kabanata xii

208 9 0
                                    

Mamumuhunan

Joaquin

Umuwi ako ng Malabon noong ikalawang linggo ng Agosto. At kasalukuyan na naninirahan sa sariling bahay ni Sebastian. Hindi pa ako maaaring umuwi sa amin at aking sosorpresahin ang aking Ina sa kanyang kaarawan bukas. Mahigit anim na buwan din akong hindi nakasama ang aking pamilya dahil sa pinili ko na doon na muna sa Maynila kahit na sa Hunyo pa ang pasukan. At ng magsimila na ang klase ay naging abala na rin ako.

Nag-iimpake na ako ng aking mga gamit ng may kumatok sa pintuan. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang aking kapatid na si Lito. Kinamusta ko siya at ang kanyang pag-aaral pati na rin sina Ama at Ina. Si Kuya Ricardo ay madalas kong nakikita sapagkat kanya akong binibisita sa tinutuluyan kong dormitoryo.

"Maaari ko ba kayong maabala sandali?" napatingin kami pareho sa kakapasok lamang na si Sebastian. Ang kanyang dalawang kamay ay nasa bulsa ng kanyang suot na saluwal. "Nagpadala ako ng meryenda at dadating din 'yon sa ilang saglit."

"Maraming salamat, Sebastian." saad ko. Kinuha ko ang ilan sa aking mga dinalang libro at ipinatong ito sa aking bagahe.

"Kamusta na nga pala ang iyong mga magulang?" tanong ni Sebastian na ngayon ay nakasandal na sa mesa na malapit sa bintana.

"Ito nga at tinanong ko si Lito. Mabuti naman daw sila. Ang ikinakabahala ko lang ay baka nalaman na ni Ina na umuwi ako. Hindi ko na siya magawang isoorpresa pa."

"Ano ka ba Kuya. Hindi malalaman nina Ina dahil abala na sila sa nalalapit na kasal ni Kuya Ricardo. Kung hindi ko lang sinabi na kaarawan na niya bukas ay hindi niya rin maaalala. " 

Hindi nalang ako nagsalita ng banggitin ni Lito ang pangalan ng aming nakatatandang kapatid. Dahil sa alinlangan na baka makasama pa kami sa may-ari ng tinutuluyan ko ngayon. Hindi ko batid na maalala ni Sebastian ang nangyari noon, pati na rin ni Lito. Isang 'di inaasahang pangyayari iyon sa aming buhay na muntik ng maging dahilan para masira ang aming pagkakaibigan.

Minahal ni Sebastian ang nobya ng kanyang kapatid na si Matias na ngayon ay ikakasal na sa aking kapatid. Totoo nga na malupit ang tadhana. Wala sa amin ang nakabasa sa mga mangyayari at ngayon kami ay lubhang 'di makapaniwala. Ipinalangin na ni Sebastian noon na sana ay hindi na niya makitang muli si Josefa, ang babaeng una niyang inibig. Siya ang dahilan kung bakit niya naramdaman ang masaktan.  Hindi niya ito sinisisi sa lahat ng nangyari sa halip ay sinisisi niya ang kanyang sarili, ang kanyang puso.

"Oo nga pala, nagpunta ang Binibining Josefa kahapon sa bahay kasama si Kuya. Alam ko na kung bakit siya papakasalan ni Kuya," pabalik-balik lang ang aking tingin sa katabi ko na si Lito at sa kaibigan ko na nakasandal lang sa mesa habang nakikinig sa mga sinasabi ni Lito.

"Maaari mo na itong dalhin sa ibaba, Lito." inabot ko sa kanya ang mga dala kong libro para sa kanya para tumigil na sa pagsasalita ang aking kapatid.

"Mamaya na," rinig ko mula kay Sebastian. "patapusin na muna natin si Lito sa kwento niya."

Hindi ko man tanungin si Sebastian o tingnan ang kanyang ekspresyon ay alam ko na naaalala niya si Josefa. Sabi nga nila ay hindi madaling kalimutan ang unang pag-ibig, ang unang tao na nagpatibok ng iyong puso. Hindi ko pa man naranasan ang ganoon na pakiramdam ay alam ko na totoo at seryoso ang aking kaibigan noong kanyang minahal si Josefa. Nakita ko sa kanyang mga kilos at salita at alam ko rin na naramdaman iyon ng dalaga.

"Mamaya na Kuya Joaquin, umupo ka nalang muna at kumain." inabot saakin ni Lito ang ensaymada.

Naalala ko pa ang mga sinabi ni Sebastian noong nalaman niya na nobya pala ni Matias nag kanyang iniibig. Nadama ko ang mga kanyang sinabi at kahit na hindi siya umiyak sa harap ko habang kinukwento ang kanyang nalaman ay alam ko na sa loob niya ay nasaktan siya ng higit pa sa aking iniisip sa mga panahon na iyon. Nasabi niya na nagmahal siya ng maling tao kaya siya nasaktan ng sobra.

Para sa akin ay walang maling tao kapag ikaw ay nagmahal. Hindi mali ang magmahal, sa tama o maling tao man ito. Nagmahal ka lang sa maling oras pero 'di maling tao dahil sa pag-ibig lahat tayo ay karapatdapat na maramdaman ito. Siguro'y nahuli lang si Sebastian kaya siya nasaktan. Kung nakilala man lang din niya si Josefa ng mas maaga ay nakakasiguro ako na siya ang magpapakilala rito sa kanyang pamilya.

Ngunit, nahuli siya.

"Halika na, bumaba nalang muna tayo at may ihahatid pa akong sulat sa Santo Rosario."

Nang makababa na kami ng hagdan at patungo na sa pinto ay nagsalita si Sebastian. Tinanong niya ako kung ano ang gagawin ko sa Santo Rosario ngayong gabi na. Ipinasilip ko sa kanya ang sulat na aking dala bago ito ilagay ulit sa loob ng aking dala-dalahan.

"Nagkataon na nagkita kami ni Don Nicolas sa noong pista sa San Isidro. Hindi niya nagawang iabot kay Don Juan ang itong sulat kaya kanya akong hiningan ng tulong." babalaan akong kumilos sa 'di pa nakaapak ang aking paa sa kalesa na maghahatid sa amin sa Santo Rosario ay nilingon ko si Sebastian. "Maraming salamat, kaibigan. Pasensya ka na sa mga narinig mo kay Lito. Nakalimutan na ata niya ang nangyari noon at gayon nalang kung makapagsabi ng kwento sa iyo."

"H'wag mong alalahanin iyon, Joaquin. Walang problema ang pagkukwento ni Lito tungkol sa nalalapit na kasal nila ng iyong Kuya Ricardo," huminga siya ng malalim bago umiwas at tumingin sa malayo. "Ako'y nagsisinungaling na kapag sinabi ko sa iyo ngayon na wala na akong naramdaman na pagkunwari. Ngunit, unti-unti ko ng natatanggap na ang babae na 'yon ay hindi para sa akin. Mabuti nlang siguro at sa kapatid mo siya mapupunta."

Tumango ako sa sinaad ni Sebastian at tinapik ang kanyang balikat tsaka nauna ng sumakay sa kalesa.

"Maraming salamat, Ginoong Sebastian." nakangiting saad ni Lito.

"Makakapunta ka ba bukas sa kaarawan ng aking Ina?" tanong ko sa kalugud-lugod na tingin ni Sebastian.

"Maari."

Iyon lamang ang kanyang sinabi na akala ko ay wala ng pahabol pa. Sa sunod niyang itinanong ay napaisip ulit ako sa aking narinig noong nasa bahay kami nina Senyor Arturo.

"May nalalaman ka ba na nagbebenta sa galyeon?"

Laganap na ang balita na maraming napapabayaan na kabuhayan dahil sa mataas na kita ng nasabing pangangalakal. Marami ang nawawalan na ng direksyon sa kung paano nila payabungin ang kanilang mga pananim at makatanggap ng pera o pagkain para sa kanilang mga pamilya. Ang mga nagsisipag ay unti-unting nakaligtaan.

Mula sa Pilipinas ay itinatawid o dinadala ang mga kalakal sa Mehiko at ipinagbibili sa mataas na halaga. Ang mga mayayaman ay lalong yumayaman habang ang mga magsasaka ay naiwan matapos pakinabangan.

Ang Pag-ibig ni Maria IsabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon