Kabanata 18

5.6K 104 4
                                    

Three months...

Ganoon na kami katagal ni Godfrey, at masasabi kong naging maayos ang lahat sa pagitan naming dalawa sino ba ang hindi kung sa bawat pagkikita namin ay halos ayaw na naming magkalayo.

At ngayong araw na ito ang isa sa pinaka special na araw sa aming dalawa.

"Baby, saan kana?" tanong niya sa akin sa kabilang linya

"Papunta na ako-Sandali lang" agad akong bumaba at nagtungo sa front door nagmadali akong nagtungo sa kanto pagkakita ko palang sa maliit na convenience store ay agad kong namataan itong nakatayo at mistulang bagot na bagot.

Shit! 30 minutes na pala akong late. Papunta ako sa kanya ng makita ko ang ilang estudyante na kinikilig habang nakatingin kay Godfrey-bigla naman akong napangiti dahil iba talaga ang karisma ng mahal ko.

Agad akong kumapit sa balikat niya at ninakawan siya ng halik sa labi. Bibitaw naman ako ng bigla niyang hapitin ang bewang ko.

"Your 30 minutes late baby-"

"Sorry! Baby-syempre nagpaganda ako" binitawan naman niya ang bewang ko at napatingin sa suot ko. Simpleng short lang naman at puting blouse. Nakita ko ang pagkakunot ng noo niya at nagsalubong ang kilay. "Ang cute ng get-up ko, parang teenager lang" kumapit pa ako sa braso niya.

"I don't like your short-masyadong maikli" sabi nito "look at those men na nakatingin sa legs mo-Nakakinis" bigla akong nakaramdam ng kakaibang kilig-napaka possessive naman kasi nito, pati legs ko gustong angkinin.

"Baby- naman"

"Tara na nga--!" hinila naman niya ako. "Wait saan nga pala tayo pupunta" napatigil naman ito bigla.

"Baby! Diba Three months na tayo at alam ko naman na ikaw na ang lalakeng mamahalin ko-so gusto ko sana na dalawin naman natin si Mama at Papa para pormal kang makilala bilang boyfriend ko." Pagkasabi ko noon ay bigla itong natigilan animo hindi makapaniwala sa sinabi ko. Ramdam ko rin ang biglang pag-iiba ng aura nito.

Sa tatlong taon naming pagkakilala ay ni minsan ay hindi niya ako sinamahan na magtungo kina nanay at tatay. Lagi itong busy at laging may dahilan pero naiintindihan ko naman ito- kaya sa pagkakataon na ito ay hindi ito makakatanggi.

"So anu na-punta na tayo-" sabi ko dito. Agad naman itong tumalima "Na saan ang kotse mo-mag cocommute nalang ba tayo?"

Napatingin ito sa akin-biglang nagbago ang tingin nito mistulang may pag-aalinlangan sa pagsama sa akin. "Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Marahan itong tumango at tumingin sa malayo. "Baby- kung ayaw mo- okay lang. Sa ibang lugar na lang tayo pumunta.

"It's okay, babe! Bigla lang sumama ang pakiramdam ko.-tara na!" Hinila naman niya ang kamay ko at nagsimula ng maglakad. Hindi nito dala ang sasakyan nito.

Kung bakit? Ay hindi ko alam.

Sumakay na kami sa jeep na nagdaan-kitang-kita ko ang babae na sa harap naming kung paano ito magpacute kay godfrey kaya naman kumapit ako sa braso niya. Kumapit ito sa bewang ko at kinabig ako.

Darn! Kitang-kita ko kung paano tingnan nun babae ang kamay ni Godfrey sa bewang ko. Har!Har! Ako ang nagwagi!

Bumaba na kami sa train station at agad na sumakay roon. Sa dami ng tao ay hindi magkaanda-ugaga ang mga pasahero sa pagsakay.

Inalalayan naman ako ni Godfrey pero dahil sa dami ng pasahero ay hindi na kami nakaupo. Pareho kaming nakatayo. Ilang sandali pa ay agad nagsimulang umandar ang tren. Napapasobsob na lamang ako pero nahahawakan naman ako ni Godfrey.

Napatingin naman ako sa lalake na biglang tumayo

"Ms. Ikaw nalang ang maupo" sabi nito sa akin. Bigla akong tinubuan ng hiya sa katawan.

The Bride's Man series: Love was made for usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon