Capítulo Treinta Y Cuatro - Pansamantala Ulit

Start from the beginning
                                    

Di pa ko kumakain kaya sa coffee shop na lang ako kakain.


Tinatahak ang hagdan pababa habang pinapakiramdaman ang mga tactile indicator bago magstep down.

"Boss!"

"Ay pusang gala! Ano ba 'yon Toper! Masasapak na talaga kita! Bat ka ba nandito?!" Pasigaw ko ring sabi. Nagulat ako sa kanya e.

"E inutusan ako sabi abangan ka raw mukhang dito ka raw matutulog e."

"O tapos?" Humawak ako sa gabay ng hagdan at paisa isang humahakbang pababa.

"Wala. Baka kasi kailangan mo ng tulong boss." Narinig kong papalapit siya sa akin sa tunog ng boses niya na parang mas lumalapit.

Tulong?

Okayy.

Hindi naman niya ko inalalayan pero siguro ay nag-aalangan din siya. Noong huling beses kasi na tinulungan nya ko ay may mga nasabi akong hindi maganda.

"Pakitawagan naman si Lalaine sa bahay. Pakisabi pasundo ako kay Manong dito sa bar tapos pakihatid ako sa ospital."

Inabot ko naman sa kaniya yung phone ko.


Narinig ko naman na kausap na nya si Lalaine.

"Baba na ko. Gutom na ko. Nandun naman si Troy no?"

"Yes boss! Nakahanda na rin breakfast mo kahapon pa." Siraulo talaga 'tong kausap ko.

"San yung hagdan?" Tanong ko sa kanya dahil di ko na alam kung saang parte na ko. Kung saan saan kasi nagpupunta si Toper noong kausap si Lalaine. Kaya't sinusundan ng katawan ko yung boses niya. Baka kasi may itanong tapos para akong tanga na nakatalikod sa kaniya habang kausap siya.

"Ay boss dito, sorry." Para siyang aligagang bubwit.

"Ayun! Okay na. Salamat!" Sabi ko noong maramdaman ko yung tactile.

"One more thing. Pakibalik na lang yung phone ko sa baba. Sabayan mo na rin ako kumain." sabi ko sa kanya dahil di ko alam bat nandidito siya. Inutusan daw. Di ko na alam kung sino nag-uutos sa mga worker ko dito. Kumikita rin ba sila doon? Tss.


"Troy?" Tawag ko nang makababa ako ng hagdan.

"Tito JM!"

"Bullet? Ikaw ba yan?"

"Yes po tito! Miss na po kita! Pati po si tita Jaki." Masiglang sabi nya pa at yumakap sa hita ko."

Marahan naman akong umupo sa tapat niya.

"Ang laki mo na ah? Sino kasama mo?" Tanong ko habang sinasapat ang braso nya.

"Si ano po.."

"Sino bunso?" Tanong ko sa kaniya.

"Si Mommy po tsaka po.. tsaka po si Daddy."

"Madc? Andito ka pala." Kausap ko sa kaniya. Kung saan man sya nakapwesto.


"Ah-oo, di kasi nagkita si Bullet tsaka si Troy nung nakaraan medyo busy rin kasi. Kumusta ka na?"

Tumayo naman ako..

"Okay naman ako. Nahihirapan pero kinakaya naman."

"Kinakaya pa." Biro ko pa. At tumawa ng bahagya.

"Kumain na ba kayo? Tara na, sabayan nyo na ko. Libre ko." Agad ko namang tanong dahil medyo awkward. Siguro dahil noong huli naming usap ay hindi maganda ang kinalabasan.

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now