"Goodnight...." mahina kong sabi. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya. Naramdaman ko lang nung may asungot na tumawag sa akin.



"Hoy bruha! Pumasok kana kaya! Ano bang hinihintay mo dyan? Pasko?!" humarap ako sa kanya at saka inirapan siya. Dire-diretso na akong pumasok sa gate at dumiretso sa kusina. Sorry Ate, masyadong maganda ang mood ko ngayon. Sa sobrang ganda, parang never nang masisira. Hahahaha!



"HOYYY!!!!!" sigaw ni Ate na rinig kong kakasarado lang ng pinto. Pagkadating niya sa kusina, agad niyang hinila ang buhok ko.




"Aray! Masakit yun ah?!"



Ate Francia: "Bakit? May sinabi ba kong hindi masakit? Lol." tsaka siya umupo sa tabi ko at kinuha ang bacon na nasa plato ko.



"Ateeeee~!!!! Akin yan ehhh!!!!!" sabay agaw ko ulit nung bacon. Wala nang bacon eh~! Nag-iisa nalang ito. Parehas naming favorite ito ni Ate kaya for sure pag-aagawan namin ito.



Ate Francia: "Akin na ngayon." sabay kuha niya ulit ng bacon at saka kinagatan na iyon. Bwisit talagaa~



Kumuha nalang ako ng scrambled egg at iyon nalang ang iniulam ko. Maya-maya pa, may inilapag si Mama na madaming bacon. Agad nagliwanag ang buhay----este mata ko pala dahil sa nakita ko. Hmmmm! Smells yummyyyyy!!!!!



Agad akong kumuha ng bacon at saka kinagatan na ito. Hmmmm! Kahit kelan talaga hindi pumapalpak ang luto ni Mama.



Mama: "Oh wag na kayong mag-away, marami na yang iniluto ko. Alam kong favorite niyo parehas yan kaya dinamihan ko."



"Thankyou Mama!" sabay kagat ko ulit sa bacon na kinuha ko.



Mama: "Your welcome anak. Oh? Kamusta eskwela? Ano pinag-aralan niyo ngayon? Nakakasagot ka naman ba?"




Ayan na naman po siyaa~ Kada uuwi ako galing school, yan lagi bungad sa akin ni Mama. Minsan na kasing napatawag si Mama dahil sa akin, kaya lagi na niya akong tinatanong about eskwela. Hindi naman siya ganyan dati, simula lang nung pinatawag siya.



"Hindi naman po kami nagklase eh, naglinis lang po sa campus. Teka nga. Ate, bakit ang aga mo yata? Halfday lang din ba kayo?"



Hindi naman kasi halfday sila Ate kahit Biyernes. Kaya nagtataka ako bakit ang aga-aga niya.



Ate: "Hindi ako pumasok!" tumigil siya saglit at saka nagpatuloy na ulit. Matakaw talaga~



"Bakit?"



Mama: "Tinatamad ang Ate mo. Kaya sinasabi ko sayo, hwag mong gagayahin yang ate mo." sabi niya sabay tawa. Natawa nalang din ako.



Ate: "Si Mama~! Hindi naman ako tamad! Sadyang nakakatamad lang itong araw na ito."




Mama: "Sabi mo eh."



Pagkatapos naming kumain, syempre si Ate ang maghuhugas ng pinagkainan. Kapag kasi MWFS, si Ate ang maghuhugas. Kapag naman TTS, ako. Oh diba? Lugi siya~



Naglinis muna ako at saka diretso higa na. Kinapa ko muna ang phone ko sa may gilid ng lampshade at saka ako nag-online. Sabi kasi sa akin ni Mama, malakas daw ang internet kapag gabi. Kaya nga kapag may assignment ako at kelangan ng research, gabi niya ako pinapa-search. Magsasayang lang daw kasi ako ng battery kapag umaga.




Wala naman akong makitang kakaiba sa pag-s-scroll ko sa facebook. Mag-o-offline na sana ako nang biglang nag-pop-up ang name niya sa notification ko. Omoo~! Inopen ko kaagad ang chatbox namin at nireplyan siya.




***

Cayle: Hey France. :)) Goodnight. Sana mapanaginipan mo ako. Iloveyou :*

Me: Goodnight din. Loveyou more:)))

Cayle: :(

***




Parang tanga 're >_< Bakit sad reaxx? Ayaw niya bang sabihan ko siya ng 'Loveyou more'?! Minsan ko na nga lang iparamdam sa kanya yun, magtatampo pa siya. Hayzzzzz -_-





***

Cayle: No replies? Xoxad. :((

Me: Che! Naiinis ako sayoo!!!!

Cayle: Hala..... Why? Lalo tuloy akong xu-mad :(((

Me: Tigilan mo ako! May pa-xoxad-xoxad ka pa dyan. Magbreak na nga tayoo! >_<

***





Ilang minutes na akong nag-iintay sa reply niya pero hanggang ngayon wala pa din. Joke lang naman kasi yung tungkol sa break-up thingy na yonn~ Ang sarap lang kasi niyang pagtripan.





***

Me: Huy!!!!!

***




Sa pag-aantay ko sa reply niya, hindi ko na namalayan na offline na pala siya. OHMY! Nabasa niya kaya yung sinabi ko? Sana hindeeee!!!!!




Nag-offline na ako at saka nahiga na. Pinilit kong matulog pero hindi ko talaga mapigilan na mangamba. Bakit ko ba kasi sinabi pa sa kanya yun?!? >_< Baka akalain niya, ayaw ko na sa kanya?!? Halaaaaa~




Dahil hindi nga ako makatulog, kinuha ko ang cellphone ko at saka nag-compose ng message to him. Isesend ko na sana kaso naalala kong wala nga pala akong load. Dali-dali akong pumunta sa sala para sana hiramin yung cellphone ni Mama kaso si Ate lang ang naabutan ko dun. Kumakain siya ng popcorn habang madilim na nanonood ng teleseryeng 'My Special Tatay'.





"Ate, nasaan si Mama?" tanong ko kay Ate.




"Umalis, may bibilhin daw sa palengke." sabi niya sabay subo ulit ng popcorn. Matakaw -_-




"Mabilis lang ba yun?"




Ate: "Hindi yata. Dadaan pa yata siya kila Tita Mela. Katawagan niya kasi kanina eh, parang may balak mag-bonding. Alam mo naman,friendship goals. Psh!"




Hindi na ako nag-isip pa at saka dire-diretsong lumabas ng bahay namin. Malayo-layo ang bahay nila Tita Mela pero keri kong lakarin, para lang sa load. Wala kasing malapit na pa-loadan dito sa amin, sa bayan pa. Madamot naman si Ate kaya hindi na ako nagtatangkang manghiram ng phone sa kanya.




"HOY! SAN KA PUPUNTA?!?" sigaw ni Ate mula sa loob.




Sorry, kelangan kong ma-i-text si Cayle. Baka mamaya maghanap ng iba yun. Huhuhuhu!!! Di ko kayaaaaaa~ Kila Tita Mela ko nalang iintayin si Mama. Kapag pumunta pa ako sa bayan, malayo-layo pa ang lalakarin ko.




***

Maikli lang.....pls vote and comment. ^_^







































Can You Be My Forever? (Season2 Of CYBML)Where stories live. Discover now