Ika-Tatlumpu't Limang Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Totoo pala talaga ang pelikulang ginawa ni Jtarog. Paano naatim ng isang tulad ni Aguinaldo ang kanyang kasakiman. Napaka-wala niyang kwenta. Bakit ba naturingan pang isang Presidente ang tulad niya? Bakit sa libro, nakasaad doon na isa siyang bayani, na isa siyang magiting na Presidente? Hindi siya nararapat mapabilang sa titulo ng mga bayani.

Kasabay ng mga katanungang iyon ang muling pagkatok sa pintuan ni Aguinaldo. Aalis na sana ko ngunit napahinto ako ng makita ang hindi inaaasahang lalaki na pumasok mula sa pintuan ng Presidente. Muling napatakip naman ang bibig ko sa nakita ko.

Bakit nandito si Goyo? Anong ginagawa niya rito? Hindi bat pabalik na dapat siya sa Bulakan?

"Goyo." rinig kong sabi ni Aguinaldo. Tumingin namang muli ito kay Janolino at inutusan na itong umalis. "Maaari mo na kaming iwan, Pedro. Maraming salamat sa balita." muling sambit nito.

Sumaludo lamang ito at tuluyan ng umalis sa paningin ng Presidente. Tumayo naman si Aguinaldo at lumapit kay Goyo.

"Wala si Luna, Goyo." sambit ni Aguinaldo kay Goyo. Gumuhit naman ito ng pagkabigla kay Goyo.

Shiiiiit. Anong araw ngayon..
Bakit ang bilis ng mga pangyayari? Bakit pakiramdam ko marami akong nalaktawang araw?

"May nais akong ipatrabaho sayo, Goyong. Nais kong dakpin at dalhin mo sakin ang magkapatid na Bernal. Nasabi sakin ni Janolino na nagtatago daw ito sa tahanan ni Don Mariano Nable Jose."

Nable jose? Hindi bat iyon ang apilyedo ni Remedios? Ano ang koneksyon ng mga Bernal kay Don Mariano?

Nakatingin lang ng diretso si Goyo sa sambit na iyon ni Aguinaldo. "Nais kong pahirapan mo ang magkapatid na Bernal upang tumiwalag sa katapatan kay Luna. Isa pa, nagkasala rin sila sa batas dahil sa ilang pagsuway sa aking mga kautusan bilang Presiente."

"Ngunit Senor----." Tugon naman ni Goyo. Hindi niya na natapos ang bagay na kanyang sasabihin dahil muling nagsalita si Aguinaldo.

"Inaasahan kong susundin mo ang aking utos, Goyo. Malaki ang tiwala ko sayo."

Hinawakan ni Aguinaldo ang balikat ni Goyo bilang isang pahayag na ibinibigay nito ang tiwala niya kay Goyo. Wala narin namang nagawa si Gregorio kundi ang sumunod nalang, dahil bilang isang Presidente, marapat na sundin ang kanyang mga kautusan.

Huminga lang ng malalim si Goyo at tumugon narin sa sinabi ni Miong. "Cge ho Senor, masusunod po."

Ngumiti lang ang Presidente at hinayaan ng umalis si Goyo. Naginit naman lalo ang dugo ko sa utos na ito iyon ni Aguinaldo. Hindi na naman ako nakapagpigil sa inis na nararamdaman ko para sa Presidente kaya naman gumawa na ko ng paraan upang makapasok sa opisina ni Aguinaldo at lakas loob kong hinarap ito.

"Isa kang walang pusong nilalang Miong." galit kong tugon dito habang diretsong diretso ang tingin ko sa pagmumukha nito.

Napakunot naman ang noo nito, "At sino ka naman Binibini.? Sino ka para walang habas akong kausapin ng ganito. Hindi mo yata kilala kung sino ang iyong kausap." kalmadong wika niya.

"Hindi mo na kailangan alamin pa kung sino ako. Hindi mo ko kilala, pero ikaw, kilalang kilala kita. Isa kang walang puso at makasariling Presidente. Alam kong ikaw ang nagpapatay kay Andres Bonifacio at ngayon naman pati si Heneral Luna, pinapaslang mo rin. Isa kang hayop." mariin ko namang tugon dito. Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. Pinakalma naman niya kaagad ang sarili at tsaka palang sumagot.

"At paano ka nakakasiguro sa mga bagay na inaakusa mo sakin? Wala kang alam, at wala ka ng malalaman pa."

"Hindi mo habang buhay maitatago ang bagay na yan Señor, dahil sa huli, sayo padin mangagaling ang pagsisiwalat ng iyong katraydoran. Marahil ay hindi mo ito pagbayaran dito sa lupa, ngunit maghintay ka lang." pagbabala ko rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Bayani ng Tirad Pass (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon