Entry #15

51 8 1
                                    

Title:Ang una kung pag-ibig💕
F

rom: Daisy Rae

Magandang Umaga/Tangali/Gabi ! 😊

Ako nga pala si Jaciana Eliliy Dumdum(Hindi po yan Ang totoo kung pangalan) . Maglalabing pito sa pebrero 7 2019 . Kasulukuyang nag-aaral sa ICI (Informatics Computer Institute ) grade 11 na may kursong IT. Itong kwentong aking ibabahagi ay tungkol sa akin at sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko.

Sampung taon ako ng unang tumibok itong puso ko sa isang lalaki . Grade five palang ata ako non ng magkagusto ako sa kanya at siya naman ay nasa grade 6 non . Unang kita ko palang sa kanya parang huminto yung mundo ko , Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa kanya talagang na gwapong gwapo ako sa kanya walang araw na Hindi ko siya nakikita ,gumagawa talaga ako ng paraan para lang ma kita sya , pag nakikita ko lang sya parang buo na ang araw ko noon kahit sa Facebook ay ini-istalk ko sya na habang nagbabasa at tumitingin sa mga larawan niya ay kinikilig akong magisa , napapangiti at napapatawa , araw araw kung akoy magsulat sa aking diary pangiti ngiti kung akoy magsulat pawang kinikilig sa bawat letra na aking isinusulat . Isang araw habang naglalaro kami ng mga kalaro ko ng patintero , tagu taguan at iba pa sumali sya sa amin at akoy nabigla at nanigas pero kahit ganun nagpatuloy parin ako sa paglalaro na parang bang wala lang siya pero ang totoo non ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko . At nong mag fi first year high

school na siya ay nalungkot talaga ako , dahil Hindi ko na siya makikita pa dahil magkaiba na ang paaralang na aming pinapasukan pero kahit ganun nag papasalamat parin ako sa mga kaibigan ko dahil nandyan sila palagi at nababaling yung atensyon ko sa kanila kaya masaya parin ako pero kahit ganun Hindi parin nawala yung nararamdaman ko sa kanya , nagkagusto ako sa kanya ng patago na kahit mga kaibigan ko noon ay walang kahit isa sa kanila ang nakakalam na may gusto ako sa kanya . Sa bawat pasok ko sa paaralan sya ang aking nagiging inspirasyon at exited akong umuwi noon galing eskwelahan para lang makita sya at makalaro Dumating ang panahon ng grumaduate na ako ng elementary , halo halo ang aking naramdaman non saya na may pagka kabado akong nararamdaman dahil makikita ko na man sya at syempre unang pasok ng eskwela , lumipas ang mga buwan walang araw na Hindi ko sya nakikita at kinikilig 4rth grading na ng magkaroon kami ng proyekto sa Filipino noong mga panahon yun ay dun lang nalaman ng mga kaibigan ko na may gusto ako sa kanya , dahil sa litratong nakita nila sa ginawa kung scrapbook . Nong nalaman na ng mga kaibigan ko syempre tinukso nila ako , walang araw na Hindi nila ako tinutukso non subrang , hiya talaga ang naramdaman ko noon dahil sa tuwing tinutusko ako ng mga kaibigan ay nandyan sya lage makalipas ang ilang araw , buwan ay mas nagging malapit pa kami sa isat isa at mas nagging close pa. Hindi ko Alam kung kailan kami nag simulang malapit sa isa't isa basta isang araw namalayan nalang naming na subrange close na namin Pero ng DUMATING ang araw NA nawalan na ako ng pakiramdam sa kanya ay dumistasya ako sa kanya dahil na conscious ako sa sarili ko na Hindi kami bagay kasi gwapo sya pero heto ako pangit na mataba pa , talagang dumistasya ako sa kaniya nong mga panahon yun. Nang magbakasyon ako sa Davao okay pa kami kahit hindi na kami masyadong nag uusap ,magkaibigan parin kami , pero nung pagbalik ko parang wala , parang hindi nakami magkakilala non walang pansinan pero kahit ganun nagaalala parin ako sa kanya nong magkasakit siya sobra talaga akong naaawa at nag aalala sa kaniya lalo na ng mag karoon siya ng dengue gusto ko siyang lapitan noon pero nahihiya talaga akong lapitan siya dahil hindi pa kami bumalik sa Dati na malapit sa isat isa . Noong birthday ko tsaka lang kami nag kausap ulit dahil binati niya ako, at doon na kami ulit nagsimulang mag usap sa isat isa syempre nag kamustahan kami at nag sorry sa isat isa kung bakit nangyari yun sa amin . kaya lumipas ang taon bumalik ang Dati naming pagsasama hanggang sa nag grade 9 ako at siya naman ay grade 10 habang patagal ng patagal mas lumalalim pa ang aming pag sasamahan at ng dumaitng ang araw na sabay kaming pumunta sa canteen dahil may sasabihin daw siyang mahalaga sa akin , nung araw na yun hindi ko Alam pero sobrang kaba ang naramdaman ko non, nag magkita na kami sa canteen, nag confess siya sa akin ng nararamdaman niya subrang saya ko non kasi Hindi ko akalaing may gusto rin pala sya sa akin at dun nagsiimula ang bagong yugto namin hindi lang magkaibigan kundi magkasintahan, tumagal kami ng isang taon , sa loob ng isang taon masaya kaming nag tetext at nagkikita ng patago dahil sa ayaw kung nalaman ng mga kaklase ko na may jowa ako baka kasi pagtawanan ako nila na sa taba kung to e may magkakagusto sa akin , kaya minabuti ko na lang na itago ang relasyon naming kahit tutol siya pero sa huli pumayag parin sya . Araw araw kami kung mag text at tawagan sa isat isa , namamasyal at nagkikita ng patago pero kahit NA ganun ang set up naman ay masaya parin kami . Hanggang sa isang araw Hindi NA siya nag tetext sa akin at tumatawag , tinatawagan ko man siya pero Hindi niya sinasagot ang tawag ko . Hanggang sa isang araw habang naglalakad ako papunta sa silid aralan ko nakita ko siya may kasamang babae , maganda , Maputi , at sexy at subrang saya nila kung tingnan , tiningnan ko sya sa mga mata niya, ng magkasalubong ang mga mata namin mas tini tigan ko sya pero iniwas niya lamang ito , subra akong nasaktan non ,pagkauwi ko non iyak ako ng iyak non sumisikip ang dibdib ko kakaiyak , hanggang sa tumawag siya humingi siya nag tawad sa akin at sinabi niya na Hindi NA siya masaya , nawalan na siya ng gana at ayaw na niya at nakipag break na siya sa akin iyak ako ng iyak non habang sinasabi niya yun pero wala akong magawa kaya hinayaan ko na lang siya . Walang araw na Hindi ako umiiyak non halos Hindi NA ako pumapasok sa paaralan at laging nagmumukmok sa kwarto habang iniisip ang mga masasayang araw na kasama ko sya . Isang gabi pumasok si mama sa kwarto ko at tinanong ako kung okay lang ba ako at nung sinabi ni mama yun Hindi ko NA napigilang umiyak ako sa harap ni mama ,pinatahan niya ako at nag usap kami sinabi ko kay mama lahat lahat . Pero ang sabi ni mama non " wag ka ng umiyak , napapabayaan mo na ang pag aaral mo bata ka pa naman at marami pang lalaki dyan na mamahalin ka ng buong buo pero sa ngayon kumain ka muna at kalimutan mo na sya " nang sinabi yun ni mama na realized ko na lang na tama si mama na Hindi ko dapat siya iyakan kasi hindi lang sa kaniya umiikot ang mundo ko , kaya mula noon pinangako ko sa sarili ko na mag aaral muna ako ng mabuti at ng makapagtapos chaka ko na papasukin ang pag ibig nayan . Pero kahit ganun nag papasalamat parin ako sa kaniya kasi sa kaniya ko na ranasan kung Pano mainlove , Pano kiligin, maging masaya , at syempre kung Pano nasaktan kaya nagpapasalamat ako sa kaniya kahit papano. He's my one great love. Ngayon ang Gawain ko sa pangaraw araw ay sa bahay , paaralan , nood ng kdrama at mag basa ng wattpad , kasi ito na lang ANG nagpapasaya sa akin ANG panonood at pagbabasa at Hindi NA lalaki ang iniiyakan ko kundi Ang wattpad at panonood ng kdrama na lang . Kaya ang kinaka busyhan ko ngayon ay ang pag aaral , pangongolikta ng mga libro , mga k merchandise kasi okay na ako dito at talagang sa pagbabasa nalang ako kinikilig at umiiyak kaya ayun. At ngayon tumaas talaga yung standards sa mga malaki sa kaba basa ko ng wattpad eh.

At dyan nagtatapos Ang estorya ko at ng aking crush na naging jowa ko pero sinaktan lang din pala ako.

Kaya sa lahat ng mga kabataan diyan wag muna kayong mag jowa focus mo na kayo sa pag aaral para sa sarili mo at para narin sa pamilya mo .

#CrushxJowa😊😊

#salamat sa isang taon pag sa sasama natin

#03😊💔

#MyOneGreatLove

PS . Sorry po sa mga typo 😊 Hindi ko po talaga mapigilang maiyak ng maisulat ko ito pero okay na okay na ako sadyang sobrang sakit lang balikan yung mga panahon masaya ka pero nasaktan ka ng sobra sobra😥😥

Kaya salamat po sa pagkakataong ito subrange sarap sa pakiramdam na naibsan at nailabas ko yung sakit at sama ng loob ko 😊😊

Kaya thank you po.


Feb-Ibig Story Contest [[CLOSED]]Where stories live. Discover now