kabanata v

603 34 42
                                    

Sa Labas

Mag-iisang linggo na matapos ng ikulong ulit si Maria Isabel sa kanyang silid. Limitado na rin ang kanyang pakikipag-usap sa mga kasambahay na nag-alaga sa kanila ng kanyang kapatid. Ngayon ay ang tangi lamang niyang libangan ay ang pagbabasa ng mga libro tungkol sa agham at panitikan. At minsan din ay mga nobela at tula ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.

Naihahambing ni Maria Isabel ang buhay niya sa isang bilanggo. Nakatira sa kwadradong lugar na walang ibang kasama at makaka-usap at hinahatiran ng mga makakain sa oras na dapat. Pero inisip niya na mas mahirap at malungkot ang isang tunay na bilanggo sa kanya dahil may mga bagay naman siya sa kanyang silid na pwedeng pagkaka-libangan.

Humiga siya sa kanyang kama, habang nakaharap sa bintana at nakita ang dalawang ibon na nasa sanga ng kahoy. Napaisip siya bigla kung ano ang pakiramdam ng isang taong malaya. Napangiti siya habang nakatingin sa dalawang ibon na masaya na nasa kanyang harapan.

"Magandang umaga, mga munting ibon." sabi niya pagkatapos niyang umupo mula sa pagkakahiga sa kama. Kanyang nilapitan ang bintana at itinapat ang mukha sa araw na siyang kakasikat pa lamang.

Napalingon naman siya kaagad sa pinto ng tumunog ito at dali-daling pumasok si Angelita na may mga dalang bagahe. "Ihanda mo ang lahat ng kanyang mga gamit at aalis na kayo pagkatapos,"

Naguluhan si Maria Isabel sa kanyang narinig kaya nilapitan niya ang kanyang ama at kinausap.

"Ama, para saan po't nililigpit ni Angelita ang aking mga gamit? Tayo po ba'y aalis, .. kung gayon, saan?" huminga ng malalim si Don Juan bago nito hinarap si Maria Isabel.

"Doon ka muna sa kumbento para mag-aral ng dapat at 'di dapat gawin ng isang babae sa isang kinikilalang pamilya. Mabuti na rin iyon para matuto ka rin ng mabuting asal, Isabel."

Nabitawan ni Maria Isabel ang braso ng kanyang ama ng marinig niya ang sinabi nito. Hanggang ngayon pala'y may sama pa rin ito ng loob sa kanya at sa isip niya'y matatagalan pa bago siya nito mapapatawad.

"Halika, Binibini at ika'y akin ng bibihisan para sa ating pag-alis."

Tumango na lamang si Maria Isabel sa sinabi sa kanya ni Angelita at sa kanya'y sumunod.

Joaquin

"Propesor Alejandro," panimulang tawag ko sa lalaki na kakalabas pa lamang ng simbahan. Siya ang isa sa aking mga propesor dito sa unibersidad na aking pinapasukan, ang Colegio de San Juan de Letran. "Maligayang araw."

"Joaquin, sa makalawa pa ang simula ng klase. Halika't may ipapakita ako sa iyo na mga bagong libro galing Espanya. Halika," malugod naman akong sumunod sa kanya. Si Propesor Alejandro ay isa sa mga nakasama nina Marcelo H. Del Pilar, Jose Rizal at ibang mga kilalang Ilustrado noong sila'y nagtungo sa Madrid.

Dahil sa kanyang pagmamahal sa literatura ay napili niya na maging propesor at magturo. Nakasama niya ang kilalang si Jose Rizal noong ito'y nagsusulat pa lamang ng kanyang mga nobela. Dahil siya'y may pagkadalubhasa sa nasabing larangan ay nagbigay siya ng mga payo tungkol sa sinusulat nito.

Sa aming paglalakad patungo sa librarya ng unibersidad ay nakasalubong namin si Madam Victoria, ang la monja principal ng kumbento at may mga kasama itong dalawang bininini.

"Maligayang araw, Madam Victoria." napalingon naman sa amin ang madre ng marinig ng kanyang pangalan.

"Magandang araw din sa iyo, Propesor Alejandro." bati nito sa aking kasama at ng tumingin ito sa aking gawi ay aking tinanggal ang aking sumbrero at siya'y binati.

Ang Pag-ibig ni Maria IsabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon