Chapter 1 - Bully

11 0 0
                                    

Alex's POV

Sabi nga sa bagong kasabihan Ang lumakad ng matulin, C.R ang tutunguhin.. :D

Sobrang bilis ko ngayon tumakbo hooo"!! Sana makaabot ako sa CR'! at sana walang tao! kasi nakakahiya pag nagkataon'!

Nakikita ko pa yung mga schoolmate ko na nakatingin sakin tapos naguusap usap *__*.

*Kua ok ka lang?

*Hala pinagtripan na naman siguro sya nina edgar. Kawawa naman.

*Napapaano ka kuya?

Naku naman! Sana ay may sumulpot na malaking ibon dito at dagitin ako para makatakas ako sa masasabi kong isang napakalaking kahihiyan!

Kung hindi lang dahil sa mga bully na yon hindi ako magkakaganito! Sabagay sanay na din naman ako na laging binubuly nina edgar

"aray aray! " Sigaw ko habang nakahawak ang dalawa kong kamay sa tiyan ko -__-.

Ehh ganito kasi yon.

Flashback-->

Malapit na ako sa gate ng school  na pinapasukan ko nang bigla akong akbayan ni edgar sa balikat kasama nya yung dalawa nyang tropa si mark at rico.

"Pareng alex! Ano balita? " eto na naman tong mga loko na to. . nararamdaman ko na naman na may hindi magandang gagawin tong mga to sakin.

"Wala naman" may pagkasarkastiko kong sagot.

"Ah ganon ba? Sige mauna na kami."

"Ok"

Tinanggal na ni edgar ang pagkakaakbay sakin at

"Oopps' teka, may surpresa kami sayo mamaya hahaha" pagkasabi nila nun ay umalis na sila at nagtatawanan.

Nakapasok na ako nang school at pumasok ng classroom. .

pagkatapos ng dalawang subject nilapitan na ako ng mga kaibigan ko si athan, allan at arnold para pumunta na sa canteen.

Tumayo na ako at para sumama sa mga kaibigan ko.

"Boring naman magturo ni ma'am Pineda, mahinhin na eh mahina pang magsalita" sabi ni athan.

"Oo nga mga tol, wala akong naintindihan sa dini-scuss nya" sabat ko sa usapan.

Sabihin ko kaya sa mga kaibigan ko na kinausap na naman ako ni edgar kanina? Kaya lang baka hindi lang ako ang bugbugin nun' baka pati mga kaibigan ko madamay pa.

Nakarating na kami sa canteen

"Aleng Pinay apat na pansit nga po at apat na palamig" sabi ni athan sa tindera. Napansin ko na nasa loob ng tindahan si edgar at tumutulong sa pagtitinda at siya din ang nagabot samin ng palamig, pangiti-ngiti sya habang iniaabot saamin ang palamig.

"Ohh edgar may sakit ka yata? Ano nakain mo at bigla kang nakaisip na tumulong dyan sa canteen?" Wika ng babaeng kasabay namin sa pagbili.

"Wala naman, na-bless lang ako sa sermon ni father kahapon sa misa." Sagot ni edgar

Umupo na kami sa mesa para kumain, napansin ko na medyo kulay pula ang palamig ko

"Guys tingnan nyo tong palamig ko medyo kulay pula" sabi ko sa kanila habang tinuturo ang palamig na nasa baso.

"Baka ibang flavor hahaha" sagot ni allan.

Hindi na ako sumagot at itinuloy ang pagkain. Baka nga naman iba ang flavor kaya naman ay nilag-ok ko na ng buong buo ang palamig ko,.

Wohoo! Sarap talaga ng palamig ni aleng pinay, malinamnam na, masarap pa!

---------

30 minutes later--

"Tara na! Kanina pa tayo nakatambay dito, baka nasa classroom na si ma'am!" yaya ni arnold sa amin. Pero hindi muna ako sasabay sa kanila parang nakalam kasi ang tiyan ko.

"Una na kayo mga pre cr lang ako" sabi ko at tumayo naman agad sila.

End of flashback

Hayy kung hindi lang ako nagpadalos dalos ehh di sana hindi ako nagkaganito.

Hindi ko naman alam na yun na pala yong sinasabi ni edgar.

Hayy buhay... Andito na ako ngayon sa CR, mabuti nalang at walang tao. Pagkatapos ko dito hindi na muna ako papasok sa ibang subject ko ngayong araw, baka kasi may after shock pa to (hahaha"! After shock talaga anu? Haha parang earthquake lang) mahirap na baka pagalitan ako ni ma'am nang dahil sa paglabas labas ko sa klase nya. Itetext ko nalang sina athan para hindi ako hanapin.

Kinuha ko na ang cellphone ko at sinimulang magpipindot

To: Tropa Athan

Boi'! Di na muna me papasok ngaun.. Uwi muna me . My lbm me ehh. . Kita nalang uli bukas.

Inintay ko munang magreply si athan para makaalis na ako. Tapos na din kasi ako sa pag labas ko ng masamang dumi sa katawan ko pero sigurado ako na may kasunod pa ito.

10minutes later

Takte yang athan na yan hindi na nagreply, mejo nasakit na naman ang tiyan ko. Tumakbo na ako paalis at magintay ng tricycle para mabilis akong makakarating sa bahay at agad naman na my dumaan na tricycle.

"kuya! Kuya! Pasakay po! " sigaw ko sa driver habang nakataas ang kamay para mapansin. Nakita naman agad ako at pinuntahan.

"Tara utoy! Sakay na!" wika ng driver.

Habang nakasakay ako sa tricycle napaisip ako, bakit nga ba ako binubully nina edgar? Ano ba ang kasalanan ko? May nagawa ba ako sa kanila para saktan nila ako tuwing papasok? Ehh ako bakit nga ba hindi ako nalaban sa kanila? Dahil ba takot ako? Takot na masaktan o mapahiya pag hindi ako nanalo sa kanila? Dapat may gawin ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spell 'TORPE'Where stories live. Discover now