IJLT 49 - Too

27.6K 866 46
                                    

Hans was so shocked, ilang minuto rin itong hindi nakapagsalita nang sabihin niya iyon. He was still slack-jawed from earlier. Naka-seatbelt na sya't lahat, ready to go home. It was awkward at first, with him being dumbfounded like that. Then it turned amusing when he couldn't get over it. But now, it's just embarrassing.

"Ano, wala ka man lang sasabihin?"

"T-Too?" was all he could say. "Kelan ko sinabi sa 'yong—"

She raised her finger. "Wait lang."

Kinuha niya ang phone at ipinarinig dito ang recorded conversation nila. Pinamulahan si Hans. Unang beses yata ito...

"Ni-record mo?!" paasik nitong tanong.

"Ni-record ko yung kanta mo. Malay ko ba namang—" Now, she's blushing as well.  "Iuwi mo na 'ko. Inaantok na 'ko," sabi na lamang niya.

"Teka!" pigil nito. "Ni hindi pa nga nagsi-sink in yung sinabi mo e."

"Mamaya mo na pagnilayan sa bahay nyo!"

He bit the inside of his cheek. Napagawi ang mata niya sa labi nito. Is it wrong to want to kiss him again?

Hans sighed. "So, what does this mean?"

"Ikaw... ano sa tingin mo?" pabalik niyang tanong.

"Tayo na ba?"

"K-Kung gusto mo."

"Oo naman, gusto ko. Kaya nga ako nanligaw, di ba?"

Lalo syang pinamulahan. "Okay."

"Ano'ng okay?"

"Oo na! Kulit mo naman e!"

--

Manaka-naka lang ang pag-uusap nila pauwi. She didn't know that it would be this awkward. Siguro ganoon talaga kapag romantically linked ka sa isang tao, it's not always comfortable. Nakakailang pala.

Pagkaparada nito ng sasakyan sa tapat ng bahay nila ay agad niyang tinanggal ang seatbelt.

"Wait, Iya."

"O?"

"Seryoso na ba yung sinabi mo kanina?" tanong ulit nito.

"Ano ba, Hans, uulitin ko na naman? Oo nga!"

"Wala nang bawian ha," nakangiti nitong sabi.

"Kapag kinulit mo pa 'ko, babawiin ko," banta niya.

"Okay, hindi na."

"Good night na."

"Teka," pigil ulit nito.

"Ano na naman?"

"Good night kiss ko?"

Pinandilatan niya ito. "Kaka-kiss ko lang sa 'yo kanina a!"

"Dali na!" pamimilit nito. "Huwag ka ngang madamot."

Grunting, pinagbigyan na niya ito. She gave him a peck, but he was quick to hold her head in place. She balled her fists in his collar, momentarily drowning. When it ended, he was grinning like a fool.

"Abuso na ha!" sabi niya rito.

He simply laughed. They bid each other good night then got out of the car and ran inside the house.

--

Kinabukasan, during breakfast, she decided to break the news to her family. Halos maibuga ng daddy niya ang kapeng iniinom nito. Her mom just laughed.

"Iya! Sana pinainom mo muna ako ng kape!"

She grinned at her dad. "Sorry, pa."

"Excited lang si Iya," sabi ng mommy niya. She hugged her. "Dalaga na ang unica natin."

I Just Loved TooOnde as histórias ganham vida. Descobre agora