She's On Duty [Chapter 1]

457 4 0
                                    

Chapter 1 Mission Failed as for me!!!

"Palpak nanaman ang misyon mo, Canary!" sigaw ni Uncle. Si uncle nalang ang natitirang kamag-anakan ko. Patay na kasi ang aking mga magulang.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Canary Ruth Lopez, aka Agent Canary. Yep, tama, name ko ang alias ko dahil may protocol na sinusunod ang aming Agency. Ang alias sa mga lalaki ay number according sa kanilang performance, sa mga babae naman ay ibon, since kind ng ibon ang Canary, napagpasyahan ni Uncle na Canary nalang ang code-name ko. Tsk, tinatamad lang kasi sya mag-isip ng code-name. Kakagraduate ko nga lang pala ng Criminology, at dito sa SAP (Secret Agent Police) Department ako nadistino. 21 years old palang ako, mabuti nalang at si uncle ang head ng department kaya naipasok niya agad ako. Pang apat na delikadong mission ko palang yung kanina. At as usual, pumalpak nanaman ako. Nakakainis talaga!!

"Muntik ka nang mapahamak! Padalos-dalos ka ng kilos, alam mo bang muntik ka ng mamatay ha, bata ka!!!" aray ko naman ang lakas ng boses ni uncle. Pwede naman mahina lang ang boses eh.

"Uncle, ok naman po lahat eh, dumating lang yung pakialamerong Agent Seven na yon. Everything is under control naman eh" sagot ko kay uncle, hehe. Kailangan magpalusot no.

"Anong everything is under control, eh muntik ka na ngang mabaril sa muka. Mabuti kamo at dumating si Agent Seven, tsaka tawagin mo akong Captain. Gumamit ka ng tamang protocol. Sige na, pumunta ka sa office ni General at magreport ka na!" hay, utos nanaman, hindi pa ako nakakapagpahinga eh. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit ko, naka high school uniform pa din ako. Nagpanggap kasi akong high school student para sa misyon kanina na ipapadala sa Japan, since hindi naman halata ang edad ko dahil sa *ehem* sa kagandahan kong taglay, ay ako ang ipinadala para sa misyon. Well, ganon talaga, maganda eh. Hahaha yabang lang eh...pero totoo yon, in fact madami ngang nangliligaw sa akin sa department namen eh. Kaso ang kundisyon ko, dapat talunin muna nila ako sa taekwondo hahaha. Wala pa yata nakakatalo sa akin.

Dahil nga syempre sa masunurin akong pamangkin, pumunta na ako sa office. Nadatnan kong kakatapos lang ng kanilang meeting. Mukang badtrip si General ah, naku patay, wrong timing yata ang pagrereport ko, pumalpak pa naman yung mission. Although nahuli naman yung lider ng sindikato, ibang department naman ang nakagawa. Iba kasi ang kinabibilangang department ni Agent Seven.

Tumayo ako ng derecho at sumaludo kay General na kasalukuyang nakikipag-usap sa kanyang mga kasama.

"Good afternoon, sir" bati ko habang nakasaludo pa rin.

Tiningnan nya lang ako mula ulo hanggang paa. Nakasimangot pa sya nung una, tapos bigla bigla nalang nagbago ang reaksyon ng muka nya, from serious to happy. Tumigil ang tingin niya sa nakabukas kong blouse. Aba teka, manyakis tong matandang to ah, ibinabako ang kamay ko at itinakip sa nakabukas kong blouse.

"HAHAHA!!!" huh? Tawanan ba ako? Ano kaya problema ni General, mukang nababaliw na. Nakitawa nalang ako sa kanya, kahit pilit lang. Hindi ko kasi naiintindihan ang nangyayari eh, hahaha.

"Mukang eto na ang solusyon sa problema naten. Agent Canary, sumunod ka sa office ko" utos ni General, ano kaya yun? Naku, manyakis nga ang matandang to, may balak pa akong halayin. Subukan niya lang ibubuhol ko kamay nya sa paa nya. Buahahaha!!

"Mali ang iniisip mo Lopez, sumunod ka na at bilisan mo!" ha? Nakakabasa yata ng isip tong matandang to eh. Syempre dahil nga masunurin ako, sumunod na ako agad, baka magalit pa. Palpak pa man din ang plano tsk tsk...

"Maupo ka Agent Canary" utos niya nung nakarating kami sa office niya.

"As you can see. Meron nanaman tayong bagong misyon. Agent Pigeon pakibasa kay Agent Canary ang files ng susunod na mission" utos ni General kay Agent Pigeon.

"Mr. Henry Tang, siya ang isa sa pinakamayamang businessman dito sa Pilipinas. Isa s'ya sa prime suspect sa pagpatay kay Mr. Romeo Ricaforte na isa ring mayamang businessman. Pinaghihinalaan ding leader ng isang sindikatong nagpupuslit ng mga bawal na gamot galing Japan at Korea. Isa sa mga kasamahan niya si Mr. Francis Chua ang nawawala at napagalaman ng isang reliable sources na sya ang susi sa kaso ni Mr. Ricaforte at sindikato na kinasasangkutan ni Mr. Tang." paliwanag ni Agent Pigeon sa akin. Kahit na mejo naguguluhan pa din ako, parang nagkakaron na ako ng hint sa paguusap na ito.

"Napag-alaman din ng ating reliable sources na ang nagiisang anak ni Mr. Chua ay nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan. Kasalukuyan siyang high school student. At napagpasyahan ng departamento na isailalim sya under 24/7 surveillance. Dahil maaaring sya ang magturo sa kinaroroonan ni Mr. Chua" si General na ang nagpatuloy ng pagpapaliwanag.

"Ano po ang tungkol dito, sir?" mukang nakikinita ko na ang magiging misyon ko, at mukang hindi ko magugustuhan ang kanilang plano.

She's On DutyWhere stories live. Discover now