Secret Conversation

63 4 0
                                    



ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

Special thanks to Mark John Malaca for editing the book cover of this story. You are so awesome dude!

At salamat din sa lahat nang bumubuo ng Tales From The Heart Season 2, salamat sa priviledge na binigay niyo sa akin at sa iba pang mga manunulat na bago pa lamang dito sa larangan na ito. Salamat po! Isa itong napakagandang experience. Mabuhay kayo! And let us all spread love! Happy Valentine's Day! God bless us!

Love lots!

-epicdrom

*

"Secret lang natin 'to ah. Huwag na huwag kang magsusumbong sa kahit na kanino." Takot na tango ang tinugon ko.

Sampung taon nang nakakalipas simula nang mangyari ang malagim na araw na iyon. Minolestya ako ng nobyo ni Nanay, ginapang niya ako at hinawakan ang maselang parte ng aking katawan.

Takot ang naghari sa akin sa mga oras na iyon, hindi ko man lang nagawang sumigaw upang makahingi ng tulong. Bigla na lamang namanhid ang aking katawan at hindi nakagalaw, iyak at paghikbi ko lamang ang maririnig, at ang demonyong boses ng lalaking iyon.

"Sekreto lang natin ito ah." Sabi ko kay Joana Marie, ang matagal ko ng karelasyon.

"Hindi ko naman talaga sasabihin kahit kanino, na nakipag laplapan ako sa isang babaeng mas maganda pa sa akin." Napairap ako sa inasta niya, yumakap siya mula sa likod ko habang inaayos ko ang pagkaka butones ng uniform ko. Gabi na, kailangan ko ng umuwi at baka mabunganga-an na naman ni Manong Robert.

"Huwag ka munang umalis babe." Paglalambing niya. Tumayo ako at pinagmasdan ang sarili sa harap ng salamin, matapos ay kinuha ang pera sa aking pitaka. Pambayad sa mga tao dito.

"Uuwi na ako, ito ang pambayad. Hintayin mo na lang ang chat ko sayo." Inilapag ko sa harap niya ang limang libong piso, agad naman niya itong kinuha at tinago sa kanyang bra. Napapailing na lang ako sa kanya, talagang alam na alam na niya ang mga karakas ko.

"Opo, at syempre naka secret conversation 'yun dahil nakakahiya naman kapag may naka alam na ang anak ng isang sikat na businessman ay may karelasyon na pokpok." Muli akong napailing sa pagkasarkastiko nang bawat sinasabi niya, napabuntong hininga ako at saka siya nilapitan at nilapatan ng malalim na halik.

"Iyang bibig na 'yan, ang pangit lagi ng lumalabas diyan." Konwari kong inis habang tinatap ito ng hintuturo ko, mas lalo lamang napanguso si Joana na ikinatawa ko naman. Siya naman ang humalik sa akin, inawat ko rin siya kalaunan dahil baka hindi ako makauwi sa ginagawa niya.

"Joana, umuwi ka na rin muna sa inyo. Alam kong na-mi-miss mo na ang mga kapatid mo." Nang marinig niya iyon ay napayuko lamang siya at malungkot na napangiti, muli ko siyang hinalikan ngunit sa pisnge na.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tales From the Heart IIWhere stories live. Discover now