She's On Duty

907 9 6
                                    

Prologue

"Bakit mo naman gustong sumama sa mga lalaking yan?" tanong ko sa katabi kong babae.

"May sakit kasi ang nanay ko, patay na din ang tatay ko. Ako nalang ang inaasahan ng pamilya, kaya wala na akong magagawa. Sabi nila malaki daw ang kikitain sa Japan" sagot naman niya. Sa totoo lang naaawa ako sa kalagayan niya sa buhay.

"Eh ikaw, bakit ka naman sasama dito? Maganda ka pa naman, tsaka hindi ka naman mukang mahirap ah" ay, may pagkausisera pala tong babaeng to.

"Ah, eh, ano--uh kase, ah gusto ko ng new experience? Hehe" anu ba yan mautal-utal ako pagsagot, tsk. Hirap kasi pag-impromptu na tanong, hirap pa man din ako mag-reason out. Sigh!

"Ah, yun lang ba? Alam mo kung ako sayo, wag ka na tumuloy. Alam naman nating lahat na sindikato ang mga yan oh!" tsk, hindi lang pala siya usisera, pakialamera din, hehe. Pero tama nga sya, in fact, kaya ako nandito sa lumang warehouse na to na puro magaganda at batang babae ang andito, at ipapadala ng isang sindikato sa Japan, ay para sa isang misyon.

"ATTENTION GIRLS!!!" sigaw nung lalaking parang spokes-person.

"Mag-ready na kayo, dahil maya-maya lang ay dadating na ang barkong magdadala sa inyo sa bansang sagot sa kahirapan niyo." tss. Sagot daw sa kahirapan nila, eh alam naman nating sila lang ang makikinabang sa lahat ng to. Tsk tsk. Bat kasi ang daming uto-uto sa mundo, hayz.

Anong oras na ba? Ang tagal naman ng signal, kanina pa dapat yon dumating ah. Hay nakakainis, kailangan ko na umaksyon baka mapurnada pa ang matagal ng pinagplanuhan ng team ko. Tsk tsk.

Tinipon ng mga lalaking mukang goons ang lahat ng babaeng naipon nila, kasama ako don syempre. Pinapunta nila kami sa gitna, para inspeksyonin.

BLAGG!!

May narinig akong malakas na tunog mula sa labas. Mukang kumikilos na ang mga kasama ko. Naglabas ng mga armas na baril yung mga goons. Pinayuko nila kami at pinapunta lahat sa gitna. Bale pinag-compress kami para walang makatakas. Nakatutok lang ang mga baril nila sa amin, nakikita kong takot na takot na ang mga kasama ko. Kailangan ko na kumilos.

Tumayo ako at tumapak sa malapit na silya sa harapan ko. Inilabas ko ang aking baril at itinutok sa leader na nagsalita kani-kanina lang.

"Ibaba niyo armas niyo. Inaaresto ko kayong lahat!!" sigaw ko sa kanila para sindakin. Nagulat lang ang kanilang leader at tumingin sa akin. Sinenyasan niya ang kanyang mga kasamahan para sugudin ako. Hindi ko magawang gamitin ang aking hawak na baril dahil baka masaktan ang kanilang mga bihag na babae. Lumaban ako gamit ang aking pinagmamalaking martial arts, sumugod lahat ng tauhan ng lider ng sindikato sa akin. Madami na akong napapatumba, subalit madami sila. Nabitawan ko ang aking baril dahil may sumipa sa kamay ko mula sa aking tagiliran.

Naku, kailangan ko mabawi ang baril ko. Tumalsik yon sa harapan ko sa di kalayuan, sumubsob ako sa sahig para kuhain ang nahulog kong baril. Nung naabot ko na, tumingin ako sa taas at may nakatutok ng baril sa muka ko.

"Sige na, tapusin mo na ang pipitsuging pulis na yan!!" utos ng lider ng sindikato sa kanyang tauhan na nakatutok ang baril sa pagmumuka ko. Naku, patay, katapusan na yata ng napakaganda kong muka. Huhuhu ;((

Ipinikit ko nalang ang mata ko para hindi ako masyadong masaktan. Alam kong katapusan ko na nung mga oras na yon. Eto na po, lord thank you po sa lahat ng mga blessings, makakasama ko na rin ang mga magulang ko sa wakas dyan sa langit. Patawarin nyo po ako sa mga kasalanan ko...huhuhu, ma, pa this is it. Magkakasama na din tayo...

Teka, bakit ang tagal naman ako patayin?

"Ano pang ginagawa mo, iputok mo na!!" mukang galit na yung bosing ah. Bakit kaya ayaw pa niya akong barilin? Nagandahan yata sa akin. Bwuahahahaa!

Ibinukas ko ang mata ko at tiningnan ko ang may hawak ng baril. Nakita kong kumindat sya sa akin, at dahan-dahang itinaas ang hawak niyang baril at itinutok sa lider ng sindikato. Teka ano ibig sabihin nito?

"Inaaresto kita sa salang Human Trafficking at Murder , you have the right to remain silent" whoah whoah, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Agent din ang lalaking ito? Aba teka, kilala ko to ah. OH MY GODDDD!!! Si Agent Seven waaaaahhhhH!!! Mahihimatay yata ako. Siya lang naman ang pinaka-gwapong agent sa department nila. Grabe ang cool talaga niya. Hindi nagkakalayo ang edad namen, at grabe super HOT niya, matangos na ilong, chinito eyes, grabe ang ganda ng mata niya nakakatunaw, maputi at makinis na balat, grabe kelan ba sya nakaranas masugatan? Pulis pa sya ng lagay na yan ha. Take note, sya din ang pinakamagaling na agent sa kanilang division, grabe kasama pala sya sa mission na to.

"Ibaba niyong lahat ang armas nyo!" utos ni Agent Seven sa mga tauhan ng kanilang lider habang nakatutok sa ulo nito ang kanyang baril. Nagdatingan naman ang aming mga kasamahang pulis.

"Hoy Rookie, tumayo ka na dyan!" ha? Ako ba kinakausap niya?

"Hoy, ano pa hinihintay mo dyan? Tss, padalos-dalos kasi ng kilos, palpak tuloy ang plano. Tsk!!" aba-aba ang yabang nitong walangy*ng to ah! Grabe, binabawi ko na sinabi ko kanina, ang kapal ng muka neto!.

Tumayo naman ako at tiningnan sya mula ulo hanggang paa.

"BWISET!" yun nalang nasabi ko sa kanya. Nakakainis, nakakainit ng ulo. Tss. Walang kasing yabang. Ang kapal ng muka. Walangya!!!

Lumakad ako at pumunta sa mga kasamahan kong na-delay ang dating. Nakita ko si Agent Ten at agad ko siyang binatukan ng malakas.

"ARAY!" sigaw niya. Bwiset na to, kundi dahil sa kanila hindi papalpak ang plano.

"Ano bang problema mo, Agent Canary ha?" tanong niya

"Bwiset kayo, bakit na-delay kayo ha? Mga wala kayong kwenta, muntik na ako mamatay. BWISETTT!!!" nanggagalaiti (nanggigil, para sa mga hindi nakakaalam nung term, hehe) kong sigaw sa kanya.

"Eh, nagkaron lang ng konting aberya. Natuklasan kasi kami nung isang tauhan ni Mr. Fukuzawa. Tsaka wala naman nangyari sayo ah, nailigtas ka naman ni Agent Seven" walangyang to, sumasagot pa.

Binatukan ko nga ulet. Bwisettttt!!!!

Author: This is my first story here in wattpad, pls support niu po stories ko.,. do comment and vote po sana, positive and negative comments are highly appreciated. thank you so much and Godbless to you readers...!!! :D

She's On DutyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon