“Hi!” patakbong lumapit sa kanila ang isang cute na babae na nakasuot pa ng pangschool uniform, “Are you Nanay Inday’s daughter? I’m Myleen, nice to meet you. “

            “Alam mo ba excited na excited kang makilala ng anak kong ito, palibhasa kasi gusto niyang magkaroon ng kausap dito sa bahay. Pagpasenyahan mo na iha, kung paminsan-minsan ay lagi kang kukulitin ng anak kong ito.”

            Tumango si Emy, “Okey lang po yun, sabik naman din po akong magkaroon ng kapatid na babae.”

            “Wow, that’s great. Teka can I call you Ate Emy?”

            “O-oo naman.”

            Mahigpit siyang niyakap ni Myleen, “Wow, thanks! Magkakaroon na ako ng ate!”

            Napangiti si Emy kay Myleen. Mukha ngang tama ang kanyang ina, napakasweet na teenager ni Myleen.

            “Asan po si Senator?” tanong niya kay Zeny, “Gusto ko po kasing personal na magpasalamat sa kanya sa pagbibigay niya sa akin ng scholarship. Sobrang malaking tulong po talaga ito sa amin ni Inang.”

            “He’s in the Senate right now, pero don’t worry, mamaya lang ay andito siya. We prepared a special dinner as our welcome treat for you.”

            “Naku mam nakakahiya na po.” ang sabi ng kanyang ina kay Zeny.

            “Don’t mind it, Rosa, masayang-masaya lang talaga kami at may bago tayong makakasama sa bahay.” Ang sagot ni Zeny sa kanya.

            “So HRM ang kinukuha mo?” ang tanong ni Senator Francisco De Silva, isang magaling at tanyag na senador ng bansa. Ilang beses na itong naging cabinet member ng mga nakaraang administrasyon at dahil sa di matawarang galing at magandang imahe ay nanguna ito nong nakaraang eleksyon sa pagiging senador.

            “Opo.”

            “Siguro gusto mo ring mangibang bansa katulad ng iba.”

            “Sa ganong paraan po kasi kami makakaahon sa kahirapan ni Inang.” At ningitian niya ang kanyang ina na kasalukuyan kasabay nilang kumakain kasama ang pamilya ng Senador.

            Napailing ang Senador  “ Hay, maganda sana kung dito ka maglilingkod sa sarili mong bayan, pero ano bang magagawa natin? Hindi rin naman namin masisisi ang mga Filipinong gustong mag-abroad, mahina talaga ang kita rito sa Pinas at minsan pa, kung mamalasin ka ay wala ka talagang makikitang trabaho.”

            “Oo nga po.”

            “Sige iha, pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha. Ang pakiusap ko lang naman sayo iha ay wag mong sasayangin ang scholarship na ibinigay namin sayo. Isang malaking privilege din ang makapag-aral ka sa university na iyon.”

NINE MONTHSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora