16

1.4K 32 2
                                    

Madison

Time flies ngayon nagbabalik na ako sa pagtuturo ko dahil yun sa tulong ni Baste.

Ang sarap sa feeling ang pagtuturo sa mga bata kahit na medyo pasaway cute naman sila nararamdaman kong parang nanay ulit ako.

Dahil sa pagtuturo ko sa mga bata kahit papaano nawawala ang mga sakit na naramdaman ko sa pagkawala ng pamilya ko.

" Good bye class " saad ko.

" Goody bye po Teacher Madison " wika ng mga students ko.

Isa isa ng lumalabas ang mga students sa classroom hanggang sa naiwan ang isang batang babae lumapit ito sa akin.

" Oh hindi ka pa umuuwi baka hinahanap ka na sa labas ng sundo mo "

" Teacher Madison "

" Yes? "

Kinuha niya ang isang plastik sa bag at iniabot ito sa akin.

" Ano yan? "

" Teacher Madison chocolate po for you padala ni dadi galing dubai "

" Thank you sa chocolate "

" Ako po dapat mag thank you dahil sa magandang pagtuturo ninyo sa amin your the best teacher in town "

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit ganitong ganito yung yakap ng mga anak ko noong nabubuhay pa sila.

Hindi ko maiwasang maiyak habang kayakap ang student ko miss na miss ko na ang mga anak ko kung hindi lang sana sila namatay kasama si Noah siguro masaya pa ang buhay ko.

" Teacher bakit po kayo umiiyak? " Tanong niya

" Wala may naalala lang ako "

" Teacher don't cry na papanget po kayo "

" Okay sige na baka hinahanap ka na ng sundo mo "

" Bye po Teacher "

" Bye "

Umalis na ako sa classroom at pumunta na sa faculty room kung saan naroon din ang mga co teacher ko.

" Teacher Madi! " Sigaw ng co teacher kong si Saly.

" May problema ba teacher Saly? "

" Wala naman may sundo ka "

" Sundo? Sino? "

" Teacher Madison " saad ng isang tinig ng lalaki.

Lumingon ako sa likod ko pagtingin ko si Baste pala may dalang bulaklak.

" Baste "

" Flowers for you Teacher Madison "

Kinilig ang mga co teacher ko na nasa faculty room lalong lalo na si Teacher Saly.

" Yiee... " Kilig na saad ni Teacher Saly.

Kinuha ko yung bulaklak na hawak ni Baste.

" Salamat Baste sa flowers "

Ganito lagi si Baste tuwing susunduin niya ako sa school lagi siyang may dalang presents like flowers at chocolate pati mga co teacher ko binibigyan din niya.

" Sagutin mo na kaya Teacher Madison " asar ni Teacher Saly sa akin.

" Teacher Saly talaga oh friends lang kami ni Baste "

" Friends? laging sinusundo at may pa regalo kunwari ka pa type mo si Baste hello ang gwapo niya at mabait pa kaya huwag mo ng pakawalan sayang eh "

Carrying Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now