Capítulo Treinta Y Dos - Black

Start from the beginning
                                    

Patuloy naman sa panggagamot ang kaibigan nito. Nakikinig sa mga sakit na nararamdaman nito.

"Nawala na nga yung babaeng mahal na mahal ko. Pati ba naman yung paraan kung paano ko sya makikita kahit litrato lang mawawala pa?" Patuloy lang sa paglalabas ng nararamdaman si Viceral..

"Mahirap yung wala ka na ngang makita, nawala pa yung mahal mo." Garalgal na nitong sabi.

"Magfocus ka muna kasi sa ibang bagay. Sa trabaho." Binawi naman ni Viceral ang kamay nyang ginagamot ng kaibigan nya dahil sa narinig.

"Sige nga Vhong, tell me? Paano ko kakayanin na humarap dyan sa lintik na mga kliyente na yan kung ganito yung nararamdaman ko!? Pakiexplain at baka matulungan mo ko."

"Wag mong ibubuntong sa akin yung galit na nandyan sa puso mo kung bakit ka iniwan. Di ba yan naman issue mo madalas? Bakit? Sino ba yung kausap mo palagi kapag iniiwan ka? Di ba ako? Tangina, Vice! Di lang kompanya yung sinasalba ko dito! Pati mga tauhan ko yung iniisip ko dito. Yung pinaghirapan nating dalawa yun. Naisip mo ba yun?"

"Masyado ka kasing nagpapalunod sa emosyon mo." Dagdag pa ni Vhong.

"Umalis ka na. Bago pa tayo magsumbatan."

Vice's POV



Tinuloy ko lang yung halo ko ng mga alak. Nakalimutan ko na nga kung ano yung ginagawa ko dahil sa sagutan namin ulit ni Vhong. Kaya't tinigil ko na lang. Kinapa ang kaninang nasa tabi ko lang na stool at naupo roon.

Halos araw-araw nya akong pinipilit na pumasok o bumalik dun sa firm. Kahit ideas lang raw. Willing naman daw sya ipaliwanag lahat since malawak naman daw ang imahinasyon ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi na lang siya maghire ng ibang tao. Bakit kailangan ako pa.

Pero siguro nga ganun na lang kalawak ang imahinasyon ko kaya't umabot ako sa ganitong sitwasyon, na naimagine ko na hindi kami maghihiwalay ni.. Jaki. Hanggang dun na lang pala yun.

Inabot ko yung kaninang nahalo ko na. Inamoy, pinakiramdaman kung alin sa dalawang glass yung mas may laman nang may narinig akong kaluskos.


Did he just stay? I already told him to leave. Narinig ko iyon.

Sarado ngayon yung bar kaya hindi si Toper iyon.

"Who are you? What do you want?" Tanong ko. Dahil nararamdaman kong may tao talaga sa paligid ko bukod sa akin. Lumagok lang ako ng alak.


"Vhong if its you. I already told you to leave." Walang ganang sabi ko bago kinapa-kapa ulit yung bote. Nasagi ko ito pero agad kong nasalo. O parang may pumigil para matumba sya bago ko masalo.

"Anne? Andyan ka ba? Billy?"

What the hell!?

"Tangina gago na nga nagmumukha pa kong gago lalo." Bulong ko sa sarili ko. Nagsasalita na ko mag-isa.



Kinuha ko naman yung folding cane mula sa bulsa ko at i-unfold iyon.

Sinuot sa wrist ko yung tela na tali para safe kung mawalan man ako ng grip.

Kinapa ko yung table counter na daanan para iangat pero nakaangat na ito.

Di na siguro naibaba ni Vhong kanina.

May narinig naman ulit ako na kaluskos.

"Tangina! Sino ba yan? Kung magnanakaw ka wala na dyan yung pera!"

Narinig ko naman na naupo siya sa stool ng bar counter.

"Bahala ka dyan. Kung gusto mo uminom kuha ka lang dyan. Yoko na makipaginuman sa hindi naman kumikibo. Akyat na ko. Sabi ko na lang rin kung may tao. Kung wala edi wow.

Pero ramdam kong may tao.


Sinimulan ko naman iwasiwas yung long cane ko. Pinalagyan ko na rin ng mga tactile indicator yung mga hagdan dito at rampa sa baba para hindi na rin ako maaksidente.

Noong nasa kalagitnaan na ko ng hagdan nakiramdam na muna ko kung may tao ba talaga akong kasama.

Di ako nagkakamali. Meron talaga. Narinig ko. Napakiramdaman ko, huminga siya ng malalim.

"Close the door when you leave." Sabi ko na lang. Kung isa man yung taong 'to sa mga kaibigan ko.


Pag-akyat ko sa taas. Dumeretso na lang ako sa dati kong tinatambayan. Kinapa ko yung handle ng sliding door. Naupo sa hanging chair. Pinakabitan ko pa 'to ng dalawa, iiwan mo lang rin pala ako mag-isa.

Habang nakaupo ay inangat ko yung cane upang ifold. Hinila ko ito para mawala sa alignment.


Hindi ko na alam kung ilang buwan na kong ganito. Kung ilang buwan ko na napapabayaan yung sarili ko. Ilang buwan na hinahayaan na si Toper ang mamahala sa bar. At si Troy sa coffee shop.

Ilang buwan na naghihintay na sana bumalik ka na, Jaki.

Akala ko okay tayo. Sana sinabi mo agad.

Sana sinabi mo.

******

Wala akong maisip talaga.

Hahahaha pasensya na. Bulagin muna natin. Di ko alam kung magsisisi ako dahil pinublish ko 'to. Isang araw kong inisip kung ipupublish ko 'to kasi.

-Maddie

PANSAMANTALA (ViceJack)Where stories live. Discover now