"Darating din yun sa tamang panahon, sa ngayon mas nag tutuon ako ng atensyon sa pag aaral at sa pagmomodelo ko, kung may darating man edi subukan, pero hanggat wala pa... I'll keep waiting" sagot ko.

"Sigurado ka bang ibang pag ibig ang hinihintay mo o... siya parin? Are you still hoping na magkikita kayo ulit, after all these years?" Tanong niya na ikinakabog ng dibdib ko.

"Maybe yes, maybe I was just hoping for closure, friendship. Sa dami ng pinagdaanan namin, I think we both deserve neither a closure or a friendship, kung pati yun ay ipagkakait samin... hindi ko na alam" sagot ko.

"But I know you Pau, I know your hoping more of that. Its been just three years, you've not completely over him yet... you still love him don't you?"

"Yun na nga Lia... tatlong taon na ang nakalipas, I should be atleast forgetting my feelings about him, pero bakit ganon? Walang nagbabago? B... bakit mahal na mahal ko parin siya?" Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa mata ko.

"Pau, you know that mind can forget, but your heart, it will never forget the person who's inside it. In your situation, yung mga ala ala niyong dalawa ni hindi mo makalimutan, yung nararamdaman mo para sakanya... It will remain that way neither you forget your memories together or not"

"Pero Lia, imposible na. Ikakasal siya sa iba. Malay ko bang sa panahon na 'to, mahal na niya ang babaeng 'yon? Halos araw araw sila magkasama hindi malabong mahulog ang loob niya sakanya?"

"Kung ikaw mahal mo pa sya, paano pa kaya siya Pauline? He may fall for her, but not the way he fell to you. Isipin mo nga, gagawin niya ba ang kasunduan niyo kung ayaw niya na magkabalikan pa kayong dalawa? He's still hoping and wanting to be with you Pauline. Don't wait for a different love Pau, wait for your true love to be with you again" aniya.

Bigla namang may nag doorbell sa labas ng condo ko kaya pinunasan ko na ang luha sa mata ko.

"I need to hang up Lia, see you pagkabalik ko galing US" ani ko at binaba ko na ang tawag.

Pumunta naman ako agad sa tapat ng pinto at agad yun binuksan at bumungad sakin ang secretary kong si Lyndsey.

"Pauline I just want to remind you that where leaving to US on the next day so you better start packing your things. You better dressed a little eye catching para naman hindi ma dissapoint ang mga investors na kumuha sayo" aniya at agad naman ako tumango.

Si Lyndsey ay isa ring exchange student pero nanggaling siya sa ibang eskwelahan. Nagkataon na pareho kami ng kurso at room block kaya naisipan ko na siya ang kuhanin kong sekretarya dahil siya lang ang pilipina na kilala ko.

Hindi naman ako nagkamali ng pagkuha sakanya dahil very hands on siya sa lahat ng schedules ko, upcoming meetings para sa mga next products na imomodelo ko, siya rin ang nagpapaliwanag sakin ng mga benefits at negative profiles ng mga kumukuha sakin bilang endorser nila kaya marami rin ang hanga sa mga products na sponsored ko dahil high quality and well benefit daw ang mga ito. Marami din ang nagkokomento na very effective daw talaga ang mga products na ini-iendorse ko kaya kalimitan din ay nagpupumilit ang ibang negosyante na kuhanin akong endorser dahil marami ang satisfied at tiwala sakin, there taking the chance para bilhin ang produkto nila kahit ang totoo ay maraming negative comments ang binibigay sa products nila na pasalamat kay Lyndsey ay natetrace niya.

"Alam mo na ba kung sino yung kumukuha sakin bilang partner model? Baka naman kung sino lang yan?" Tanong ko.

"No, ofcourse hindi naman kita ipapartner sa mga low profile type of guy. Tsaka based on your fans comments, marami narin talaga ang gustong may kapartner model ka, bihira ka naman talaga magrelease ng collaboration magazine diba. I've research about their profile and I should say, mataas ang ratings about sa brand nila, the quality of their product is very well tested at masasabing high quality talaga ito. Ang partner model mo nga pala ay anak ng may ari ng kompanya, how lucky of his fiance though" aniya kaya biglang kumunot ang noo ko.

"He's taken?" Tanong ko at tumango naman siya.

"Well based on my further research, their engagement is for the raise of their company. Approximately its just an arrange marriage for the finalization of the merging of their families company, no commitments attached" paliwanag niya kaya tumango nalang ako.

"So what's the guys name?" Tanong ko ulit.

"The one and only, Grayson Zinchez. How lucky of you Pauline"






Did I heard the name right?





What's your fate this time Pauline?

***

Sino pa po naalala sila Pauline at Grayson from book 1?^_^

Sana po nagustuhan nyo ang pagbabalik nilang dalawa at mahintay niyo ang pagpublish ko ng seperate book nilang dalawa:)

Yes po you read it right^_^

Lahat po ng loveteams na hindi matatapos sa libro na 'to or may continuation ay may seperate book po silang lahat except po kela Dylan at Hazelle at Lincoln and Delaney pero malay niyo po may kasunod pa ang lovestory nila hehe^_~

Read until the Epilogue po at duon ko po kayo tatanungin kung sino sino po sa lahat ng mga loveteams ang gusto niyo po unahin kung gawan ng seperate book.

Pls vote and comment po and again thank you po sa lahat ng patuloy na sumusubaybay sa mga taong walang sawang pinaglalaban ang pagmamahalan nila^_^

Enjoy reading:)

Endless Reality (SERIES 2)  [RE-EDITING]Where stories live. Discover now