1~ Unknown Being

2.8K 142 57
                                    

Ako si Leila, at ito ang aking kwento.

Nakatira ako sa isang siyudad na kung saan halos tahimik. Silent city kumbaga, tahimik din noon ang buhay ko, masaya pa ako. Kasama ko lang dito ay si mama at papa ako lang ang nag-iisang anak nila.

Bumungad ako sa aming bintana dahil kakagising ko lang. Maaliwalas ang lugar na tila wala kang makakitang mga sasakyang dumadaan. Nagtungo ako sa aking kwarto upang manood ng balita ngunit nagimbal ako ng biglang may kumalabog sa bintana ng kwarto ko! Doon ako natakot, nais kong silipin kaso napako ako sa aking kinauupuan. Ayokong buksan iyon, natatakot ako.

Dahil sa kyuryosidad, ay tiningnan ko kung sino ang taong iyon! Dahan dahan akong tumungo at binuksan ko ang bintana, doon ako nagimbal!

Hindi ko siya maipaliwanag, maputla ang mukha, pinaplibutan ng itim ang kanyang mata, naliligo ang damit niya sa dugo, at permanente siyang nakangiti, parang punit ang bibig niya!!

“Ano’ng klaseng nilalang ka?!” gimbal kong tanong sa kanya, tumawa siya ng nakakatakot at inilabas niya ang kanyang kutsilyo.

“Matulog ka!”

Hindi ako kumibo. Nagtitigan pa rin kaming dalawa, nanginginig na ako sa takot pero hindi ko lang pinapahalata. ‘Yong mukha niya gano'n pa rin, walang expresyon, at permanenteng ngiti pa rin, at ang amoy niya ay hindi kanais-nais. Napaurong na lang ako nang papasok na siya sa kwarto ko,

“Ano ka ba?! Tao ka ba?! Umalis ka sa kwarto ko! Tsupeee!” Pataboy ko sa kanya habang nanginginig na ang boses ko, at siya naman ay nakangiti pa rin.

“Sabi kong, matulog ka na nga eh!” Sumigaw siya at akmang papasok na siya nang hilahin ko kama ko, ayun nalaglag siya sa sahig, nakadapa ang posisyon niya tumawa ako. Bwisit, ano ba’ng trip nito?!

“Oh, malayo pa kaya ang halloween bakit ka kasi nagcocostume diyan, wala kaming pagkain dito.” Sambit ko, ngunit tumayo siya at tiningnan niya naman ako! Ano ba ang gagawin ko? Baliw yata ito??!!

“Matutulog ka ba, o papatayin kita?” Isang nakakatakot na kataga ang lumabas sa bibig niya, akmang papalapit na siya sa ‘kin at ako naman ay papaurong papunta sa pintuan.

Kaya ko ‘to, kung anumang klaseng nilalang ‘to, pero natatakot na talaga ako!

Bigla akong nabangga, at paglingon ko ay pintuan na nga ng kwarto ko! Ayokong lumabas baka naman magnanakaw ito! Huminga ako ng malalim, okay. Inhale,exhale. Contract, relax. Ay peste!

Papalapit na siya sa ‘kin habang tinututok niya na ang kutsilyo niya sa direksyon ko! Importante pa buhay ko! Bata pa ako! Ayoko pang mamatay!!!

“Wag kang lalapit,” babala ko sa kanya pero para lang siyang isang bingi na hindi niya ako pinapakinggan. Tulungan niyo sana ako!!

Ang dungis dungis niya talaga, ang dumi-dumi niya, ang baho-baho pa niya! Kinuha ko ang throw pillow sa gilid ng pinto at tinapon ko sa direksyon niya ngunit nailagan niya ito. Buhaaay! Ayoko pang mamatay looorrd!!!

“Matulog ka na!” Papalapit na siya sa ‘kin, kaya kung anu-anong bagay na ang nakukuha ko at tinatapon sa kanya, pero iniilagan niya pa rin.

“Leila? Is everything okay honey?” Patay narinig ni mama ang mga kaguluhan siguro sa kwarto ko, maya-maya pa ay nakarinig na ako ng yabag ng paa papunta sa kwarto ko! Anong gagawin ko? Malapit na akong patayin ng lalaking ‘to! Ayoko paaaaa!

“Leila? Anong nangyayari diyan?” Akma nang bubuksan ni mama ang pintuan ko ng bigla kong hinila ang lalaking ito at pinasok ko siya sa closet ko. Ni-lock ko pa para tumahimik. Tsk!

Bigla naman pumasok si mama at kitang kita niya ang kalat sa loob ng kwarto ko. Patay ako dito!

“Leila? Anong nangyari dito?” Nagtatakang tanong ni mama sa ‘kin. Napakamot na lang ako ng ulo, ano idadahilan ko?

“Ah—eh ma, may pusang gala kanina dito eh,kaya binato ko ng flower vase, saka ng remote.” Sabi ko sabay tingin kay mama. Biglang gumalaw ang closet ko,naku! Ang kulit talaga ni Matulog na 'yun! Napatingin si mama sa direksyon ng closet ko,

“Are you sure na hindi ka, inakyat ng mga manliligaw mo? Sabihin mo lang sa ‘kin kung aakyat sila ng ligaw sa ‘yo. Wag mo lang silang paakyatin sa kwarto mo.”

“Ma naman! Wala akong manliligaw 'no, saka hello? Parang tayo lang kaya ang nakatira dito!” Si mama assuming kasi, it's as if naman na may maligaw dito ma manligaw sa ‘kin ‘no. Hay,

“Osige, baba ka nalang mamaya nagluto ako ng pancake with maple syrup. Okay?” Hinalikan na niya ako sa noo at bumaba na, wooh, safe ako do’n. Peste kasi itong si Matulog. Oo, ‘di ko alam ang pangalan niya si Matulog na lang ang itawag ko sa kanya.

Nagtungo na ako sa closet at binuksan ko ulit iyon. Bigla naman siya lumabas at as usual, tinututok pa rin niya sa akin ang kutsilyo.

“Umalis ka na dito!” Pagtataboy ko kay Matulog, ang kulit kasi eh, medyo natatakot pa rin ako, baka kasi patayin na niya ako agad-agad.

“Matulog ka!” Rinding-rindi na ako sa paulit-ulit niyang sinasabi ‘yan.

“Wala na bang iba? Gutom ka siguro ‘no?” Tiningnan niya naman ako, this time galit na ang tingin niya sa akin. Oh my...

“Papatayin kita!” Tumakbo siya palapit sakin nang bigla akong nagsenyas sa kanya na stop.

“Wait lang, bago mo ako patayin, ay maligo ka muna. Takte ka! Papatay ka na nga ng tao ang dumi-dumi mo pa, okay ka lang ha?” Napakamot naman siya ng ulo niya.

“Bakit pa ako maligo? Eh ikaw ‘yong gusto kong maligo. Maligo sa sarili mong dugo!” Kumunot noo ko sa kanya at umiling na lang ako, naglabas ako ng tuwalya sa closet ko at pahihiramin ko siya ng malalaking damit ko, bahala siya pasusuotin ko siya ng mini-short. HAHA, ano kaya ang magiging hitsura nito ni Matulog?

“Oh ayan, punta ka doon sa may puting pintuan. Doon ang banyo, maligo ka. At oops gamitin mo ang safeguard, wag ‘yong whitening soap sa ‘kin ‘yon. Saka ‘wag ka nang magpaputi, maputi ka na.” Sabi ko sabay abot sa kanya ng tuwalya, kinuha niya naman. Pero sa kanya pa rin ang kutsilyo niya. Oh men,

Tiningnan ko lang siya na papasok ng banyo at napaupo ako sa couch, at nanood ng tv...

(Exclusive, isang serial killer and di umano pagala-gala sa iba't ibang lugar. Ang pangalan daw nito ay Jeff, kung makita ninyo ito maaaring ipaalam niyo sa mga pulis kaagad.) Agad bumungad sa tv yung larawan ng sinasabing ‘Jeff’ daw... okay…

SANDALI?! HAWIG NI MATULOG 'YON AH!

‘Di kaya, siya si Jeff? Oh my!

A life with Jeff (COMPLETED)Where stories live. Discover now