Chapter 18 "Love is in the air"

592 28 3
                                    


Dedicated to XxLyn08xX Thank you po!! ;) Comment sa baba kung gusto niyo ng dedications!

***************

CHASE'S POV

 

"So, sino sa inyo ang boyfriend ni Chasey?"

Halos mabilaukan ako sa biglang tinanong ni Brook. Actually, lahat kami. Tiningnan ko ang mga kolokoy na nanlalaki ang mga mata tapos parang diring-diri pa. Pagsisipain ko to eh.

"So?" napatingin ako kay Brook at nakita ko rin siyang nakatingin sakin na parang naghihintay sa sagot ko.

"Ah-eh. Ano kasi. W-wala naman akong b-boyfriend, girl. You know na.. Concervative." I fake a laugh. Nakisabay rin ang mga ugok na halatang pilit rin ang tawa. 

"Ha-ha-ha. Oo nga naman Brook. Di kasi kami pumapatol sa bakla eh." sabi naman ni Bryle. At dun na sila nagtawanan. Including Brook. Yung totoong tawa na.

"Ahh. Ganun ba. Mabuti naman kung ganun. Baka naman kasi may boyfriend siya sa inyo tapos hindi niya sinasabi samin." Sabi niya nang nakangiti. 

"Don't worry Brook. Hindi nagbo-boyfriend yang si Chase." sabat naman ni Law. Kahit mga ugok lang ang mga ito alam ko naman na hindi nila ako ilalagag. "So? May class pa ba kayo after this? Mall tayo? Kayo lang kasi ang friends ngayon namin dito eh." at nag puppy eyes pa ang loko.

Napatingin kami kay Jas ng bigla siyang umismid. "Eh anong tawag niyo sa mga fangirls niyo kuno? Bakit hindi sila ang kausapin niyo?"

"Bakit? Selos ka?" sagot ni Law na sa tono nang-aasar.

JAS' POV

Wow! Sobrang wow! Ang kapal naman ng apog ng lalaking to. Ako magseselos?! Hell no! Akala mo naman kung sinong gwapo. 

"Hoy lalaking palaka na tinubuan ng mukha! Ako'y wag mong sagarin, dahil pag ako'y napuno ipapakain kita sa pating." napatawa ako kasi nagra-rhyme lang sinasabi ko. Muha akong nagfi-fliptop. 

"Kung ako mukhang palaka ano nalang ikaw? Mukha ka lang namang aso na may cross breed na kalabaw!" sagot niya with matching kumpas-kumpas ng kamay na animo'y nagrarap talaga. 

"BOOM!" sabay na sabi ng iba at nagtawanan pa. Lalo na tong bakla kuno na si Chase. Pag nalaman ni Brook na nagpapanggap lang siya siguro hindi na siya makakatawa ng ganyan. Kalbuhin kita Chase ha. Walang utang na loob! ahhaha

I clenched my fist. Sinusubukan talaga ako nitong palaka na to!

"Wow! Ang ganda ko namang kalabaw! Ang kaagandahan ko ay umaapaw. Habang ikaw, sa sobra mong kapangitan, ang mukha mo hindi na makilala sa malapitan. Para kang kutsara na tinunaw na linamukos na inarawan na dinumugan na binalatan ng sandamakmak na langaw!" hinihingal na sabi ko. Feel na feel ko ang pagiging rapper ngayon. Bwahahaha.

Hindi ko maintindihan kung naiinis ba o naaammuse ang hitsura niya. Para siyang matatae na ewan. Hahaha.

Akmang magsasalita pa sana siya ng pinigilan siya ni Franco. 

"Tama na Dude. Talo ka na oh." at nagtawanan kami lahat. Ha! Take that! Binelatan ko lang siya ng tingnan niya ako ng masama.

LAW'S POV

Bwisit talagang babae to! Kung makalait sakin akala niya kagandahan. Eh mukha naman siyang kalabaw. Hindi ba niya alam na etong mukhang to eh kinababaliwan ng mga babae?

"Bwisit kayo! Halika na nga!" tumayo na ako at pumunta na sa parking lot. Sumunod naman sila at nagtatawanan pa. Badtrip! May araw ka rin sakin na kalabaw ka.

"Dalawang sasakyan nalang ang gagamitin natin para maka tipid sa gas. The more the merrier." Sabi ng ugok na Franco. Ang kuripot talaga niya kahit kelan.

"Kay Chase lang at kay Law ang gamitin natin." Sabi ni Lucas a nag-unahan na sina Alex at Brook pasakay sa sasakyan ni Chase. Kasunod naman sila kasama sina Chase, Bryle at Franco.

"Saan ako sasakay? Ayoko sumakay kasama ang isang palaka!" Sabi pa ni kalabaw with matching padyak ng paa.

"Aba edi lumakad ka! Arte mong kalabaw ka!" pumasok na ako sa driver's seat and started the engine.

Akmang bubuksan na ni Lucas ang pintuan sa shotgun seat ng bigla siyang hinigit ni Lala at sapilitang ipinasok sa backseat. Close sila?

Padabog namang pumasok ang kalabaw sa backseat. Kumunot ang noo ko.

"So? Pagmumukhain niyo ako ditong driver ganun?!" singhal ko sa kanila. Nilingon ko sila at nakita kong nakabusangot ang mukha ni Lucas habang pilit naman pinipilit ni Lala si Jas.

"What? No!" pero napilitan rin siyang buksan ang pinto ng bigla siyang pagsisipain ni Alex.

Umiling-iling nalang ako. Pumasok naman siya sa shotgun seat at malakas na sinara ang pinto.

"Hey! May plano ka bang sirain itong kotse ko?!" sabi ko sa naiiritang tono. 

"Just drive!" Singhal naman niya. Abat! Siya pa may ganang magalit. Mga babae talaga!

Tahimik lang akong nag drive at tahimik rin ang katabi kong kalabaw. Napatingin ako sa kanya ng in-on niya ang radio. Psh. Di man lang nag paalam.

(play the multimedia on the right -->)

LALA'S POV

"Ahhhhh!!! I love that song!" sabi ko sabay hug kay Lucas my loves dito sa tabi ko.

"Pwede ba!" sabi niya tapos tinulak ako.

"Eeeehhh! Ang cute cute mo talaga!!" sabay pinch sa makinis niyan pisngi. Kyaaaaaaaaaa!!! He's soooo cute talaga!! Una ko palang siya nakita alam kong siya na ang itinadhana sa akin. Chos! Hahahaha. 

"Tanggalin mo nga yan!" gaaaaa! Kahit nakasalubong ang kilay niya ang gwapo niya pa rin! Sa sobrang ka cutan niya parang gusto ko na siyang kagatin. Rawr

"Araaaaaaaay!!!" oppsieee

"Ay! Sorry Babes ha? Di ko alam na tinotoo ko pala yung iniisip ko. Kasi naman eh. Ang cute cute mo kasi!" kakagigil talaga siya. Grrr. Yung biceps niyaaa. Damn! Tutulo po ang laway niyo. 

"Umusog ka. Ayokong makatabi ng baliw." sabi niya tapos tumingin na sa labas habang hinihimas ang parteng nakagat ko. Eeehh.

"Ayaw ko! Sabi ni Mommy, chase your dreams daw. Alam ko na ngayon kung ano ang pangarap ko. At ikaw yun!" sabi ko with matching pacute.

"Pwede ba tumigil ka? If this is some kind of a game then I won't buy it." inirapan niya ko. Goshh!!!! Heaven na sakin ang irap niya.

Sinabayan ko ang favorite kong kanta na tumutugtog.

"If this isn't love

Tell me what it is, cause i can be be dreaming and just plain crazy

If this isn't love
Tell me what it is, cause I never felt like this baby"

with matching haplos pa sa braso niya. hihi. Libre chansing!

"Aish!" singhal niya sabay gulo ng buhok niya. 

Narinig ko namang nagtawanan ang dalawa sa harap. Nagkatinginan sila at sabay ring nagbawi ng tingin. 

Love is in the air!! <3

*************************

Author's Note: (Please Read)

Thaaaank you po sa mga walang sawang sumusuporta sa IFILWMGB. Naiisipan ko na po talaga tong i-stop. Kaya lang nagsilabasan naman ang mga readers kaya ginanahan ako. Medyo nadisappoint lang ako sa last chapter. Huhu. Please share niyo naman po itong story natin sa iba para maraming reads and votes. Okay lang pag hindi niyo na ako ifollow. Bast may bumabasa lang ng story ko, accomplishment ko na yun. :) Give me 20 votes para maipatuloy ko. 

Hugs&Kisses,

I fell in love with my Gay Bestfriend (ON HOLD)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum