Kabanata IX

69 4 0
                                    

MAGKABILANG PANAHON

KABANATA IX

Matamlay ang dalawa hanggang pag uwi. Marahil napagod sa paghahanap sa kasagutan ng problema, nang matapos ang hapunan nagsihiga na rin silang dalawa sa kani-kanilang pwesto.

Binasag ni Roberto ang katahimikan "Binibini iniisip ko parin kung paano ako makakabalik sa aking pinagmulan?".

"Malalaman din natin ang kasagutan Roberto." naawang sagot ni Sam. Bigla ulit tumahimik si Roberto.

Nakikita ni Sam ang kalungkutan sa kanyang mata kahit pa sinag na lamang ng buwan mula sa nakabukas na sliding door ng terrace ito nanggaling. Napaka tangos ng ilong ng binata, mahaba ang pilikmata at brown na mga mata, napansin nya iyon kanina sa museo. Maninipis at pinkish din ang labi nito na walang bahid ng nicotine. Siguro napaka bango ng hininga nito at masarap halikan. Masarap kaya siya humalik?? Ay teka teka bakit napunta sa halik? Naglipat ng tingin si Sam. Kumabog ang dibdib nya. Naibaling nya ang tingin nya sa bruskong braso ng binata papunta sa dibdib nito. Napalunok siya at lalong naramdaman ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso. Kinapa nya ang dibdib nya at naisip kung pagibig na ba ang nararamdaman nya. Ngunit sa pisikal at kakayahan ng binata talagang hinahangaan nya ito.

"Binibini kanina mo pa ako pinagmamasdan mayroon ka bang nais sabihin?" basag ni Roberto.

Nagulat si Sam at namula. Buti nalang at hindi kita ang pagblush nya dahil patay ang ilaw.

"Ah.. Eh.. Wala.. Naisip ko lang siguro gustong gusto mo na umuwi sa inyo" may halong lungkot ang tinig ni Sam.

Napangiti si Roberto sa reaksyon ng dalaga. "Oo nais ko na rin bumalik" sagot ng binata.

"May naghihintay ba sa iyo doon? May girlfriend ka ba?" tanong ni Sam.

"Ano yung girlfriend?" tanong ni Roberto. "Girlfriend yun yung kasintahan o minamahal o di kaya'y katipan." paliwanag ni Sam.

"Iisa lang ang babaeng mahal na mahal ko" sagot ni Roberto. Nanlumo si Sam. Hindi pwede kung ano man ang nararamdaman nya.

"Sino? Asawa mo o girlfriend?" tanong ni Sam.

"Si ina. Siya lang ang babaeng mahal ko." sagot ni Roberto. Nakahinga ng maluwag si Sam.

"Ah so single ka pala, hindi ka pa kasal." nangingiting sabi ni Sam. "Kasal na ako." sagot ni Roberto.

"Ano??! E sabi mo mama mo lang ang mahal mo. Bakit ka kinasal?" nabiglang tanong ni Sam.

Nagtaka si Roberto. "Kailangan ba iniibig mo ang isang tao para pakasalan?" tanong nito.

"Oo syempre naman! Wag mo sabihing hindi mo mahal ang asawa mo?! Sabagay babaero ka nga diba sabi sa libro!" may halong pagkainis yamot at selos ang tono ni Sam.

Humagalpak ng tawa si Roberto. "Pilit akong ipinakasal kay Katarina upang mapalawig ang aming lupain at hindi dahil sa ngalan ng pag-ibig. Ganun ba kayong nasa hinaharap nagpapakasal sa taong mahal mo lamang? Paano ang susunod nyong salinlahi? Anong kakainin nila at yaman nila?" sarkastikong saad ni Roberto.

Nainis si Sam sa sagot nito sakanya. "Ang mga tao ngayon sa henerasyon namin marunong makuntento at magmahal! Kayang lagpasan ang anumang pagsubok basta mgkasama sa hirap man o ginhawa. Yun ang pagmamahal!" galit na sagot ni Sam.

Natatawa at hindi makapaniwala si Roberto sa nalaman nya. Yaman kapalit ng pag-ibig? Hindi ata maari yun sa kanya. Hindi pa nga nya nararanasan ang umibig at di nya alam ang pakiramdam ng umibig. Puro pakikipagtalik lang ang alam nya. Sanay sya na kapag nginingitian at ginagamitan nya ng pisikal nyang katangian ang mga babae ay papayag na sila para makipagtalik sakanya. Hindi totoo ang pag-ibig para sakanya. Kathang isip lamang iyon ng mga indio. Nahinto ang kanyang pagiisip ng magtanong ulit si Sam.

"Eh bestfriend meron ka ba nun?". "Ano naman ang bestfriend?" tanong ni Roberto. "Matalik na kaibigan. Sanggang dikit ganun." sagot ni Sam.

Napangiti si Roberto. "Oo meron si Simoun." sagot nito sa dalaga. "Dali! Magkwento ka!" sabi ng dalaga at napaupo sya sa kama tila estudyante na makikinig sa klase. Nalungkot ang mukha ni Roberto.

"Kapatid ko si Simoun. mahilig kami sumakay sa kabayo. Paunahan kami. Nagsasanay din kaming dalawa sa paggamit ng espada. Wala pa siyang asawa." sabi ni Roberto ngunit lumungkot ang kanyang mukha "Ngunit si Simoun ay nalunod sa lawa habang naliligo. Sabi ng mga kawal may kasama raw itong babae ngunit hindi nila napagtanto kung sino iyon." kwento ng binata.

"Baka yung babae ang may sala?" hula ni Sam.

"Marahil nga, iyon ang dahilan kung bakit kami ikinasal ni Katarina. Sila dapat ang nakatakdang ikasal hindi kami." dugtong ni Roberto.

Napapatango nalang si Sam. "Uhhhm Roberto kung may asawa ka edi may anak ka na din?" tanong ni Sam.

"Oo pero patay na rin" sagot ni Roberto.

"Diyos ko. Sumalangit nawa ang baby mo. Sorry di ko sinasadyang itanong pero anong ikinamatay nya?" panguusisa ni Sam.

"Hindi ko alam." sagot ni Roberto.

"Jeskelerd! Tatay ka ba? Di mo alam sakit ng anakis mo?! Eh yung lintik mong asawa nasan yun? Bkit di nya inaasikaso ang anak nyo?" bwisit na bwist si Sam.

Natawa si Roberto sa reaksyon ng dalaga. "Ang mga tulad namin ay hindi nag-aalaga ng sanggol. Gawain iyon ng mga aliping Indio." paliwanag ni Roberto.

"Taragis na yan. Inasa sa yaya kaya patay tapos ikaw puro pambababae lang. Asan ang hustisya? Anong klase kang magulang? Pabaya!" galit na galit na talaga si Sam kung kaya't nagtalukbong nalang siya upang matulog. Nagtataka man si Roberto ngunit hindi nya alam kung saan sya nagkamali. Sinabi lang naman nya ang katotohanan.

Magkabilang Panahon by SuccubusWhere stories live. Discover now