BORN FOR YOU Ch.12 Forgiveness

198 2 0
                                    



Chapter 12

"Ate Isay! Ate Isay! May naghahanap po sa inyo!"
Sabado ng tanghali nagulat si Isay nang tumakbo papuntang likod bahay ang mga bata kung nasaan si Isay. Kasalukuyang tinutulungan ng dalaga si Aling Emilia na magsampay ng mga nilabhan nilang damit sa may kalapit na ilog.

Napaka excited ng mga mukha ng mga bata.

"Ate Isay may naghahanap po sa inyu artista po yata!" sinabi ni Andrea ang 12 taong gulang at panganay sa magkakapatid

"Ha? Anong—" nalito sa una si Isay ngunit nang maisip niya ang sinabi ni Andrea na "artista" ay tila may idea na si Isay.

"Boypren nyo po ba yun ate Ithay" nayuyungit pang tanong ni Maria na 4 taong gulang at pinakabata.

"Naku hindi-"

"Halika na ate Isay puntahan nyo na po" hinila ng mga bata si Isay papuntang harapan ng bahay kaya wala na siyang choice kundi sumama na lamang kahit nagkanda losyang pa ang kanyang itsura mula sa paglalaba sa ilog.

Nakatayo sa labas ng bahay si Ice. Napaka gwapo pa rin nito. In fact, parang mas lumaki ang katawan at mas gumwapo pa. Lumukso ang puso ni Isay nang makita itong ngumiti sa kanya.

"Baaabe where's Isabella.." biglang lumabas ng sasakyan si Jessica at kasama nito ay bigla namang lumubog ang puso ni Isay...

"Isay!" masayang tinawag ni Ice ang kaibigan.

"Hi Isabella.." bati naman ni Jessica.

"Ate mga artista po ba sila?" tanong ni Agapito ang 6 na taong gulang na ikaapat na anak.

"Hindi mga kaibigan ko sila" malumanay na sagot ni Isay. Ngunit sa mga itsura nga naman nito at kung ano ang nakapalibot sa kanila, mas na highlight pa ang pagiging gwapo at maganda ng dalawa.

Inanyayahan ng pamilya na mananghalian sina Ice at Jessica kasama ng pamilya.

"Mam Jessica halos wala po kayong kinain...baka po magutuman kayo" nag-aalalang sinabi ni Aling Emilia

"Oh um I had..umm ang dami ko po kasing nakain na breakfast hanggang ngayon medyo busog pa po ako salamat po" sagot naman ni Jessica.

Alam naman ni Ice na fruit and lowfat yogurt lamang ang kianin ni Jessica for breakfast.

Ngunit ilang subo ng kanin lang ang tanging kinain ni Jessica.

"And sa breakfast po kasi yung gana niyang kumain" nagpalusot na lamang si Ice para kay Jessica para hindi mapahiya ang pamilya.

"Ano pong gusto niyong inumin Mam? Pwede ko po kayung pagbuksan ng preskong buko" sinabi naman ni Mang Andres.

"Oh..hindi na po... may dala-dala po akong mineral water, pero salamat po" sagot naman ni Jessica na may pagpapaumanhin.

Nakita ni Isay na medyo nakakaramdam ng hiya ang pamilya dahil halos walang gusto kainin o inumin si Jessica kaya medyo nakaramdam naman ng awa si Isay.

"Ah ganun po talaga yan nanay Emilia, tatay Andres... kahit doon po sa syudad, kahit saang restaurant po kami pumunta,maraming pinipili si Jessica, hindi lang po dito" sinabi na lamang ni Isay upang hindi sumama ang loob ng pamilya.

Walang naging pagkakataon na makapag-usap ng masinsinan ang mag bestfriend dahil sa lahat ng oras ay naroon sa tabi ni Ice si Jessica nakahawak sa braso ni Ice. Kahit noong tinatanong ni Ice si Isabella sa kaniyang mga experiences doon ay naroon pa rin sa tabi si Jessica kasali pa rin sa kanilang pag-uusap.

Umabot na ang gabi at panahon nanaman ng hapunan.

"Mam Jessica inihaw ko po ang isa sa mga manok namin para sa inyu ni sir Ice na espesyal na bisita namin" pagmamalaki pa ni Mang Andres

BORN FOR YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon