Wakas

80 1 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

Nagising si Roberto sa mga katok sa kaniyang kwarto. Nagtaka siya paano siya nakauwi. Pagbukas ng kanyang palad naroon ang kwintas na ibinalik ni Sam sakanya. Napabalikwas sya ng bangon. Binuksan nya ang pinto. Naroon si Simoun at nakasuot ito ng amerikanang itim pero long back. May rosas itong corsage. Ngumuti siya kay Roberto at sinabing

"Ano Roberto? Ngayon ka palang gigising? Araw ng kasal mo ngayon kapatid." pagpapaalala ni Simoun.

"Nasaan si Sam?" tanong ni Roberto.

"Sinong Sam?" tanong ni Simoun na naguguluhan. Dali daling tumakbo papalabas si Roberto ng hacienda at hinanap si Sam. Kahit isa ay walang nakakakilala dito.

Lumabas si Roberto ng villa. Agad siyang nagtungo sa tirahan ni Lola Isidra.

"Lola nasaan po si Sam?" tanong ni Roberto.

"Apo sinong Sam?" tanong ng matanda.

"Yung babaeng nakatira dito na may alagang aso." sagot ng binata.

"Apo ako na lamang mag isa sa buhay at ni minsan wala namang dumalaw sa akin o tumira dito sa aking tahanan." sagot ni Lola Isidra.

Doon ay nagsimulang umiyak na parang bata si Roberto. Lumabas siya at nagtungo sa puno ng akasya.

"Samanthaaaaa!!!!" sigaw ni Roberto at lumuhod habang umiiyak. Nakita niya ang nakaukit doon na R&S at hinipo nya ito. Naalala nya ang bilin ng dalaga. Inilabas nya mula sa kaniyang bulsa at inilibing doon sa ugat ng puno ang kwintas ni Sam.

Habang umiiyak si Roberto ay nagsalita siya.

"Mahal ko ipinapangako ko sa iyo na hanggang sa huli kong hininga ikaw lamang ang aking iibigin. Hindi kayang hadlangan ng tadhana ang pagibig ko para sayo. Dalhin mo sana iyon sa hinaharap." pinahid nya ang kanyang luha at kahit masakit tumayo siya pabalik ng Villa Crisostomo at pumunta sa Simbahan para sa nalalapit niyang kasal.

"Ate.. Ate.. Okay ka lang po?" tapik ng isang pitong taong gulang na bata kay Sam. Nakatulog pala siya. Napangiti sya sa bata at kinausap ito.

"Nakatulog pala ako sorry hehe. Matagal na ba ko dito?" tanong ng dalaga sa bata. Kulot din ito tulad ni Joaquin. Kaso si Joaquin ay baby pa. Namiss nya tuloy yung sanggol.

"Ahhmm siguro po mga 5 minutes po." sabi ng bata.

"Wacky lets go. Uuwi na tayo!" tawag ng marahil ay ina ng bata.

"Ay ate uuwi na po ako tawag na po ako ni Mommy. Bye po." at tumakbo paalis ang bata. Natawa si Sam.

"Si Lord talaga pinagbigyan yung 5 minutes ko pero infairness ah feel na feel ko ang 5 minutes mo." nakangiti si Sam habang nakatingala sa langit. Tanggap na nya.

Atleast nagkaroon siya ng very very great experience. Napatingin siya sa puntod na kinaroroonan niya. ROBERTO CRISOSTOMO 1781-1867. Napangiti siya. Nadagdagan pa pala si Roberto ng 58 years bago ito yumao sa edad na 87.

ARF! ARF! Napalingon siya kay Cookie na nakatali sa nakausling ugat ng akasya. Tahol ito ng tahol at pilit hinuhukay ang lupa. Lumapit si Sam. Nakuha ni Cookie ang isang kumikinang na bagay. Nilinis ito ni Sam at nakita niya ang kwintas na ibinigay ni Roberto.

"Mabuti at sinunod mo ko mahal ko." bulong nya sa sarili. Nakita nya ang bakas ng kanyang ukit na R&S sa puno kahit pa mukhang pinaglipasan na ito ng panahon. Hinipo nya ito at sinabing

"Mamimiss ko ang isang katulad mo Roberto." at tuluyang umalis sa lugar na iyon. Uuwi na si Sam upang ayusin ang kanyang mga gamit.

Habang naglalakad pauwi nadaanan niya ang hotel na dinisenyo ni Roberto. Kumpleto ito at walang kulang tulad ng nasa blueprint na nakita niya noon. Pinangalanang Crisostomo Heritage Hotel ang gusali. Napangiti siya. Pinili nyang pumasok muna roon. Sa lobby naroon sa gitna ng hallway ang blueprint na gawa ni Roberto na nakasealed sa glass table. Sa lobby rin makikita ang malaking larawan na painting ng mukha ni Roberto Crisostomo. Iginala nya ang kanyang mga mata.

Sa isang sulok ng hotel mayroong nagtitinda sa isang bookstand. Ang nakalagay sa signage ay TRIBUTE TO THE GREATEST ARCHITECT ENGINEER: ROBERTO CRISOSTOMO. Lumapad ang ngiti niya. Sa isip nya nabago ang panget na nakaraan sa kasaysayan. Bumili siya ng libro doon na pinamagatang THE GREAT MANS LIFE: MY FATHER na isinulat ni Joaquin Crisostomo. Naiyak sa tuwa si Samantha sa nakita. Ngayon maluwag na ang kanyang kalooban. Bukas ay naka schedule na ang flight nya pabalik ng Cebu. Paalam Zamboanga. Paalam Dapitan.

Magkabilang Panahon by SuccubusWhere stories live. Discover now