

Ahhh. Kaya naman pala. Nakikipagharutan kasi si Law sa isang unggoy. Baka naman nagseselos itong nagmamaganda kong kaibigan.

"Hey, Brook!" Narinig Kong sigaw ni Alex. Napatingin ako sa gawi nila at nakita ko silang paparating sa kinaroroonan ko.

"Tapos na kayo?" Tanong ko.

"Yep. Kanina pa kasi kami naglalaro. Kakapagod. Woo" sabi naman ni Franco.

Napatingin ako Kina Bryle, Lucas at Franco. Ngayon ko lang napansing naka topless pala sila. Waaa.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin ng makitang nakangisi si Bryle sakin. Shocks. Baka nakita niya akong nakatitig sa mga 8pack abs nila. Pasimple ko namang pinunasan ang gilid ng labi ko dahil baka may tumulo ng laway di ko lang napansin.

"Oh Brook? Di ka magsi-swimming?" Takang tanong ni Jas na nakalapit na pala samin. Actually pati ang ddalawang pugita at si Law.

Ganun rin si Law. Maglalaway ka rin sa katawan niya. Pero hindi siya kasing laki nina Lucas. Katamtaman lang yung katawan niya.

Naputol ang pagmamasid ko sa pandesal ni Law ng may humarang dito. Napalunok ulit ako. Di ko na kinakaya to. Napapaligiran ako ng mga pandesal. Pengeng kanin. May ulam na oh.

"Don't look." Mahinang sabi ni Chase. Enough for both of us to hear. Napatingin ako sa mukha niya. Pababa sa leeg niya hanggang sa dibdib niyang mamasa-masa. I was fighting my urge not to look down. Pero wala eh. Nanaig ang pagka manyakis ko kaya tinuloy kong tumingin sa katawan niya.

Putengeness!! Gusto kong magmura. How can this guy be so hot and gorgeous at the same time?! Grabe ang katawan! Di ko pa to nakita before nung bakla pa daw siya. Ngayon ko lang nasilayan ang tinatago niyang tinapay.

"Oh ano na Brook?" At dun lang ako napabalik sa aking ulirat ng magsalita si Lala. I owe you this one, Lala.

"Um. A-ano.. Um. M-mamaya na." Mygad! Para Kang tanga Brook! Wag kang mabulol diyan! Ano ka, kinder?! Lech!

"Bakit mamaya pa? Ngayon nalang para sama-sama tayo." Kumunot naman yung noo ni Alex. Tangna. Gusto ko nalang mag back out. Name-mental block kasi ako sa nga pandesal na nakapaligid sakin.

"What are you afraid of, Brook? Siguro marami kang peklat kaya ayaw mong mag swimming." Sabat nung Venice at nagtawanan sila ng kambal niya. Ang sarap nilang pagbuhol-buhulin at ibalik sa sinapupunan ng nanay nila. Nakakabwisit yung pagmumukha nila eh.

Akmang magsasalita si Jas, pero pinigilan ko ito. Ayokong pati siya madamay sa nga insecurities nila sakin.

Tiningnan ko lang silang dalawa. Nakangisi parin sila na parang asong ulol.

Sige. You want war? I'll give you war!

I smirk.

Una ko kong hinubad ang shorts ko at next yung sando ko. Dahan-dahan lang ang paghubad ko ng sando para feel na feel nila.

Nakita kong nawala ang ngisi nila habang nakatingin sa katawan ko habang si Chase naman ay di maipinta ang mukha. Oh ano ngayon?!

May narinig naman akong sumipol at tawanan.

"Woah! I never knew you could be this hot." Manghang sabi ni Bryle. Uminit yung pisngi ko. Nahiya naman daw ako.

"Wooo sexy!" Sigaw naman nina Jas, Lala at Alex. Mga baliw talaga.

"Halika na nga!" Aya ko sa kanila. Napatingin ako sa gawi ni Chase and I saw him clenched his jaw. Ano ka ngayon bakulaw!

Lihim naman akong napatawa ng makitang parang sinuklaban ng langit at lupa ang dalawang pugita.

Agad kaming nagtakbuhan papunta sa dagat at lumusong sa tubig. Grabe ang ganda talaga dito. Ang sarap ng tubig.

Maya-maya nagsisunuran narin ang mga boys except Chase na nakaupo lang sa ilalim ng umbrella.

"Hoy! Anong drama mo ngayon at nag two piece ka?" Natatawang tanong ni Alex.

"Nothing. Just want to give them a show." I shrugged my shoulders.

"O baka naman gusto mong ipamukha kay Chase na you're way hotter than those two barbie wannabe's?" Sabat naman ni Lala na may pang-aasar na tono.

"And what do you mean by that?" Sabi ko at tinaasan sila ng isang kilay.

"Oh nothing really, Brook." Sagot naman ni Jas with matching kumpas ng kamay. "Wait. Naamoy niyo ba yun guys?"

Takang napatingin naman ako sa kanya since wala naman akong naamoy.

"What?" Nagtatakang tanong rin ni Lala.

"I smell jealousy!" Sigaw ni Jas at sinabuyan ko siya nang tubig. Nagtawanan lang kami at naghabulan sa tubig na parang mga bata.

Oh, how I missed this. Yung wala kang iniisip. Yung walang problema. Napuno kami ng tawanan at asaran ng may mahagip ang mata ko.

Isang pares ng mata na nakatingin sakin. Those intense eyes na parang pag titingnan mo para kang nahihipnotismo. Those pair of orbs that I love to stare at.

Chase, just what the hell are you doing to me?

Author's note:

Me is back! Did anyone miss Brook and Chase? Haha. It's been what? 48 years since I last posted an update. Right? Hahaha. Anyway, salamat sa mga walang sawang nag abang ng storyang to. I owe you this one guys. Loveyou!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I fell in love with my Gay Bestfriend (ON HOLD)Where stories live. Discover now