"Pasensya na mga ginoo pero may patakaran kami sa lugar na 'to, sa oras na may mga dayuhang papasok dito, ay mamamatay o sasanib sa sindikato namin" sagot nung isa.

"Anong kaguluhan ito?" Biglang tanong ng isang matandang lalaki. May hawak siyang kawayan na ginagamit niyang baston.

"Pinuno, may mga dayuhan po ang nakapasok sa bayan natin. Ano pong plano niyo sakanila?"

Tinignan kami ng matalim ng matandang lalaki bago siya magsalita.

"Mukhang mapapakinabangan natin sila. Isagawa ang ritwal para permanente ng sumanib sa ating grupo" utos ng matanda.

"Paano kung ayaw namin sumanib sa grupo niyo?" Matapang kong tanong kaya napatingin ang matanda sakin.

"Idadagdag namin kayo sa koleksyon namin ng mga bangkay dito. Malaki ang pakinabang namin sa mga katawan ng tao, ginagamit naming armas ang mga buto nila. Gusto niyo bang ganon din ang gawin namin sa mga bungo niyo?" Banta niya.

"Nakikipag kasundo kami ng maayos Pinuno. Sa oras na palampasin niyo kami sa bayan niyo, wala tayong magiging problema. Hindi ba pwedeng maging ganon ka simple nalang ito?" Paki usap ng pulis.

"Ano ba ang pakay niyo sa kabilang bayan? Tama ba ang hinala ko... ang dayuhang babae ang pakay niyo don ano?" Sagot ng isang sindikato.

"Oo siya nga. Matagal nanamin siya hinahanap. Kaya pwede ba, hayaan niyo nalang kami at walang gulo ang mangyayari dito?" Sagot ko.

"Pasensya na dayuhan, pero wala ng nakakalampas ng kabilang bayan dito kung hindi kami lang. Ang mga tao sa kabilang bayan ay mga alipin lang namin, wala silang ginawa kundi sundin ang mga ipinag uutos namin, at ang dayuhang babae na hinahanap niyo, isa narin siya sa mga alipin namin kaya hinding hindi niyo na siya mababawi" sagot ng sindikato.

"Anong karapatan niyo para mag hari harian sa lugar na 'to? Alipinin ang mga taong walang kalaban laban? Dahil ba sa kinakatakutan nila kayo at isang suway lang nila ng ipinag uutos niyo ay papatayin niyo sila? Wala kayong karapatan na pumatay ng tao..."

"Hoy Ginoo, dayuhan kalang dito kaya wala ka ring karapatan para sermonan mo kami dito na parang Pari. Para sabihin at ipaalam namin sa inyo, teritoryo namin ang buong lupain ng bayan na 'to kaya wala kayong karapatan para diktahan ang pamamalakad namin dito dahil kami lang ang may karapatan sa lugar namin" sagot ng isang lalaki.

"Pagmamay ari parin ng pamahalan at ng Presidente ang lupain na 'to kaya patakaran at batas niya parin ang masusunod. Ayon sa batas ng pamahalaan ng palasyo ay ilegal ang pagpatay ng tao at pananakot sakanila, makukulong kayo ng habang buhay sa bilangguan sa salang pagpatay at pananakot sa mga tao" sabi ng pulis.

"Itigil na natin ang pagtatalong ito, tapusin ang dapat ligpitin. Alam niyo na ang gagawin sakanila" sabi bigla ng Pinuno at naglakad ito palayo samin.

Mabilis nanamin linabas ang mga armas na dala namin at agad narin nila kaming sinugod gamit ang mga armas nila. Nagputukan narin kami ng baril at halos lima ang natamaan namin sa dami ng sindikato.

Natamaan din ang isa sa kasamahan namin kaya mabilis narin kami nagpatuloy patungo sa daan sa kabilang bayan habang pinapa ulanan parin namin ng bala ang mga sindikato.

Mas madami ang tauhan nila kesa samin kaya nahihirapan kami na patumbahin silang lahat. Halos kalahati na ng kasamahan namin ang napupuruhan at iilan nalang samin ang natira.

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now