Kabanata 3

11.7K 231 1
                                    

Madison

" Ma....  "

" bakit anak?  "

" May sasabihin sana ako "

" Ano yun? "

" B.... buntis po ako "

" Ano buntis ka sino ama!  "

" Ma sorry po "

" Ano pa ba magagawa ko nariyan na yan wala na akong magagawa pa sino ang damuhong ama?  "

Bahagya akong nakahinga ng maluwag akala ko tuluyan ng magagalit sa akin si mama cel.

Mahal na mahal talaga ako ni mama cel dahil natanggap niya ang pagkakamali  na nagawa ko sa buhay yun  ay ang magpabuntis sa lalaking hindi ko karelasyon.

" Si Noah Faulkerson po "

" Noah Faulkerson yung youngest billionaire in asia?  "

" Opo mama cel "

" Samahan mo ako pupuntahan natin ang Noah na yun "

" Mama cel relax ka lang ako na lang po ang pupunta sa kanya "

" Hindi anak sasamahan kita "

" Mama cel kaya ko na po "

" Okay anak basta magiingat ka sa lakad mo "

" Okay po mama cel "

Umalis na ako ng bahay namin para tumungo sa kumpanya ni Noah Faulkerson.

Ayon sa guard ay hindi pa siya dumadating kaya hihintayin ko siya.

Ilang sandali pa dumating na si Noah Faulkerson sakay ng kotse niya bumaba ito at pumasok na sa loob ng building lumapit ako sa kanya at pinagsasampal siya sa kanyang mukha.

" Aray...  " saad niya

" Hayup ka Noah! Panagutan mo ako gago ka!  " bulyaw ko sa kanya.

" Ikaw na naman?!  "

" Pwede ba panagutan mo ako Noah faulkerson kawawa ang  anak ko lalaki siyang walang kinikilalang ama tulad ko "

" Ang kulit mo hindi ako ang ama layuan mo na ako "

" Hinding hindi kita tatantanan Noah Faulkerson maawa ka sa bata isipin mo naman siya oh kahit siya lang "

" Ang kulit mo babae ka "

Marami na ang nakakapanood sa eksena namin ni Noah yung iba kumuha ng video at larawan gulat na gulat at hindi makapiniwala sa mga binulgar ko.

" Ano ba huwag kang gumawa ng scandal sa kumpanya ko nakakahiya ka talaga "

" Wow naman ako pa ang nahiya ang kapal talaga ng mukha mo Noah Faulkerson "

" Tama na sabi " sigaw niya sabay hawak sa braso ko ng mahigpit na mahigpit.

" N-nasasaktan ako Noah "

" Pwede ba umalis ka na sa kumpanya ko kung hindi tatawag ako ng pulis at ipapakulong kita " pagbabanta niya sa akin.

" Hoy Noah Faulkerson wala akong pake kung tumawag ka pa ng pulis hindi ako natatakot noh?! "

" Talaga lang huh?! "

Kinuha niya yung phone niya at akmang may tatawagan.

" Pulis may nagwawalang baliw na babae sa kumpanya ko hulihin ninyo siya sa lalong madaling panahon "

" Hindi ako baliw Noah Faulkerson "

" Pulis bilisan ninyo na papatayin na niya ako "

" Tsk! Kapal talaga ng mukha mo una tinawag mo akong baliw ngayon naman mamamatay tao "

" Pulis She will rape me "

" Grrrrrrr....  Ang kapal kapal mo talaga Noah "

" Pulis bilisan ninyo na  "

" Fine! Fine! Aalis na ako pero tandaan mo ito Mr Noah Faulkerson hinding hindi kita tatantanan magkamatayan man hanggang sa impyerno "

Muli ko siyang sinampal ng apat na beses sa kanyang maamong mukha niya bago ako lumisan sa kumpanya niya.

" Bwisit na Noah Faulkerson na yun pinapainit niya ang ulo ko " bulalas ko.

Basta kukulitin ko siya hanggang  sa tuluyan na niyang panagutan ang dinadala ko.

Carrying Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now