Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit

Start from the beginning
                                    

"Osige ba. May lakad ka ba? Parang nakabihis ka yata?"

"Sa hospital. Follow up." Tipid kong sagot pero nakangiti na.

"Boss! Tara na kain na ta---yo." Narinig kong sabi ni Toper na may pagkabigla. Natigilan pa siya sa maingay niyang pagbaba ng hagdanan.

Bakit ba parang ang weird ng mga tao ngayon? O dahil ako yung biglang nagbago ng pakikitungo kaya naguguluhan din sila?


"May bisita pala tayo boss." Narinig ko pang sabi niya.

"Troy, pakihanda na yung mga pagkain, lalo na't nandito pala si Bullet. Tagal ko na rin 'tong hindi nakik.." natigilan naman ako sa sasabihin ko sana mismo. Di ko pa rin pala matanggap na di ako nakakakita. Pero wala akong ginagawa para tulungan yung sarili ko.

"Nakakabonding. Namiss ko 'tong batang 'to e." Sabi ko pa tsaka pinat at ginulo yung buhok nya.

"Sige po Sir."

Narinig ko naman na nagbubulungan si Toper at Troy. Nagtatalo pa kung aalalayan ba ko o hindi.

Dahil ayaw ko nga na may tumutulong sa akin noon ng kahit sino.

"Bulag lang ako. Pero di ako bingi. San ba mauupo?"

Inalalayan naman ako ni Toper.

Noong una ay bumibitaw bitaw pa siya dahil nung nakaraang buwan lang ay tinamaan ko siya ng foldable cane ko. Nabigla rin ako noon. Di ko alam kung nagkapasa ba siya sa braso.
Pero alam kong masakit dahil nagimpact din sa kamay ko noon.

Nakakasakit na pala ako ng ibang tao.


Nang maka-upo ay naramdaman ko na sa akin tumabi si Bullet.

"Tito JM, sino po kasama nyo sa opital?" May pag-alalang tono sa pagtatanong na iyon ni Bullet. Napakabait talaga nitong bata na 'to.

"Yung driver Bullet, bakit?"

Narinig ko naman na naglapag ng plato sa tapat ko. Kaya't nagpasalamat ako kay Troy.


"Mommy, pwede po ba tayo sumama kay tito?"
Nagulat naman ako ng tanungin niya iyon.

Narinig ko naman ang paglapag ng mga plato sa lamesa ng sunod sunod. Bakit parang napakarami naman.

"Bullet, di ba magbobonding pa kayo ng daddy mo? Baka magtampo sayo si daddy mo."

"Pfft!" Pigil na pagpigil ni Toper sa paglabas ng pagkain sa bibig niya. Kumain na yata siya kanina pa.

"Yung bibig mo Toper may laman pa."

"Sorry boss. May nabasa lang ako sa facebook"

"Aray! Aray ko naman!" Nagsisigaw naman siya ngayon.

"Ano ba nangyayari sayo? Mahiya ka naman sa bata huy!" Sermon ko sa kaniya.

"Kinapa ko naman ang tinidor sa side ng plate at tsaka pinakiramdaman yung carbonara sabay sa pagikot ng tinidor ko.




Hindi ko alam kung paanong sumasakto na lang sa bibig ko yung mga kubyertos kapag kumakain. Siguro sa araw-araw na ginagawa dati ay nasanay na ang katawan ng tao sa ganun.

"Tito do you need help?" Wow nagienglish na anak nitong kaibigan kong hindi nagpaparamdam.

"Im okayy,Bullet."

"Mads, okay lang naman sa akin kung gusto sumama ni Bullet kay kuya boss. May time pa naman mamaya e."

"Gusto mo ba sumama kay tito mo Bullet?" Tanong pa nya sa bata.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now