Nandito ako sa bahay nya at kaya ako nandito dahil nakita ko na sobrang dilim ng bahay nya mula ng magbrown out kanina. Nandito ako para dalhan sya ng ilaw. Madalas kasi ang brown dito saamin at tumatagal yun ng 2 oras bago bumalik yung kuryente o kung hindi naman kinabukasan na ulit bumabalik.

"Oh!" Bigay ko ng flashlight sakanya.

"Anong gagawin ko dyan?"- Llander.

"Edi ipang ilaw mo habang wala pa yung kuryente. Baka mamaya pa yun bumalik. Uuwi na ako."- Zandy.

"Hindi ka pweding umuwi. Dito ka lang! Pag bumalik na yung kuryenta saka ka umuwi.!" - Llander.

Hindi naman ako sumagot at tinignan ko lang sya. Maya maya pinatalikod nya ako.

"Mauna ka maglakad. Samahan mo ako papuntang kwarto. "Sabay hawak nya sa laylayan ng damit ko. Nilingon ko naman sya at tinignan.

"Oh! Ano pang tinitingin tingin mo?! Lakad na!"- Llander.

"Bakit ba ang sungit mo?Hindi ka ba nakakapagsalita na hindi galit?" -Zandy.

"Lumakad ka na kasi!" -Llander.

"Oo na! Sige ituro mo saakin kung saan ang kwarto mo."- Zandy

Tinuro nya naman sa taas at naglakad nga kami na ako yung nasa unahan habang nasa likod ko sya at nakahawak sa damit ko.

"Asan ba kasi si Mang Pedring? Bakit hindi ka nya pinuntahan."- Zandy.

"Wala, pinalayas ko."-Llander.

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap ko sya. "Ha?! Bakit mo ginawa yun?"

"Sinabi ko bang magtanong ka?! Maglakad ka na nga lang.!" Pagsusungit nya saakin.

Napabuntong hininga na lamang ako at nagtuloy sa paglalakad patungong kwarto nya.

"Oh Jan ka lang maupo ha! Wag kang didikit saakin." -Llander.

Pinaupo nya ako sa isang bangko malapit sa kama nya tapos naupo sya sa kama nya.

"Wag mo papatayin yang ilaw." - Llander.

Pumasok sya sa kumot nya saka nahiga.

"So anong gagawin ko dito? Babantayan kita?" - Zandy.

"Mismo! Young Master ako kaya hindi mo ako pweding iwan. Wag kang mag alala babayaran ko yung oras na i'stay mo dito. 500 per hour." -Llander.

"500 per hour?!" Gulat na tanong ko sakanya.

Magbabayad sya saakin ng 500 per hour para lang samahan sya.

"Oo! Ayokong magkaroon ng utang na loob sayo o kahit na kanino kaya babayaran kita sa serbisyo mo. ! " - Llander.

"Hindi mo naman kailangan magbayad ng oras para lang samahan ka. Willing naman ako samahan ka at ibigay ang oras ko sayo." -Zandy

"Anong sabi mo?! Hoy! Miss--"

"Zandy"- Putol ko sa sinasabi nya.

"Whatever! Hindi ako interesado sa pangalan mo! Saka wag mo nga ako akitin kasi hindi ka kaakit akit. Wala ako kainte interes sayo kahit konti.!"- Llander

"Hindi kita inaakit at hindi ko din iniisip na magkakainteres ka saakin."- Zandy

"Mabuti naman kung ganon.!"- Llander.

"Sige. Bayaran mo oras ko ha." -Zandy.

"Sabi ko na nga ba mukha ka din pera!" - Llander.

"Oo na! Mukha na akong pera! Mayaman ka naman diba? Mahirap kasi ako kaya kailangan ko ng pera. Kayang kaya mo naman ako bayaran para sa serbisyo ko hindi ba?" -Zandy.

THE BILLIONARE SON  ( COMPLETED )Место, где живут истории. Откройте их для себя