"An ostrich eye is bigger than its brain. Perhaps... are you an ostrich?" Chienne said wearing her annoying smile.
"Alam mo, nakahanap na ako ng isang bagay na mas pangit pa sa mukha mo!" Nanggagaliiting sabi ni Belle.
Mas lalo namang ngumiti si Chienne. "My personality?" Napakadali na lang talagang mahulaan ang mga sasabihin ni Belle para kay Chienne. "Oh darlin', alam ko na 'yun. And hell yeah! I accept that with all of my heart as a compliment."
Nabalot naman ng mahihinang hagikhikan ang buong canteen. Samantala, hindi alam ng dalawa kung ano ba ang dahilan noon.
"Bravo!" Chienne sarcastically clapped.
Nagtataka namang tinignan ni Belle si Chienne. "Paano mo nalaman 'yun!?"
Napairap na lamang sa hangin si Chienne. Napakabobo niya talaga. Hindi pa ba obvious? This is me. Of course I know myself better than others... better than you. "I wish I had a lower IQ as you so that I could think of an insult you could understand."
"Ano daw ang sabi?" Bulong ni Belle sa kaibigan niyang nasa tabi lamang niya. Agad naman ibinulong ng kaibigan ang ibig sabihin. "Wow. Ako? Bobo? Ms Whoeveryouare-"
"Tch. Whoever you are? Hahaha! Hindi makapag-isip ng mas nakakainis na pang-iinsulto? Hahaha!"
Kahit na nagtataka si Belle kung anong tinatawa-tawa nito ay nagpatuloy lamang siya sa sasabihin. "Darlin', hindi mo na kailangang magjoke para makapagpatawa." Iniabot naman ni Belle ang isang notebook sa kaibigan at itinuro ang isang quote. "Anong english nito?"
Nakita at narinig naman ni Chienne ang ginagawa at ibinubulong nito sa katabi kaya napa-smirk na lamang siya, saka napailing.
Nang maibulong na ng kaibigan ni Belle ang sasabihin ay hinarap na siya nitong muli. "Your face is funny enough." Nagulat naman si Chienne sa sinabi nito at narinig din niya ang malalakas na ngayong tawanan ng mga nasa paligid. "Social na ba pakinggan?" Nagthumbs-up naman ang kaniyang kaibigan. "Tama naman ba 'yung grammar mo? Nagtatawanan sila e. Baka ako nanaman ang pinagtatawanan niyan." Umiling-iling naman ang kaibigan niya at nginitian siya. Kaya, muli na siyang tumingin kay Chienne. "Idiot!"
Napamaang ito sa sinabi ng kaharap. "Anong sinabi mo?"
"Ito isagot mo bes." Bulong ng kaibigan ni Belle sa kaniya saka iniabot ang isang papel. Agad naman niya itong kinuha at pasimpleng binasa. Natawa na si Chienne sa nakita pero ipinagwalang-bahala lamag ito ni Belle.
Sinimulan niya itong basahin ng malakas sa harap ng babae nang hindi halata, ngunit alam naman at nakikita ng lahat ang kaniyang ginagawa. "I'm sorry if I ever called you an idiot. I thought you already knew. O-ops."
Ang kaninang pigil na pagtawa ng nasa paligid ay dumagundong sa loob ng canteen at ang iba ay naluluha pa. Si Chienne ang may pinakamalakas na tawa at may nanginginbabaw sa lahat. "O-ops!? Hahaha!"
Tinignan naman ni Belle ang kaibigan na seryoso na rin at dissapointed na nakatingin sa kaniya. "Bakit sila tumatawa? Mali ata 'yan-"
"Bes, ops lang ang basa do'n. Ano ka ba naman?"
"E bakit kasi hindi mo agad sinabi!? Ano ba naman 'yang research mo?! Mali mali ang spelling?!"
Napairap na lamang ang kaniyang kaibigan at saka mapait itong nginitian.
"Disgusting." Iiling-iling na wika ni Chienne habang nakatingin kay Belle.
"Ano 'yung disgusting?" Pasimpleng tanong ni Belle sa katabi.
"Unpleasant." Tinatamad nitong tugon.
"Ano 'yung unpleasant?"
"Pangit."
Nagpanting naman ang tenga ni Belle sa nalaman at masamang tinignan ang kaharap.
"Hey, you bitchest! I was not ugly! I think you had needing EO eye wear! Duh."
Mas lalong nagtawanan ang nasa paligid, ang iba ay naluha ng talaga samantala ang iba ay tinitignan si Belle ng hindi makapaniwala.
Inirapan na lamang ito ni Chienne saka tinalikuran at naglakad papalayo.
Ngunit, bago pa ito makalayo ay hinila na'ng agad ni Belle ang buhok nito dahilan para mabalik ito. Nagpumiglas naman si Chienne habang ang mga nasa paligid ay nagsimula ng magpustahan. Ang mga kababaihan ay nagsimula ng mag-cheer para sa kanilang kakampihan.
"Hashtag Team Beauty!"
"Hashtag Team Bitch!"
"Wait, bakit bitch? Wala bang ibang word na p'wede kay Chienne e pareho lang naman silang bitch."
"Ok na 'yan, alangan namang ugly, unfair naman 'yun, no."
"Beauty! Beauty! Beauty!"
"Bitch Bitch Bitch! Bitch Bitch Bitch!"
ESTÁS LEYENDO
Beauty and the Bitch
Novela Juvenil[BATTLE BETWEEN BOOK 1] "She's beautiful, but! other than that-wala na. Wala ng maganda sa kaniya." Bitch announced. "Para sabihin ko sa inyo, katalinuhan lang ang maipagmamalaki niya, maliban do'n wala na!" Beauty hissed.
