5 [Drama]

21 5 0
                                    

Heaven's POV




"Anak, gising. May naghahanap sayo...."




-_o




Iminulat ko ng kaunti ang mata ko at saka tinignan ang umistorbo ng tulog ko. Si Mama. Ano ba yan! Wala namang pasok ehh~ Dapat hinayaan niya nalang ako. Umupo ako at saka nag-inat. Nagsalita ako habang kinukusot ko ang mata ko.




"Sino po, Mama?"




"Si Niana. May importante daw siyang sasabihin sayo." sabi ni Mama. Nagulat naman ako.




Si Niana? Pupunta sa bahay namin ng ganito kaaga? Hmm....




"Sige Ma, papuntahin mo nalang siya sa kwarto ko. Maliligo lang ako saglit."




Mama: "Sige anak."




Lumabas na din si Mama after nun. Kumuha ako ng t-shirt tsaka shorts sa closet ko at saka dumiretso sa banyo. May heater naman dito sa banyo ng kwarto ko kaya okay lang maligo agad-agad. Pagkatapos kong maligo, lumabas na ako. Expected ko nang paglabas ko sa banyo ay nandito na si Niana pero ang alam ko lang, problemado siya. Pabalik-balik kasi siya at mukhang hindi mapakali.




"HUY!" bumalik lang siya sa wisyo ng tawagin ko siya. Hindi maipinta ang mukha niya at naupo siya sa may dulo ng kama ko.




"Heaven~" pagtawag niya sa akin habang naka-frown. Lumingon naman ako sa kanya. Nandito na kasi ako sa may harap ng salamin ko at pinapatuyo yung buhok ko gamit yung blower. Blower talaga ito ni Mama, hiniram ko lang.




"Oh? Ano bang problema mo?" sabi ko sa kanya habang isinasampay yung twalya sa may headboard ng kama ko. Kukuhanin ko din naman iyon mamaya, isinampay ko lang saglit.




Niana: "Si Cayle kasi eh~" sabi niya habang nagkakamot ng ulo.




"Bakit? Anong tungkol sa kanya? Sinaktan kaba niya? Sabihin mo lang. Libre resbak."




Niana: "Hindi, wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan...." napayuko na siya nung time na yan. Ang emo~!




Tumayo na ako at umupo sa may dulo ng kama ko katabi niya. Medyo tuyo na din naman yung buhok ko, mamaya ko nalang susuklayin.




"Anong ginawa mo?"




Niana: "Nakipag-break ako sa kanya....." hinintay ko pa siyang magsalita. Sa tingin ko kase, may sasabihin pa siya eh, "PERO HINDI KO NAMAN SINASADYA EH~! That's unexpected! Joke lang talaga yun, gusto ko lang siyang asarin. Kaso babawiin ko na sana yung joke pero offline na siya. Hindi ko alam kung nabasa niya yung chat ko. Pero feeling ko nabasa niyaa~!!! Wala siyang text o ni tawag man lang. Wala namang load ang kahit na sino na tiga-samin na kilala ko kaya hindi ko siya ma-i-text!" nakaupo na siya sa lapag this time.





"Sorry, wala akong load. Wala naman dito si Ate kasi ang alam ko, pupunta siya kila Kuya Kurt ngayon para sa group project nila. Ewan ko lang si Mama."




Niana: "Hindi naman load ang habol ko dito. Someone who will listen to my drama's, at ikaw ang unang-una kong pinuntahan kasi alam kong ikaw yung magseseryoso sa mga sasabihin ko."




Wao~ TT_TT Nakaka-touch naman!




"Sige, magsimula ka nang mag-drama."




Can You Be My Forever? (Season2 Of CYBML)Where stories live. Discover now