Prologue

22 0 0
                                    

"Kyla, mahal kita..." sabi ko habang nakaluhod sa harapan nya.

"Sorry kung naging Torpe ako at hindi ko agad sinabai sayo to. Natakot lang naman
kasi ako na baka pag sinabi ko sayo na mahal kita eh i-reject mo ako" Pagpapatuloy ko.

Nakikita ko naman ang mga kaibigan ko na panay ang sigaw sa isang sulok.
"Woahh! sasagutin na yan! Ayiieehhhh" medyo napangiti naman ako sa sinabi ng mga kaibigan ko
nagkakaroon ako ng lakas ng loob.


"Sorry Alex, Pero hindi kita gusto. . Sorry sa sasabihin ko.....

.

.

.


pero
.

.

.
 HINDI TAYO BAGAY"

 Para akong nilamon ng dilim nang marinig ko ang mga katagang 'yun.

Hindi ako makagalaw..........

Nag e-echo pa din ang sinabi na sakin..

Hindi Tayo bagay....bagay.....bagay.....bagay...


Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko

Napansin kong lumayo na si kyla sakin. kaya tumayo na ako na parang walang nangyari.


"Pare ok ka lang ba? Ok lang yan, Malay naman natin sinusukan ka lang ni kyla." nilapitan na din ako ng mga kaibigan ko para icomfort.

"Ang sakit mga pare.. Yung babaeng ang tagal kong minamahal ng patago hindi pala ako gusto....Hindi pala
porke nginitian. kinausap ng kaunting sandali at katext hanggang madaling araw eh gusto kana din.. hehehe pero ok lang" Pangiti kong sabi
pero tuloy pa din ang pagtulo ng luha ko.

Napansin kong nagsisimula ng umulan kaya niyaya ko ang mga kaibigan ko na sumilong muna sa tindahan ni aleng nena.

"Guys tara muna sumilong dun sa tindahan ni aleng nena" yaya ko sa kanila

"Ba't ang sama ng tingin nyo sakin?" tanong ko sakanila nang mapansin kong iba ang tingin nila sakin.

"Ano kaba naman alex!! Ganito yung napapanood namin sa mga Pelikula ohh!!" sagot ni athan

"Ang alin?" tanong ko na may kasamang pagtataka.

"Dapat maglupasay ka sa gitna ng ulan kasi binasted ka!.dali! ganun yung napapanuod ko sa tv hihihih" sagot ni Gian sabay tawa ng nakakaloko.

"Ano ba kayo! naBASTED lang ako! hindi namatayan! baka mamaya magkasakit pa ako dahil dun. Tara na!" Sabay silong sa tindihan.

Salamat sa inyo guys, andyan kayo para suportahan ako.

A/N: Prologue ba talaga to? hahahaha senya guys. thanks sa mga pagbabasa ng storie na to. . Keep on reading guys! enjoy!

Spell 'TORPE'Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora