Capítulo Treinta Y Tres - Pansamantala

Start from the beginning
                                    

"Pero masaya ko dahil masaya na siya. Kahit di na ako yung kasama."

"Naramdaman ko naman yung pagmamahal na totoo sa kanya. Yung pinaramdam nya sa akin."
Tumalikod siya sa handrail para mas magkaharap kami kahit nasa gilid nya lang naman ako. Lumapit ako sa kanya at ginaya ko yung pwesto niya.

"Kaya ikaw, sumunod ka naman sa doctor mo."
Dagdag pa niya.

Napailing na lang ako.

"Kung paggising ko sa panaginip na 'to makakakita na ko ulit pero walang Jaki na matatanaw, parang..hindi bale na lang.

"Ilabas mo nga yung kapatid ko!" Sinuntok pa niya ko sa braso. Muntik pa matapon iyong kape kaya't inubos ko na.

"Ako 'to baliw."

"Hindi. Yung kapatid ko lumalaban 'yon. Alam nya yung dapat gawin. Alam nya kung paano pahalagahan yung sarili nya. Hindi yun nagpapabaya."

"Di ko na kasi alam." Sabi ko at nilapag yung tasa sa side table ng upuan dito.

"Di ko alam kung bakit, kaya naman namin harapin yun e. Tutulungan ko sya. Nandito ako para sa kanya."

"Tandaan mo 'to.." pinanturo pa niya sa akin yung tasa nya.

"Everything takes time."

"Ilang buwan mo niligawan yun. Tingin mo ba di ka na nya mahal? Kuya kailangan lang ng time nung tao.. ayaw nun magbitaw ng salita dahil para sayo rin yun."

"Pano kung nakahanap ka ng iba di ba? Pero alam kong imposible yon. Pano kung dahil sa desisyon nyang maghiwalay muna kayo, doon mo marealize yung mga kulang sa inyo individually, yung dapat nyo pagtuunan ng pansin. Pati si Vhong kuya. Tulungan mo naman din sana sya. Nasa tabi mo palagi si kuys Vhong, kahit di naman nya kailangan ng tulong araw-araw ka pa rin nya pupuntahan. Sana naman bigyan mo ng chance yung sarili mo na hanapin at punan yung mga bagay na may kulang sayo as a person. Para maging mas maayos ka. Kasi panigurado iyon ang hangad nya para sayo."
Nakatitig lang ako sa kanya buong speech niya.

"Okayy."

"Gagu ka haba-haba nung sinabi ko okay lang isasagot mo?" Tignan mo 'to. Walang galang sa Kuya.

"E anong gusto mo sabihin ko?" Tanong ko pabalik sa kanya.

"E ano ba gusto mong sabihin mo? Nagaksaya ko ng panahon para lang sumagi dito sa panaginip mo tapos aawayin mo pa ko?"

Wow. Parang aping-api.

"Sorry na."

"Hoy Kuya, alam ko nasa isip mo."

"E bakit ka pa nagtatanong?" Gigil kong sabi kunwari. Gulong gulo na nga ako tapos ganito pa pag-uusap namin?

"Para malaman mo yung dapat mo gawin. Na sa'yo mismo nagsabi."

"Namiss kita bro." Di ko alam na bigla na lang lumabas 'to sa bibig ko.

"Ako rin naman. Namimiss ko na sila nanay." Nilapag nya rin yung tasa katabi nung tasa ko.

Naupo kami sa breakfast nook dito sa balcony.

"Pero nandito kasi ako kuya para tulungan ka. Para huwag kang madown. Para sabihin na tulungan mo yung sarili mo. Kasi ikaw at ikaw lang rin naman ang makakatulong sa sarili mo. Paano mo gagawin yung isang bagay kung sarili mo mismo ang umaayaw?"

Patuloy lang akong nakikinig sa kanya.

"Paano kapag bumalik na sya. Tapos ikaw ganyan pa rin kalagayan? Hindi ba mas okay kung parehas kayong okay na bago magsimula ulit? Para you can grow together after you grew individually."

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now