Part 3

27 3 0
                                    

"Magandang Umaga, Ang pangalan ko ay Jeon Wonwoo 13 years old ang hilig ko po ay mag basa ng libro" first day ko to sa bago kong school bilang isang high school student. Wala akong kilala dito ni isa. I wish Kris was here. Sabi ng homeroom teacher namin mag pakilala daw kami isa-isa at magbigay ng konting background sa buhay kaya ayun lang naisip kong sabihin. Totoo naman libro na lang ang kasama ko sa araw-araw pwera kay mingming. Mag seseven na pala sakin si Mingming. Parehas kasi kami ng birthday kase binigay sakin nila Mommy si mingming nung 7th Birthday ko.

Kanina pa pala ako nakatulala dito sa sulok. Sa hulihan kase ako nakaupo tapos sa tabi ng bintana nasa second floor ang classroom namin kaya nakikita ko yung mga nag papractice at nag lilinis ng kung ano sa baba. Ni hindi ko man lang nilibot ng tingin tong kwarto namin ni hindi ko nga tinignan tong mga kaklase ko. Nagulat nalang ako ng may tumawag sa pangalan ko "Wonu" parang pamilyar saakin yung boses na yon? nagulat ako nung pagkaharap ko si... Cathy? Kaklase ko nung Elementary. Akala ko wala na akong magiging kaklase na kaklase ko noon. Ayoko kase ng ganun gusto ko misteryoso ang tingin nila sakin ngayon yung plano ko wala dahil dito kay Cathy Pero siguro ayos na iyon para naman may kilala ako dito

Naging maayos naman ang pakikitungo ko sa mga kaklase ko nakikisabay at may tropa narin ako dito. Sa katunayan nga apaka daming babae ang nagkakagusto sakin pero hindi ko naman sila pinapansin, wala akong oras para makipag laro sakanila. Pag uwi ko pumunta muna ako sa locker ko. Nakita ko naman si Cathy na nakatingin saakin tatawagin ko sana kaso bigla nalang syang umalis kaya nilagay ko nalang yung libro ko sa locker pero may envelop na naiwan don. Love letter siguro para sakin kase may mga heart heart pa HAAHAHAHHAAA nilagay ko nalang muna sa bag ko at napagdisyunan ko nalang na sa bahay nalang basahin baka kantyawan pa ako ng tropa ko.

"Ma, andito na ako" sigaw ko habang nagtatanggal ng sapatos. Sinalubong naman ako ni Mingming. Naalala ko tuloy si Kris lagi nun kinaharot si mingming lalo na nung kuting pa sya. "Wonu, kumain kana may pagkain na akong hinanda dyan sa mesa" si Mama "Hintayin ko na kayo nila Papa at Bohyuk" sigaw ko naman kay Mama. Naglalaba kase si Mama si Papa naman asa trabaho pa si Bohyuk teka nasan ba si bohyuk? "Ma, asan si bohyuk?" tanong ko kay Mama "Hindi mo ba kasabay umuwi?" nagulat kami kase biglang pumasok si bohyuk na pawis na pwis "Oh bat ganyan kayo makatingin, nag basketball lang ako" napatawa nalang kami ni Mama. Maya maya ay dumating na si Papa. Asa hapag kainan na kaming apat kung ano anong mga bagay ang napaguusapan namin, nabaling ang napaguusapan sakin. "Wonu baka mag girlfriend kana ah" pang aasar sakin ni Papa "Wala akong panahon sakanila Papa" tumawa nalang naman kaming dalawa "Baka maunahan ka pa ni Bohyuk" si Mama. "Ma, Pa, Kanina may kumausap sakin habang papauwi na kami ng tropa ko"

A Story Behind Being An IdolWhere stories live. Discover now