Kabanata VI

76 1 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA VI

"Saan tayo tutungo binibini?" tanong ni Roberto sa dalaga.

"Doon sa apartment na nakita ko kanina. Rerentahan natin yun hanggang masolve natin yang problema mo." sagot ni Sam.

"Ano ba ang apartment?" tanong ni Roberto.

"Hays.. Upahan yun. Bahay. Babayaran natin yung may ari para makatira tayo kahit ilang buwan lamang." pasensyosang sagot nito.

Narating nila ang apartment at namangha si Roberto sa loob nito. Fully furnished ito. Nakita nya ang flatscreen gaya ng nasa tabi ng pawnshop kanina at naka power on ito.

"Nakakamangha! Mga larawang gumagalaw tulad ng mga tao at hayop sa paligid." sambit ni Roberto.

"TV tawag jan." turo ni Sam.

"Binibini napansin kong hindi ko pa alam ang iyong pangalan. Maaari ka bang magpakilala sa akin?" tanong ni Roberto. Natawa si Sam. Oo nga pala di pa alam ni Roberto ang pangalan nya.

"Ako nga pala si Samantha delos Santos señorito. Ang iyong tagapaglingkod." at nagkunwaring yuyuko tulad sa sinaunang panahon kung kaya't nagkatawanan sila. Isa lang ang kwarto ng apartment. My umupa na daw kasi bago sila magpunta doon. Wala na sila nagawa.

Plinano ni Sam na kinabukasan ay makapamili sa mall. Pansamantalang nanghiram muna sya sa landlady ng kanilang susuotin para sa gabing iyon. Abala si Roberto sa panonood ng tv. Natutuwa sya ngunit biglang napabalikwas ng buksan ni Sam ang flourescent na ilaw.

"Nakakamangha! Napakaliwanag na gaserang walang mitsa at apoy!" parang bata sa pagkamangha si Roberto.

"Hahahaha! Flourescent lamp ang tawag jan awtomatiko ang pagpatay at pagbukas nyan gamit ang kuryente." at dinemo ni Sam ang on at off sa binata. Nakikinig naman ito sa kanya. Tinuro naman ni Roberto ang gripo at ipinaliwanag din ni Sam kung paano gamitin iyon.

Alas dyes ng gabi ng maisipan nilang magpahinga na. Nagpresenta si Roberto sa sofa matulog at si Sam sa kama. Alas onse ng gabi ng mataranta si Roberto. Paikot ikot sya sa apartment at dahil doon naalimpungatan si Sam.

"Roberto may problema ba?" tanong nito sa binata. Butil butil ang pawis nito at di mapakali.

"ka-ka-kasilyas Sam ..Walang kasilyas dito!" sagot nito kay Sam. Inisip ni Sam kung ano yung kasilyas. Biglang umutot si Roberto ng napakabaho. Hiyang hiya sya sa dalaga at nataranta si Sam.

"Sa CR!!!!" doon ay tinuro nya kung saan uupo si Roberto. Binantayan niya ang binata. Doon sya syempre sa labas ng cr.

Nang makapaghugas ang binata, binuksan nya ang pinto ng cr.

"Napakalaki ng utang na loob ko sayo Samantha salamat." buntong hininga nito at lapad ng ngiti kay Sam.

"Roberto ang baho ng tae mo halika dito sa loob! Ituturo ko sayo paano mag flush!" pasok ng dalaga sa cr. Sumunod naman ang binata. At lumipas ng maayos ang kanilang unang gabi.

Magkabilang Panahon by SuccubusWhere stories live. Discover now