"Sinabi ko namang lumayas ka na diba??!" bulyaw ko sa hindi pa nakikitang si Arkien.

Pinagpawisan ng malapot ang lalaking estudyante na nagbukas ng pinto. Ikaw ba naman ang salubungin ng sigaw diba?

I opened my mouth to apologize or say something coherent but I couldn't. Hindi ko alam kung mas mabuti bang tumakbo nalang ako palabas ng silid na ito para takasan ang sitwasyon ko ngayon.

Curse you Arkien Lozada!

"Uhh... M-Miss Pres?" Rinig ko ang kaba sa boses ng lalaki. He looks like a junior.

I cleared my throat before speaking. "Uhh sorry about that. I wasn't yelling at you by the way. So uhm, anong atin?"

Mukhang nakahinga naman agad siya ng maluwag. "Miss Pres, a VIP wants to see you in the err VIP room."

VIP my ass. Tambayan lang naman ng dimunyung 'yun ang lugar na 'yun eh. Ibang klase din ang messenger ng dimunyung 'yun ah, sabay na sabay sa uso.

Hindi ko na itinanong kung bakit gusto akong makita ni dimunyu.

Knowing him, I know he'll take the pleasure of telling me whatever his orders are. Ano pa bang magagawa ko? Eh di hamak na alipin niya lang naman ako diba? Saklaugh lang talaga.

I took deep breaths before entering the VIP room. Hindi naman sa hindi ako handang paglingkuran ang bwisit na dimunyung 'yun, sadyang hindi lang talaga ako handang babuyin ang sarili ko.

"Bilhan mo kami ng beer!"

Iyan ang magandang pambungad sa'kin pagkapasok ko sa silid. Sino pa bang iba ang kung makaasta'y pinapasahod ako sa kanila? 'Yung Mackdonalds malamang.

Kumpleto pala ang tatlong kampon ng kadiliman. Nakahilata ang mga ito sa sofa, mukhang nagkukwentuhan o mas tamang sabihin na nag-aasaran habang as usual may sariling mundo yung Kyfer at nasa impyerno naman 'yung dimunyu.

"What do you want?"  tanong ko kay Evankhell imbis na bigyang tuon si Mackdonalds.

Poker faced akong humarap sa mga ito, hindi kababakasan na sa loob loob ko ay naghahalo ang hiya sa nangyari kaninang umaga, at kabwisitan dahil sa mga mukha nila.

Hindi kasama si Kyfer sa kinabubwisitan ko though, he's the only nice one among them... I think.

"Lupet Mack, 'di ka pinansin." Eksaherada ang naging pagtawa ni Aaron. Naalala niyo? 'Yung may dalang hangin.

"Manahimik ka lul! Baka puno lang ng tutuli ang tenga! Kaya di ako narinig!" depensa naman ni Mack.

Napairap ako sa kawalan. Soundproof kaya 'tong silid na 'to? Bakit kampanteng kampante silang magsigawan dito? Putakte dinaig pa ang mga bingi.

"Ano na?" naiinip kong tanong kay Evankhell. Hindi niya naman ako pinatawag dito para panoorin ang walang kwentang pag-uusap ng mga kampon niya diba?

Then I remembered that I'm not supposed to be affected by that guy and those guys. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko 'pag ganitong init na init ang ulo ko diba? I'm supposed to make him taste his own hell.

Looks like my failed attempt in pranking him this morning jumbled my brain and my original plan.

Jusko. Ikaw ba naman kasi makakita ng ganoong bagay tingnan ko lang kung di ka din mawindang!

Aish! Di ko na nga yun iisipin dibaaaaaaaaaaaa???

"Are you fucking listening?!" Evankhell's voice jolted me back on track.

"Huh?" may sinasabi ba siya ngayon lang?

"I said get us those fucking beers!!"

Isa pa tong dimunyung 'to na sigaw ng sigaw. Ngumiti ako, "Sir Dee, sa pagkakaalam ko kasi nasa eskwelahan tayo, tingin mo saan ako magnanakaw ng sinasabi niyong beer ah?"

That Bitch Dancer is a  VirginWhere stories live. Discover now