12

1.7K 33 2
                                    

Madison

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon as in ang sakit sakit buong pamilya ko ang nawala dahil sa hayop na Venus na yun.

Walang araw na hindi ko sila naalala at naiisip gusto ko na ngang mamatay kaso sabi nila tulay pa rin ang buhay yun na nga paano pa ako mabubuhay kung wala na ang pinaka mamahal kong pamilya.

Ilang buwan din ako hindi kumakain at lumalabas ng kwarto ko kahit pilitin ako ni mama at ng mga nasa paligid ko.

Buong mundo ko umikot sa kanila tapos ganun lang yun mawawala ng bigla its so unfair bakit sa dinami rami ako pa talaga halos sisihin ko si lord dahil sa mga masasakit na nangyari.

Now im trying to move on kahit papaano lumalabas na ako ngumingiti minsan sumasama sa lakad ni mama at ni bessy.

" Lord bakit naman ganun hinayaan ninyo na kunin ang lahat sa akin wala na kayong itinira kahit isa " naluluhang sambit ko sa puntod nila.

" Hey miss huwag ka ng umiyak kakayanin mo rin yan pagsubok lamang yan " saad ng isang tinig.

Lumingon ako sa likod ko isang lalaki ang nakatingin sa akin.

" Sino ka naman huh? " iritang tanong ko sa lalaki.

"  Baste Ricaford pala "

" I don''t talk to strangers "

" Kaya mo yan pagsubok lamang yan "

" Hindi mo ako naiintindihan kung sino ka man umalis ka na nga sa harapan ko "

" Sungit mo naman miss ganda mo pa naman "

" Tigilan mo nga ako "

Biglang bumuhos ang malakas na ulan tumakbo ako papunta sa isang cafe malapit sa cementery.

Nakakainis nakuha pa akong sundan ng lalaki sa Cafe irita talaga oh.

" Miss.....  "

" Tigilan mo nga ako "

" Huwag ka ng umiyak "

" Hindi mo naiintindihan yung sakit na nadarama ko ngayon! "

" Tulad mo nawalan din ako ng asawa at anak "

Gulat na gulat ako sa mga sinabi ni Baste hindi ko akalain na katulad ko rin siya nawalan ng mahal sa buhay.

Naupo kaming dalawa sa mesa para magusap.

" Kakayanin mo yan "

" Ang sakit sakit eh "

" Kung ako nga kinaya ikaw pa kaya "

" Teka nga bakit nga ba nawala ang pamilya mo? " tanong ko sa kanya.

" Car accident three years ago noong una masakit pero pinipilit kong magpakatatag ayokong makita nila ako na nalulungkot sa buhay kaya miss kaya mo yan "

" Madison!  "

" Kaya mo yan Madison "

Kahit papaano lumuwag ang sakit na nararamdaman ko dahil sa isang tao na kapareho ng sitwasyon ko sa buhay.

" Huwag ka ng malungkot madison sigurado ako ayaw nilang makita kang sad kaya smile na "

Ngumiti ako sa harapan ni Baste napangiti din siya sa ginawa ko.

" Yan gumaganda ka kapag naka smile ka "

" Ikaw talaga Baste oh binobola mo ako "

" I'm not joking maganda ka talaga sigurado ako maraming magkakagusto sa'yo "

" Naku Baste hindi ko na iniisip ang magmahal muli "

" Hindi mo masasabi ang plano ni lord for you "

" Bakit ikaw nagmahal ka na ba ulit? "

" Hindi pa pero sa tingin ko nahanap ko na ang babaeng muling magpapatibok ng aking patay na puso at sa tingin ko ikaw na yun Madison "

" Ano yun?  "

" W-wala Madison "

Carrying Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now