Ang init-init ng katawan niya. Parang hindi ako makakaramdam ng lamig kung pupulupot yon sa akin. Shocks, umiling ako sa naisip ko.

Imbis na kastiguhin ang sarili dahil sa naging reaksyon mula sa halik na yon ay minabuti ko na lamang na sermunan siya. "Anong ginawa mo?! Gusto kitang sampalin ngayon, alam mo ba 'yon?!" Lumibot ang paningin ko sa paligid, maraming tao ang makakita sa amin kung gagawa ako ng komisyon.

Tahimik lang siyang nakinig sa sinabi ko na animo'y isang batang nakagawa ng mali. Ang buong akala ko ay hindi na siya magsasalita pero nagkamali ako. "You like it, Erriah" seryoso ang tono niya nang banggitin yon. Rumolyo pa sa kanyang labi ang aking pangalan. Hindi yon isang tanong, parang sigurado talaga siya sa naturan.

"Hindi ko gusto ang nangyari. Wala kang karapatang halikan ako. Itutuloy ko talaga ang kaso sa'yo"

"Sure. I can tell them how you liked my kiss, little curious doll" pinalo pa ng hintuturo niya ang tungki ng aking ilong.

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Bumalik sa ala-ala ko ang paghalik niya sa akin. Inalala kung naging obvious ba ako na nagustuhan-hindi! Bakit ko kailangang matakot na maging obvious? Samantalang hindi ko naman talaga nagustuhan ang halik niya. Pangangastigo ko pa nga sa sarili ko.

"Just like what I thought" he planted a quick kiss on my lips. Ngumisi siya, ang sakit sa mata ng ngisi na 'yon. Para kasing may bagay siyang napatunayan.

Taksil ang sarili ko! Hindi dapat ako nagpapadala sa kahit anong hipnotismo ng lalaki.

"Y-you-" sinampal ko siya ng malakas sa kaliwang pisngi. Para lamang makabawi sa pagkapahiya ko kanina. Mukhang may natitirang lakas ng loob parin sa akin.

Pero nadismaya lamang ako nang umiling lang siya sa akin at mas lalo pang napangisi. Galit akong tumingin sa kaniya. Hinahanap muli ang katapangan sa loob ko, ngayon ko mas lalong kailangan yon.

Teka, first ko yon! Bakit ba nakalimutan ko ang bagay na yon.

Tumiim ang kaniyang panga, mukhang kanina niya pa inaasahan ang pagsampal ko sa kaniya ngunit mukhang may pinatunayan lang ako sa kaniya.

'Humalik ka naman pabalik, diba?! Ang hina mo kasi sa tukso, Erriah! '

Alam kong bago sa akin ang mga ginagawa ni Zarrick pero hindi pwedeng i-take advantage na niya ako. Ilang taong gulang palang ako, tuluyan na ba niyang nakalimutan yon?

"You're quite feisty. The more I spend time with you, the more I got to know you" mahina siyang napailing. "I can open up a new position for myself. Being your tutor won't hurt my ego after all. I would love to look forward for more lessons like this"

"Fi-" Hindi ko paman naitutuloy ang gusto kong isigaw sa pagmumukha niya ay may lumapit na sa aming lalaki. Patago ko na lamang sinipa ang tuhod niya, mahina naman siyang natawa doon.

Pagkaalis ng lalaki ay hinawakan niyang muli ang kamay ko. Inis ko sana yong hahawiin nang magsalita siya.

"Kuya Leandro called me. Informing me about your sister. But I let my brother handle it for a while. Let's get you home"

Doon ako kinabahan. Oo nga pala at may ate ako na kailangan uwian. May ate ko ako na labis na nag-aalala sa akin.

Ang sabi ko pa naman ay magiging mabait ako kay Zarrick pero mukhang malabong mangyari yon. Isa pa, saka ko na lamang siya aawayin tungkol sa hindi karapatdapat niyang ginawa kanina.










NAPAUPO AKO SA KAMA ni ate Harrietta habang nakatingin ako sa kaniya. Mayroon siyang maliit na ngiti sa kaniyang labi. Nakita ko ang ilang piraso ng salonpas sa tabi ng kama niya at isang aparato na hindi ko alam kung para saan.

VLS 3: ZARRICK'S POSSESSIONWhere stories live. Discover now