Kabanata XIII

65 7 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA XIII

Isang linggo nang umiiyak si Sam. Isang linggo na rin syang nagluluksa sa pagkawala ng kaniyang minamahal. Si Cookie nalang ang meron siya. Isang hapon napagdesisyunan nyang ipasyal si Cookie. Hindi parin sya maka getover sa nangyari sa kanila ni Roberto. Nagdala siya ng bag at payong. Makulimlim kasi ngayon. Mukhang nakikisimpatya sakanya ang panahon. Nagpunta sila sa simbahan sa Dapitan kung saan nya unang nakita si Roberto. Papalapit palang siya sa puntod nito ay lumuluhod na siya at habang papalapit sya ay palakas ng palakas ulit ang pag iyak nya. Umupo siya sa lilim ng puno ng akasya na nasa gilid ng puntod nito at tinali si Cookie sa isang nakausling ugat ng puno. Pinahid nya ang lapida ni Roberto Crisostomo. Hindi nya mapigilang umiyak.

"Lord bakit? Puro nalang ba talaga kamalasan ang aabutin ko? Andun na eh. May forever na ako eh. Pero bakit?" hagulgol ni Sam. "Mahal ko. Mahal ko sabi mo hindi ka na babalik dyan. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Tangina ka Roberto! Ano pinaasa mo lang ako ha?!" pinalo palo nya ang puntod ni Roberto. Kahit mukha na syang baliw tuloy tuloy parin siya. "Diba nagising ka dahil sa lakas ng iyak ko? Sige lalo ko pang lalakasan!" umiyak pa ng mas malakas si Sam. "Roberto mahal ko hindi ko na kaya. Gusto ko ng sumunod sa iyo. Baka sa heaven may forever na tayo." hagulgol ni Sam.

"Lord kunin mo na ako please. Ayoko ng maghirap ng ganito." patuloy parin sya sa pag iyak. "Lord kung hindi mo sya kayang ibalik sa akin, kahit 5 minutes lang pagbigyan mo akong makasama siya muli. Gusto ko lang magpaalam ng maayos." dasal ni Sam. Punong puno ng sakit at hapdi ang kanyang puso. Sa tuloy tuloy nyang pag iyak hindi nya namalayang siya'y nakatulog.

Nagising siya sa patak ng malakas na ulan. Agad nyang binuksan ang kanyang payong at ikinubli si Cookie. Napalingon sya sa paligid. "Hala? Nasaan ako?" palinga linga sya. Wala ang mga building. Wala ang puntod ni Roberto. Puro palayan at putikan ang paligid. Nagsimula syang maglakad ngunit nagulat siya ng tilamsikan siya ng putik sa kanyang damit.

"Tontang estupidang indio!" sigaw ng lalaking nakapang tinyente na nasakay sa isang puting kabayo. Napahinto si Sam. Ang tinig na iyon. Tinig iyon ni Roberto. Agad nya itong nilapitan. Basang basa silang dalawa sa ulan. "Mahal ko! Roberto!" sigaw ni Sam. Lumingon si Roberto.

"Anong maipaglilingkod ko indio? Sino ang iyong amo alipin? Hindi na bago sa aking pandinig na mahal ako ng kababaihan. Ang aking kakisigan ang kanilang hinahangaan. Salamat sa papuri indio. Bumalik ka na sa iyong amo." payabang na sabi ni Roberto at pinatakbo ang kabayo. Natulala si Sam. Nakabalik siya sa nakaraan ngunit hindi naman siya kilala ng kanyang mahal.

Magkabilang Panahon by SuccubusWhere stories live. Discover now