Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala

Beginne am Anfang
                                    

"Hindi ko lang talaga siguro matanggap kaya ako nagkaganito. Nasanay lang siguro ako."

"Magiging maayos din lahat. Trust me. Tsaka believe in yourself. Believe on what she said. Totoo yun." Napatango na lang rin ako sa sinabi nya. Totoo naman din kasi dahil naramdaman ko yun.

Na mahal nya ko pero kailangan muna namin ayusin sarili namin.

"Paano mo ba niligawan si Jaki?"

"Bakit? May liligawan ka ba sa langit?" Pambabara ko naman sa kanya dahil nakangisi na sya. Kapag nagkwento ako sure naman na may ipangaasar lang siya.

"Meron. Dali na magkwento ka naman minsan lang tayo magkita e."

"150th day..mula noong sinabi kong liligawan ko sya. Nasa kotse ako nun naghihintay sa labas ng bldg ng opisina nya...

*flashback*

It's friday night.
Inaamoy ko yung mga bulaklak na ibibigay ko kay Jaki. Lumabas na ko sa kotse.

Ngayon ko lang ulit sya nasundo kasi sabi nya di naman kailangan araw araw na ganun. Mas gusto nya pa rin yung minsanan lang kapag may oras. Pero kapag sa bahay nila ako pumupunta mas nageeffort ako at sinabi rin nya na naaappreciate nya 'yon.

Pero dahil makulit ako trinopa ko yung guard at nagtatanong ako kung nakasakay ka na ng sasakyan pauwi.. pati kapitbahay nyo kung nakauwi ka na.

Kahit naman hindi ko siya nasusundo araw-araw. Palagi ko siya pinapadalhan ng bulaklak. Walang mintis.

Nagtetext kami or tawag kapag di ko sya masusundo. She never ended the call kapag nasa byahe kahit we're not talking. Im just listening while working. Then kapag narinig kong pumara na siya. Pag kinausap na nya ko. Ibig sabihin nakauwi na siya.

Naalala ko pa nung una..
Totoo yung pinag-igib ko sila ng tubig.

Kapag naglalaba, nandun ako. Tumutulong sa kanya pati sa mommy nya.

Sobrang mahal ko sya.

"Vice!" Napaangat ako ng tingin kung saan nagmula ang boses na 'yon. Nakita ko siya sa labasan. Hanggang sa bumababa na siya ng hagdan.

Namiss ko 'tong babae na 'to. Yung babaeng nagpapabagal sa pag-ikot ng mundo ko.

"Uy! Ganda ko no?" Sabi niya. Nagulat na lang ako at nasa harapan ko na pala siya.

"Gandang ganda ka na naman sa akin.." panunukso pa nya.

"Palagi ka namang maganda. Kahit pa bagong gising ka lang." Nakita ko naman na kumunot noo niya.

"Ibig kong sabihin kahit anong oras maganda ka po miss Jackque Gyl Gonzaga." Ngumiti ako sa kanya matapos sabihin iyon.

Kinurot naman nya ko sa ilong.

"Bolero. Lika na nga." Napangiti naman ako doon.

Yayakapin ko sana siya dahil namiss ko talaga siya kaso nasa public nga pala kami.
Ang cute cute niya kasi.
Ganun ginagawa niya kapag natutuwa siya. Kunwari pang di maniniwala pero namumula yung mukha.
Pinagbuksan ko naman siya ng pinto gaya ng nakagawian.

"Where would you like to eat? Do you want japanese food? Or korean?"
Tanong ko sa kaniya noong paandarin ko na ang sasakyan.

"Japanese, please? Namimiss ko na kumain ng iba."

"Sabi ko naman di'ba sabihan mo lang ako pag nagkecrave ka. I'll find ways naman."

"Ano ka ba. Napag-usapan na natin yan. Stressed lang talaga ko sa work these past few days."

PANSAMANTALA (ViceJack)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt