Kabanata 19 part 1

5.1K 99 3
                                    

Nakakatawa!! I just cant held my self on posting. Well maybe because i want to end this story na. May bago po kasi akong story. And it is not a TBM series. It is a teen friction naman.

---------------------------------

Matapos niya akong iwan ay agad akong nagpunta kay Tita Sofia pero ang anak nitong si sofie ang naroon.

Kasalukuyan itong nag iimpake dahil papasok ito sa kumbento matapos ang ilang buwan pananatili sa bahay.

"hi" bati niya sa akin. "Ikaw pala, Ate Mabs. Wala si mama ngayon may inasikaso" tipid niyang sabi pero pansin ko ang pagiging matamlay nito.

"okay lang" lumapit ako sa kanya at tinulungan ito sa pagbuhat ng ilang maleta. "Ngayon na pala ang balik mo" tumango lamang ito at muling napatitig sa akin kung ano man ang iniisip nito ay hindi ko alam. Malalim ang mga mata niya halatang ilang araw ng hindi nakakatulog kung anu man ang dahilan ay hindi ko alam pero Malaki ang hinala ko na may kinalaman ang pagpasok nito sa kumbento at syempre si Andrew.

Si Andrew lang naman kasi ang unang tumutol ng magdesisyon si Sofie na pumasok sa kumbento at maging madre. Wala naman akong balak na usisain siya ngunit dahil likas ang pagiging pakialamera ko ay hindi napigilan ng talipandas kong bibig.

"Nag-usap na ba kayo?" tanong ko sa kanya. Tipid lamang itong nguniti sa akin at hindi na sumagot pa.

"ikaw ba ate, nag-usap na ba kayo ni kuya?" tanong niya bigla na siya namang kinagulat ko. Hindi ako sumagot bagkus ay binitawan ang hawak kong malita at umupo sa coach na nasa sala. Nakuta kongs sumunod ito sa akin at tumabi.

"Bakit alam mo?

"Isang buwan ko nang alam na dumating si Vivian, i dont know if nagkikita ba sila, but knowing Vivian. Hindi iyon titigil hanggat hindi nito muling nakukuha si kuya" i heard her sigh and look at the other side of the house. "kuya called me before you arrived. He cares so much about you, ate mabel. Sinabi nito yung nangyari sa inyo kanina. Sabi niya siguradong ditto ka agad pupunta para hanapin si mama, and he was right. For three years kilalang kilala nyo na ang isa't isa, especially him. He know every single things about you. He really know how you think. And he also know that you are hurting." paliwanag niya.

I let myself cry after hearing those words form her. Kilalang-kilala na namin ang isat-isa. Pero bakit ako hindi ko magawang paniwalaan na kilalang-kilala ko na siya. Somethings missing, parang may hindi tama pero at the same time hindi ko magawang i distinguish kung alin ang mali o may mali nga ba talaga?

"People get hurt and be hurted because they choose to. Nasasaktan ka kasi pinili mo, umiiyak ka kasi pinili mo, and of course naging masaya ka kasi you choose him. It is always a matter of choice. Look at me, I enter the covenant because I choose to. I hope you make the right choice" hindi ko na magawiaang tumitig sa kanya kasi halos manlabo na ang mata ko sa kakaiyak.

Sabihin nyo ng iyakin ako, ganoon naman ata talaga kapag si godfrey ang pinag-uusapa.Dalawa lang ang reaksyon ko, either iiyak dahil sa tuwa o iiyak dahil sa nasasaktan ako.

"ano ba dapat ang piliin ko. Kaligayahan ko o ang kanya?" wika ko sa pagitan ngaking pag-iyak

"Both" malumanay niyang sabi. "Because on the first place, kuya's happiness is you. Its always you ate mabel. Hindi sa pinangungunahan ko si kuya. I'm just stating what is obvious"

"pero, bakit niya ako iniwan at sumama sa hinayupak na vivian na iyon. It means mahal niya pa rin--" hindi ko na nagawang ipagpatuloy pa ang sasabihin ko ng bigla na lamang niya akong yakapin.

"Everything has a reason, kung bakit ginawa ni kuya iyon ay dahil mahal ka niya" kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at napatayo. Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Sinong lalake ang maiiwan ng girlfriend dahil lang nakita nito ang ex. Si Godfrey lang.!!

"that's absurd, kung mahal niya ako hindi niya ako iniwan at sumama sa babaeng iyon. Hindi niya ba naisip na baka masaktan ako, na baka kung anong isipin ko sa kanilang dalawa!" galit kong wika kay sofie.

"Ayaw kong magsalita because im not the right person to tell everything- pero one thing is for sure- mahal ka ni kuya at lahat ng ginagawa niya ay para protektahan ka." napakunot bigla ang noo ko.

He is trying to protect me? Saan? Kanino?

Tumayo si Sofie muling binuhat ang maleta na dadalhon niya pauwi kumbento. Ilang buwan na kasi buhat ng magpasya itong maging madre. "You love kuya, dont you?" tumitig ito sa akin at ngumiti. "if you love him, fight for him. Vivian is just his first love. Kahit sabihin mo pang first love never dies iba pa rin pag true love ang pinag-uusapan because true love always prevails. She was his first love but you are his true love. Just believe." hawak-hawak ang mga maleta ay palabas na ito ng bahay pero natigilan ito dahil sa hindi niya inaasahang tao. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha niya.

It was andrew, who handsomely standing in front of her. "so all this time, balak mo pa rin palang iwan ako!" mahinang sabi nito pero hindi nakalampas sa pandinig ko ang galit sa boses niya. Bigla akong napatayo at tiningnan si sofie- pero wala sa mukha nito ang papipigil.

"I already decided, wala kanang magagawa." nilagpasan nito si andrew at nagtuloy-tuloy sa sasakyan na maghahatid sa kanya sa kumbento upang maging ganap na madre. Ngunit agad na hinagip ni Andrew ang braso ni sofie na siya ko namang kinabigla.

"Dammit!!! Kailan ka ba titigil sa pagtakbo palayo sa akin. Ilang taon akong naghintay para sayo" mahigpit pa rin ang hawak ni Andrew sa braso ni Sofie pero binalewala lang ito ni sofie at hindi nagpumiglas.

"Hindi ko sinabing habulin mo ako. Ag lalong wala akong sinabi na maghintay ka. Andrew, mapapagod ka lang. Mapapagod ka lang mahalin ako so please... Let me go" tinanggal ni sofie ang kamay ni andrew na nakakapit sa braso nito.

I dont know about their story. I really dont know- ang alam ko lang they are in good terms before. Hindi ko alam kung in romantic way ba o ano man-pero seeing them like this siguradong may malalim silang pinagsamahan.

Lumakad papalayo si sofie habang naiwan lamang nakatayo si andrew. Akmang sasakay na sa sasakyan si sofie na muling magsalita si andrew.

"I never get tired of loving you! Alam mo yun. Kasi kahit anong pagod ng katawan ko sa paghahabol sayo yung puso at isip ko ayaw mapagod at lalong ayaw sumuko. God knows how much I love you-at wala akong balak sumuko kahit siya pa ang umagaw sayo. I can fight him just to have you, Sofie. Tumutol man siya wala akong pakialam" napatigil si sofie sa pagsakay pero hindi ito tumingin sa gawi ni andrew, ngunit saglit lamang itong dahil kalaunan ay sumakay na ito at umalis papalayo.

I saw pain in his eyes habang sinusundan ng tingin ang palayong sasakyan ni sofie.

"Ano nang gagawin mo?" tanong ko bigla sa kanya. Tumitig naman ito sa akin.

"Fight for her" tipid niyang sagot "kahit diyos pa ang kalaban ko" at nagmadaling sumakay sa sasakyan nito. Palagay ko ay susundan nito si sofie kung anuman ang balak nito ay hindi ko alam dahil sa ngayon isang bagay lang ang nagsusumiksik sa isip ko.

Ngayon alam kuna kung anong dapat kong gawin.

He is my happiness..

My world..

My everything..

Kaya wala akong balak na sukuan siya besides vivian is just his first love..

And im his true love...

I just need to believe and fight...

For him

For us.

The Bride's Man series: Love was made for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon