Chapter 3

552 10 0
                                    

SUN Woo shoved a white rose in Kara's hand. Ikinamaang iyon ng dalaga.

Pagkatapos ng St. Valentine Program ay dumeretso na silang magkaibigan sa kanilang locker room para kunin ang kanilang mga gamit at nang makauwi na.

"What's this?" inis na tanong ng dalaga sa lalaki.

Ngumisi sa kanya ang binata. "Naaawa lang ako sa 'yo. Ang ganda mo pa naman tapos walang nangahas na magbigay sa 'yo ng bulaklak." Napabaling ito ng tingin kay Sol na may hawak na box ng chocolates at bouquet ng pulang rosas. Galing daw ito sa secret admirer ng kaibigan, ayon sa card na kasama ng bouquet.

'He certainly made a point!' tili ng isip ng dalaga. Nainis siyang hinampas ito sa braso. Pagkatapos ay inipit ang stem ng rosas sa kili-kili ng lalaki.

"Hindi ko kailangan ang awa o rosas mo! Tch! Kainis 'to! As if namang mamamatay ako kung walang magbibigay porke Valentine's Day."

Nagkatawanan tuloy ang tatlong kaibigan ng lalaki na sina Chris, Jim, at Matt habang nakamaang lang si Sun Woo na napasunod sa kanya ng tingin.

Tinalikuran na niya ang mga ito at sumunod si Sol na binelatan ang grupo ng lalaki.

"Hey! Sa weekend na ang beach outing!" pahabol ni Sun Woo.

"No thanks. Not interested kung nandoon ka naman!" balik niya sa lalaking tinapunan ito ng isang matalim na tingin.

'How dare he! Ipinamukha pang wala akong admirer!' She harrumphed.

DAHIL required silang suportahan ang kanilang team sa school sa championships ng soccer regional competition ay kaya nandito si Kara kasama si Sol at mga kaklase nila sa ball field. Home court nila. Nasa bleachers sila nakaupo. Ang ilang mga kaklase nila ay may streamers pang nakasaad ng "Go, Sun Woo!" at "Go, Team Orcas!" Hindi niya alam kung bakit ipinangalan sa isang klase ng killer whale ang soccer team ng St. Vincent High. Para kasing walang konek. Iyon na ang pangalan ng team ever since daw.

May sakit daw ang class secretary nila. At dahil siya ang vice president ay siya ang inatasang mag-check ng attendance nila. Ibibigay na lang niya iyon sa kanilang adviser pagkatapos ng laro. Kailangan kasing tapusin iyon bago ipasa.

HINANAP ni Sun Woo ang bitamina ng kanyang mga mata. Si Kara Lyle Hameria. Isa itong petite na dalagita na may mahabang buhok hanggang baywang. Maganda ang mapupungay nitong mga matang kulay brown, medyo matangos ang maliit na ilong, maganda ang porma ng mga kilay na natural lang, makinis ang mukha kapag wala itong pimple once in a while, magandang tingnan ang mga labing mala-rosas, at may pantay at maputing ngipin. Mas maganda ito kapag nakangiti. Pero ni minsan ay hindi siya naging recipient sa ngiti nito simula pa noong junior years nila.

Noong una ay naisip niya ay siguro dahil kalahati siyang Koreano. Naisip pa nga niyang racist ito. Kailanman ay hindi ito naging malapit sa kanya kundi sa iba lang nilang mga kaklase at schoolmates na puro Pinoy o kaya ay iba ang pagka-mestiso. Dahil dito ay naiinis siya sa dalagita. Lagi niya rin itong iniinis. Pero dinadaan naman niya sa biro ang lahat ng iyon. Kaya lang ay hindi pa rin ito naging malapit sa kanya gayong nasa graduating year na sila ng high school. All he wanted was to get close to her.

At dahil dito ay naisipan niyang magsulat na lang gamit ang isang stationary na binili niya sa isang bookstore noong isang araw. Dalawang buwan na lang kasi ay ga-graduate na sila. Kaya lang ay pinunit iyon ng babae nang hindi man lang binasa ang nilalaman. Nagpaliwanag kasi siya roon kung bakit he always picked on her. Mahaba kasi iyon kung ite-text. May trauma na yata ito ng sulat kaya hindi na rin nito pinag-abalahang basahin iyon. Siya rin naman kasi ang may kasalanan. What did he expect? At hindi niya alam kung paniniwalaan siya nito kung sasabihin niya naman nang harapan. Baka sampal at sipa pa ang aabutin niya tapos wala pa rin.

Wanna Be Your Oppa - Published under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon