kabanata viii

359 22 12
                                    

Ikwento Mo Sa Pang-ipit

Sa bahay ng mga Buencamino ay dumating si Don Nicolas na siyang Gobernadorcillo ng Santo Nino at Don Fernando. Nag-inuman ang mga kapwa peninsulares at kanilang napag-usapan ang pagkamatay ng encomenderong si Lucas na kanilang kilala. Nagkatinginan ang dalawang Gobernadorcillo na si Don Jose at Don Ferdinando.

"Kamusta nga pala ang iyong negosyo, Don Jose? Balita ko'y marami ang iyong ani nitong nakaraang buwan dahilan para ika'y nakapagpadala ng kalakal sa ibang lupain?" pag-iiba ni Don Nicolas sa usapan. Kahit na hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa kanyang isipan na ang kanyang encomienderong kaibigan ay pinatay.

Si Don Nicolas ay isang peninsulares na nakapag-asawa ng isang insulares kuno na nagngangalang Donya Lucia. Si Don Nicolas ay galing sa pamilya na siyang pinakamayaman sa boung pueblo na ngayon ay kanyang pinamumunuan. May negosyo din itong tobacco at naniniwala ito na magiging matagumpay ang komersiyong ito sa darating na mga panahon.

Kaya lubos nalang ang pagka-inggit nina Don Jose at Don Fernando kay Don Lucas dahil bukod sa mayaman ay sadyang may alam din ito sa negosyo. Hindi lang tobacco ang meron ang Don Nicolas at may lupain din ito na may tanim na mga puno ng mangga at buko, may sili at kamatis at ang pinakasagana ay palay.

Kilala ang boung angkan ng Gobernadorcillo dahil sa mayaman sila.

Nang makaalis ang Don Nicolas ay natahimik nalang ang magkaibigang Don Fernando at Don Jose. Matagal na ang kanilang inggit sa mayamang matanda. Dahil sa kinatagal-tagal ng kanilang pagpa-plano kung paano ipabagsak ang Gobernadorcillo ay tila ba tumututol naman ang panahon at tadhana. Palaging palpak ang mga plano kaya nababagot at naiinis na si Don Jose.

"Kailangan ko ng umalis, Don Jose. Sa susunod na araw nalang natin pag-usapan ang kasal ng iyong anak na si Esmeralda. Naniniwala naman ako na makikita siya ng iyong mga tauhan," sabi ni Don Fernando ay ininom ang huling alak na nasa kanyang baso. "Paalam muna ngayon, aking mga kaibigan."

Ng makaalis na ang Gobernadorcillo ay agad naman pumasok at lumapit sa kanya ang isa sa kanyang mga kawal.

"Nakita na namin si Esmeralda at ang kanyang nobyo na si Manuel. Nasa bundukin sila ng Santo Nino." tumango si Don Jose at siyang paglabas din ng kawal. Ngayon ay nabuhayan siya ng loob at maitutuloy na niya ang kanyang plano.

Kailangan na maikasal si Esmeralda kay Sebastian para masimulan na niya ang kanyang mga plano. Maliwanag ang mukha ng Don Jose ng ito'y lumabas ng bahay. Ang lupain nito na nasa kanyang harapan ay kanyang pinagmasdan. Nakita niya ang kanyang mga magsasaka na nasa palayan. Pagbaba niya ng hagdan ay agad sumunod sa kanya ang kanyang mga kawal.

Kanilang sinundan si Don Jose at sila'y nagpunta sa malaking lupain na nasa likod ng bahay kung saan nakatanim ang mga mais. Nang makita siya ng mga taong nagtatrabaho sa kanya ay mas tinoun nila ang kanilang atensyon sa pagtatrabaho. Takot ang lahat 'pag nandyan si Don Jose at makita na pabagal-bagal sila sa pagtatrabaho baka ito pa ang dahilan para babaan nito ang kanilang sahod o di kaya'y paalisin sila sa trabaho.

Napansin din ng mga magsasaka na palinga-linga ang Gobernadorcillo na parang may hinahanap ito. Bumaba ito sa sakahan at lumapit sa isang matandang magsasaka na nagbubuhat ng mga na ani nilang mais.

"M-magandang umaga, Don Jose." hinihingal na sabi ng matanda ng makita niya ang kanyang amo sa kanyang harapan. Minabuti nito na batiin ang Señor kahit na ito'y hinihingal na sa kakatrabaho.

"Nasaan si Pedro, Mang Kanor?" napahinto ang matanda at napaharap kay Don Jose ng marinig niyang tanungin siya nito.

"Pas-ensya na po, Don Jose ngunit tatlong araw na po na hindi ko nakikita si Pedro." tumango nalang ang Don Jose at agad inutusan ang isa sa kanyang mga kawal na papuntahin sa mansyon si Pedro.

"Masusunod po, Don Jose." magalang na sabi ng kawal at ng makaalis na ito ay siyang paglalakad din ni Don Jose pabalik sa mansyon.

Maria Isabel


Tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni Madam Victoria. Natatakot ako na magtanong sa kanya o magsalita dahil sa mukha itong nabigla ng makita niya kami kanina sa palengke ni Ginoong Joaquin. Ang akala kasi nito na nasa karwahe lang kami at naghihintay sa kanila ni Angelita na bumalik. Baka iniisip niya na hindi ako marunong sumunod sa mga utos pati na sa sinabi niya na manatili lamang sa karwahe.

Mabuti nalang din na dumating siya at si Angelita dahil baka kung ano na ang sinabi at tinanong ni Sebastian sa akin kanina. Kami nalang tatlo ngayon ang nandito sa karwahe na kasalukuyan namin na sinasakyan patungo sa dormitoryo. Nagpa-iwan kasi si Ginoong Joaquin sa palengke at kakausapin niya si Sebastian.

Ng maalala ko si Ginoong Joaquin ay pasimpleng napahawak ako sa pang-ipit na nasa aking buhok. Sumagi din sa aking isipan ang nangyari kanina kaya heto ako ngayon at nagpipigil ng ngiti.

Hanggang sa makaapak ako sa dormitoryo at nakasunod lang kay Madam Victoria ay 'di parin mawala sa aking isipan ang mukha ni Ginoong Joaquin. Habang ang mga gamit naman namin ni Angelita ay isa-isang dinala ng mga madre sa aming silid. Napatingin nalang ako sa aking kaliwa ng siniko ako ni Angelita na kunot-noong nakatingin saakin.

"Kanina ka pa tahimik at ngiti ng ngiti. Ano ba ang nangyayari sa'yo, binibini?" hindi ako sumagot at sa halip ay nginitian lang si Angelita na sigurado ako na mamatay sa pagkausisa.

"Wala, h'wag mo ng itanong Angelita." nakangiti kong sabi sa kanya.

Pag-apak namin sa pangalang palapag ng aming dormitoryo ay nakasalubong namin ang ilang mga estudyante. Namangha ako at nasisiyahan dahil marami kami dito na mag-aaral. Sa ilang taon ng aking buhay ay sina Ama, Ina, ate Esmeralda, Angelita at nay Belen lang ang aking nakikita. Hindi ko naman inasahan na makakalabas pa pala ako sa aking silid, sa silid namin ni ate Esmeralda.

"Magandang hapon po, Madam Victoria." bati ng ilang madre at mga binibini na aming nakakasalubong.

Muntik pa akong mabangga sa likod ni Madam Victoria ng bigla siyang huminto sa harap ng pinto sa pinakahuli. Hinila naman ako kaagad ni Angelita bago pa nakaharap saamin si Madam Victoria.

"Ito ang magiging silid n'yo ni Angelita." kumatok si Madam Victoria at binuksan ang pinto. Unang tumambad sa amin ay ang isang babae na nakaupo sa kanyang kama.

"Magandang hapon, Madam Victoria." sabi nito ng makatayo siya at nagbitaw ng matamis na ngiti saamin ni Angelita. "Magandang hapon, mga binibini."

"Apat kayo sa silid na ito. Siya si Felicidad, ang isa sa inyong makakasama. Nasaan na nga pala si Josefa?" sa boses pa lang ni Madam Vitoria ay natatakot na ako. Hindi naman ganyan magsalita o magtanong saakin si Ina at ang mga nakikita't nakakasama ko. Para siyang si Ama kung magsalita, ma-awtoridad.

"Sinundo po s'ya ng kanyang Ina dito. May pupuntahan daw po sila sa Cavite." tumango na lamang si Madam Victoria sa sinagot ni Felicidad.

"Sige, maiwan ko na kayo dito. Magpahinga nalang muna kayo ni Maria Isabel, Angelita. Sigurado ako na napagod kayo sa biyahe." saad ni Madam Victoria at ng siya'y makalabas at maisara ang pinto ay masayang lumapit sa amin si Felicidad.

Siya'y nagpakilala sa amin ng maayos at ganoon din kami ni Angelita sa kanya. Ako pala'y kanya ng kilala sapagkat siya'y dumalo sa kasal ng aking ate Esmeralda. Siya ang bunsong anak nina Don Nicolas at Donya Lucia na taga-Santo Nino. Ikinalulungkot din niya ang nangyari at ipinagdadasal niya na makita na ang nawawla kong kapatid. Natahimik ako dahil may alam ako sa nangyari. Nakakalungkot na may mga taong nag-aalala na sa aking kapatid kahit na hindi naman nila kami lubusang nakita't nakilala.

"A-ah, pasensya na kayo mga binibini. Masyado na ba akong madaldal? Patawad," nahihiyang sabi saamin ni Felicidad kaya aming sinigurado ni Angelita na ayos lang kami.

Pagkatapos ng aming kwentuhan ay nagkatinginan nalang kaming tatlo. Wala na kasing nagsasalita sa amin na dahilan para matawa nalang sa aming itsura.

"A-ah, teka, binibining Isabel," kunot-noo na napatingin sa akin si Angelita at sinilip ang aking likuran. "Hindi ko kailanman nakita iyang pang-ipit mo na iyan."


Ang Pag-ibig ni Maria IsabelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon