Beauty and the Borta

50 4 0
                                    


ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

I am Cassiopean Outburst, Cassy for short. (LAKAS MAKABABAE) aspiring writer lang. Loves fantasy, romcom, sci fi and horror. Versa. Charot. Basta maganda ako, 5'8 ang height and 18 years old :)

Patay-sindi na mga ilaw, malalakas na mga tugtog ng musika na siyang nagpapaindak sa mga taong nagsasayawan at mga naiinumang lasing. Iyan ay ang ilan sa mapapansin mo talaga dito sa bar na ito. Nandito nga pala ako dahil pinakiusapan ako ng bestfriend ko kung pwede bang ako ang makipagmeet up sa kachat niyang pogi raw sa isang Gay dating app.

Bago ang lahat, I just want to introduce myself ganun! Ako nga pala si Prettylang Beautiganda, ang pinakamagandang babaihan sa mundong ibabaw! O ha,walang aangal!

A/N: Sinungailing! I totally disagree on that!

"Grabe ka naman sakin otor!"

Naniniwala po ako sa kasabihang "Walang sinabi ang ganda ni Marian Rivera kung kaharap mo naman si BeautyGanda!"

Kabogerang entrance ba? Ok, back to our business tayo. Habang naglalakad ako dahil hinahanap ko ang lalakeng dapat ime-imeet ko! Napakamot na lang ako sahil sa kakahanap sa kanya, Napatigil na lang ako sa paglalakad nang biglang

"Aaargh! Look what you've done! Bulag kaba o sadyang tatanga-tanga ka lang?" sabi ng isang gwapong lalake na ngayon ay na kung makatingin sa akin ay parang papatayin ako sa anumang oras.

"Ayy! Sorry naman po kuya, di ko naman po sinasadya" paawa effect kong sabi sa kanya sabay punas sa basang damit niya. Sana tumalab to..

"Get off your filthy hands away from me, you ugly idiot! Ang panget na nga, tanga pa!" kasabay non ay ang pagtilapon ko sa sahig dahil sa pagtanggal niya ng kamay ko sa katawan niya. Napalakas ata eh! Pagkatapos non ay umalis na lang siya na para bang walang nangyari. Pinagtitinginan ako ng mga tao sa bar. Lumuluha ang aking mga mata habang nililisan ko ang bar na iyon. Nakakainis ang lalakeng iyon. Kala mo kung sino! Ang yabang! Ginigigil niya ang bangs ko! Pero parang namumukhaan ko siya, di ko lang talaga maalala kung saan ko siya unang nakita.

Napatigil na lang ang aking pagdadrama sa Ilalim ng putting ilaw, sa dilaw na buwan, charot, nang tumawag aking beshie na si Boobah( yung "bah" is pawhisper para seductive or hot daw pakinggan) Boobah ang pangalan niya kasi andami niyang iniinom na pills para lang lumaki ng lumaki ang kanyang kinabukasan! Okay back to my story tayo.

"Beauty? Kamusta ang meet up niyo? Pogi ba? Masarap ba? Ano, ano?" bungad sa akin ng beshie ko. Hala, lagot, si kuyang mayabang ang nakabanggaan ko kanina pala ang tinutukoy ni Boob-Ahhh. Kaya pala familiar kasi yon ang nakita ko sa phone ni beshie. Paano na to? Paano ko ipapaliwanag kay beshie?

"Aah beshie? Wag ka sanang magagalit ah? Mission failed tayo eh, may nangyari kasi" hingi kong dispensa sa kanya. Narinig ko agad ang panlulumo sa boses niya.

Tales From the Heart IIWhere stories live. Discover now